KABANATA 23

23 2 0
                                    

"Joy, sinasabi ko sayo! Mananatili dito si Aishe! Kailan ka ba matututo makinig hah! Ako yung inalisan mo ng pagkakataon dito! Huwag kang umasta na parang ikaw ang biktima! Tinaguan mo ako ng anak!"

Hinayaan ko na lang na marinig ko ang sigawan nila. Saan naman kasi ako pupunta? Ang mga kapatid ko ay may inayos pareho. Gusto nila sumama ako pero ako yung hindi pumayag. Hindi ko alam kung ano magiging reaksiyon ko. Nahihirapan ako sa sitwasyon namin, kaya mas gusto ko na mag-isa.

Ayoko ng maramdaman yung parang makikisama na naman ako. Na ako dapat yung mag-aadjust sa lahat ng bagay. Sawang-sawa na ako sa ganoon. Kaya nga mas pinili ko na mag-isa sa condo.

"Hoy, Chad! Inilayo mo sa akin ang dalawa kong anak! Tinaguan mo rin ako ng anak, inalisan mo rin ako ng pagkakataon na magpaka-nanay sa kanila! Huwag mo isisi sa akin ang lahat!"

Nakakatawa ang pamilya ko noh? Pareho silang nagtaguan ng anak. Iniisip ko kung fan sila pareho ng mga novel na tinaguan ng anak. Ginawa nila sa totoong mundo eh. Buhay ako pero parang inilibing ako ng buhay sa ginawa ni mama sa akin. Habang hinahanap ni mama ang mga kapatid ko siguro ipinagtitirik ako ni papa ng kandila.

"So ano ako dapat? Gusto mo ba na intindihin ko kung bakit nagawa mo yun?" Rinig ko ang pagkaralgal ng boses ni papa. "Ang sakit, Joy!"

"Mahal na mahal kita noon, Chad! Pero ano! Nang marealize mo na gusto mo pa pala mag-explore sa buhay at ipagpatuloy ang lintek na pangarap mo na maging manunulat! Kinalimutan mo na mahal mo ako!" sigaw ni mama na naging dahilan sa pagtayo ko at paglapit sa pinto ng k'warto ko.

Manunulat? Si papa?

"Chad, akala mo desisyon natin dalawa yun?" umiiyak na tanong ni mama. "Chad, kinalimutan mo kasi na si Rowelyn Joy ang unang fan mo, ang unang supporter mo, at ang unang reader mo. Kaso lahat lang yun kinalimutan mo! Umu-oo ako kasi ano bang choice ko? Hindi na ako mahal ng taong mahal ko. Ang sakit kasi hanggang ngayon apelyido mo yung dala-dala ko. Ang galing mo rin magtago na kahit alam namin ang totoo niyong pangalan ang hirap niyo hanapin."

Hindi ko ito alam. Wala akong alam sa part na ito. Ang alam ko naghiwalay sila dahil lang sa pareho nilang desisyon yun.

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita pagbabawalan na kausapin ang anak natin. Pero pasensiya ka na... hahanap ang anak natin ng lugar na gusto niya. Alam ko na yun ang gusto niya."

Hindi ko na napigilan na lumabas ng kuwarto. Nagulat sila ng makita ako. Dirediretso ako naglakad papalapit sa kanila. May parte sa akin na gusto ko na makinig pa pero mukhang hindi ko na kaya ng isang bagsakan pa.

"Pwede po ba ako lumabas? Magpapahangin lang," sabi ko habang pinipilit kong ngumiti. "Away well po. Pag-usapan niyo pa ang past niyo ng lalo niyo pang saktan ang isa't-isa."

Patakbo ako na lumabas. Nang makasalubong ko sina kuya ay sumunod na naman sila sa akin.

"Huwag ako ang habulin niyo." Lumingon ako sa kanila habang nakangiti. "Aalis din kaagad si mama. Hinanap niya kayo ng matagal na panahon, umuwi siya para sa inyo. Hiling ko na kausapin niyo na si mama. Sana man lang magawa niyo yun para sa akin."

Iniwan ko silang nakatulala. Kaagad ko tinawagan si Perdix kung saan kami pwede magkita. Siya na lang daw ang susundo sa akin total mas maalam siya rito sa Manila. Hinintay ko lang siya sa isang mall na malapit kasi ayoko lumayo kasi hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito.

Napabuntonghininga ako ng maupo ako sa isang upuan. Hinayaan ko lang ang sarili ko na matulala. Na panoorin ang mga tao na masasayang dumadaan sa harapan ko.

Halos isang oras ako naglibang sa cellphone ko. Pindot ng pindot ng kung anu-ano. Kagat-kagat ko pa ang mga labi ko para mapigil ko ang pagtulo ng mga luha ko. Naiiyak na naman ako. Lagi na lang. Masyado na akong nagiging emosyonal.

"Hey!"

Hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon. Kilala ko ang boses niya, alam ko na siya itong nasa harapan ko. Dali-dali akong tumayo saka ako lumapit sa kaniya at yumakap. Hindi ko na napigilan ang hindi humagulhol.

"Hush, bebs. Naku baka isipin nila pinaiiyak kita. Bebs, tama na. Grabe baka may kumuha ng video sa atin tapos isipin pa nila na mag-jowa tayo. LDR lang ang—Aray!" Kinurot ko siya sa tagilaran niya dahilan para mapa-aray siya.

Dinala niya ako sa sasakyan niya. Isinuklob niya pa sa akin ang jacket niya na para akong artista na itinatago sa media na humahabol. Nakakahiya man pero mas nakakahiya ata makita nilang kumalat na ang eyeliner at mascara ko.

"Mukha kang napabayaan," sabi niya saka nag-abot ulit ng panibagong wipes. "Ganiyan ba ang may boyfriend?" tanong niya habang tinutulungan na ako na sa paglinis ng mukha ko.

"Ang daming sinasabi," ang tanging sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Isipin mo yun, naik'wento ko sa kaniya nangyayari sa pamilya ko. Hindi na ako magtataka kung gawan niya ng story ang mga detalye na nakuha niya sa nangyari sa parents ko.

"Inggit ako, Bebs. Alam mo ang astig ng plot ng pamilya niyo. Kung sa story parang pinag-isipan ng author lahat. Isipin mo rin ah! Reader ang nanay mo, tapos writer naman ang tatay mo tapos ginaya nila yung mga nababasa nilang taguan ng anak—aray ko! Kanina ka pa, Bebs. Akala mo hindi masakit yang pangungurot mo?"

"Bakit kahit alam natin na masakit na pero ginagawa pa rin natin sa ibang tao?" tanong ko dahilan ng pagtahimik niya. "Hindi ba sapat na tumigil na kapag narinig nila yung word na masakit na?"

"Bebs, tao tayo eh. Kaniya-kaniya tayo. Parang ikaw, sinabi ko ng masakit pero inulit mo pa rin. Alam ko na hindi mo sadya pero masakit pa rin. Sadya man natin o hindi na manakit, nakakasakit pa rin tayo. Pero alam mo kung ano magandang kasunod noon?" tanong niya habang nakangiti. Umiling ako. "Magpatawad at kalimutan ang nangyari. Alam ko na hindi madali kasi minsan yung sugat kahit hilom na siya kumikirot pa rin sa loob. Mas maigi na alamin mo ang lahat hindi yung putol-putol. Hindi yung isang side lang ang alam mo, dapat maging fair ka." He tapped my head but I sighed deeply.

"Si papa," ang tanging nasabi ko.

"Kausapin mo na papa mo. I mean, huwag mo ng sayangin pa ang oras. Ang astig ah, writer ang papa mo. Tanungin mo nga kung may physical book na siya. Gusto ko magkaroon ng copy eh."

"Baliw."

"At least ako yung nasa tabi mo. Asan boyfriend mo? Ni hindi ka man lang tawagan. Hay naku, Aishe."

Binuksan ko ang phone ko pero ni isa walang call or message. Siguro busy lang si Worth. Mamaya tatawag din yun. Alam ko na tatawag din siya. Malalampasan namin ito. Kaya namin ito. O baka ako lang din talaga yung kumakapit?

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now