KABANATA 18

20 3 0
                                    

"How dare you!" singhal sa kaniya ni Ally. "You're unbelievable, Worth! I hate you!"



Bwiset na bwiset si Ally kay Worth dahil sa update nito kagabi sa story na ginagawa ni Worth na ongoing pa. Sinabi rin ni Worth na malapit na itong matapos. Si Ally kasi yung tipong sobrang vocal  at palabuo ng theory. Ito namang si Worth pinagtripan ang story.


This is the reason why I don't want to tell my theory to the writer because it may be the cause that the writer may move the story in a way that may hurt me. Mas gugustohin niya yung hindi ko ineexpect para paglaruan ang reader. Mas mapapaikot-ikot niya ito kahit buo na ang outline niya. Minsan naman kahit alam mo na yung endgame papasikot-sikotin niya pa.



"What you can you say, Neng?" Worth asked. "Ano ba theory mo?"


"Pakialam mo sa theory ko," masungit na sabi ko. "Kahit hindi ako writer, alam ko yang galawan mo. Huwag mo akong itulad kay Ally na panay daldal sa theory niya."



"Hoy! Ang sama mo, Aishe!" singhal sa akin ni Ally bago lumapit. "Bakit ba kasi ganoon, Worth!"


I laughed because of her face. Hindi niya talaga matanggap.


"Nag-expect na ako eh. Nag-expect na ako na sila ang endgame! Anong ginawa mo!" Feeling ko talaga maiiyak na si Ally kahit nandito kami sa school cafeteria. "Bakit! Ayoko na! Ba't mo pinatay si Kian! Bakit kailangan si Brix makakatuluyan ni Gianna!"


Si Kian din ang ineexpect ko. Pero bakit ko naman papakilaman yung gusto ko eh hindi naman ako ang writer. Hindi ko nga rin alam kung sisipagin pa ako basahin kung ang gusto ko ay pinatay niya sa kwentong siya naman talaga ang may-ari.


"Neng, ikaw sino gusto mo?" tanong sa akin ni Worth.


"Tanga ka! Si Kian ang gusto namin!" singit ni Ally. "Pareho kaya kami ng gusto." Inosente akong tiningnan ni Worth na parang sinusuri kung totoo ang sinabi ni Ally.


I nodded.



"Nag-expect na rin talaga ako na si Kian na talaga. The way he hide his feeling, and sacrifice his happiness para kay Gianna, ramdam ko na. Pero sa bandang huli kahit mutual naman pala sana feelings nila nasa lapida na ang pangalan ni Kian. Ibig sabihin na si Brix na talaga, you also give us a hint na si Brix na. Don't you dare na buhayin si Kian kasi mukha ka ng tanga sa part na yan."




Tawang-tawa kami ni Ally sa mukha ni Worth ng iwan namin ito. Hindi ito makapaniwala sa gusto namin ni Ally. Dimiretso na lang kami sa room namin kasi may klase pa kami.



"Pati ba naman gusto ko sa libro pinatay! Ikaw kung ikaw ang writer, ano plot mo?" tanong ni Ally ng makarating kami sa room namin. "Gusto ko lang malaman."




"If ako ang may-akda. Hindi ko papatayin si Kian, si Gianna siguro." Hinampas niya ako ng hawak niyang notebook sa ulo kaya napahawak ako roon. "Masakit ah!"



"Endgame si Kian tapos Brix ganoon?"



"Tanga, hindi! Joke lang. Kung ako ang writer wala akong pipiliin. Mabubuhay si Gianna at makakamove on kay Kian samantalang si Brix magiging bestfriend lang ni Gianna."



"Wala kang pag-asa magsulat. Tama na nga lalo lang ako nabibwiset sa mga sinasabi mo."



Gabi na nga natapos ang klase namin pero may group project pa kami kaya dumiretso kami sa isang coffee shop. Magkasama kami ni Ally sa group kaya naman tumulongbna lang kami sa pagawa ng PowerPoint presentation bago kami nagpaalam umalis ay tapos na rin naman.


Naging mabilisan lang ang naging immersion namin. Nag-immersion lang naman kami habang Valentines Day kaya si Worth ang  sumundo sa akin. Isasama dapat namin si Ally kaso ayaw ni Ally, kumain lang kami sa labas kasi busy din siya. Hindi naman kami masyado nahirapan sa immersion kasi sa Comelec registration lang naman kami naassign.  Magkasama kami ni ate Jelayza pero napahiwalay sa amin si Ally. Nagkikita-kita kami tuwing weekend buti na lang at patapos na rin kami sa research paper namin. Kailangan na lang namin magdefense at ayusin if need pa then tapos na kami.



Dahil pare-pareho kami busy hindi na kami masyado nagkakasama-sama. Nandito kami ngayon ni Ally sa National Book Store. May bibilhin kasi kami para sa decoration sa room bago man lang kami umalis para daw sa creative shots.


"Ang hirap nila hindi pansinin. Dapat pala sa gilid-gilid na lang tayo bumili, Aishe. Nahihirapan ang damdamin ko, parang gusto nilang bil'hin ko sila." Turo niya sa mga libro. "Kaso wala akong pera, ayon yung book ni Tatang oh!" Turo niya sa isang libro na natitira.



Pareho naman na kami may copy noon pero nagulat kami na lalaki ang lumapit doon. Si Ally parang tanga baka yun na raw ang nakatadhana sa kanya. Dapat lalabas na kami kaso sabi niya hintayin namin yung g'wapo. Nadismaya si Ally ng ilapag nito ang libro at tumingin sa iba.


"Ay! Magsisisi yan na hindi niya binili yun!" Halos hatakin ko na si Ally nang mabayad na kami.  "Ang g'wapo niya, para siyang ibang version mo. Pareho kayo ng kulay ng mata na medyo brown, baka kayo ang itinadhana."



"Tumahimik ka na nga," suway ko sa kanya. '"Tara, labas na tayo."



"Wala tuloy ako nabili. May tinago ako doon sa medyo tago naman, babalikan ko yung libro na yun," confident na sabi niya. "Sana pagbalik ko nandoon pa rin siya."


Hinila ko si Ally hindi palabas kundi papunta sa kung nasaan ang librong gusto niya. "Arat, bilhin ko na para sayo. Nasaan na ba?" tanong ko. "Ano na, Ally? Tatayo ka lang?"



Paliliko na sana kami sa bookshelves ng biglang napahinto si Ally dahil kamuntikan na silang magkabangga. Bahagya pa silang nagkagulatan. Nang mapatingin ako sa mata niya ay sakto namang pagtingin niya sa akin. Napansin ko nga na pareho kami ng feature ng mata pero nauna siya mag-iwas tingin.


"Hala! Kuya, sorry po. Hindi ko pa talaga sinasadya. Huwag niyo po sana akong ijudge kahit nagag'wapohan po ako sa inyo hindi po ako nagplano na kamuntikan tayo magkabunggo. May galang po ako sa nakakatanda sa akin." Alam ko na si Ally ang nagsasalita pero bakit parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa o kaya sabihin ko na hindi ko yan kasama, na hindi ko yan pinsan. "Nasa Pilipinas po kasi tayo at halos bawat galaw may issue kaya nagpapaliwanag lang po ako."


Ally and I were so shocked when we heard the boy chuckled.


Ang g'wapo ng pagtawa niya.



"So cute. I didn't mind that incident, baby girl. Stop worrying." Baby girl? "By the way mauna na ako."



"Ay sana all, baby. Dapat sana sinabi mo is Are you lost,baby girl?"  Tinawanan lang namin siya. "May tanong ako kuya." Hirit pa ni Ally. "Ano... ba't hindi mo kinuha yung nag-iisang libro ni Tatang?"


"Oh! That book! I already have one, girls. Reader niya kayo?" We nodded. "By the way, my name is Ace."


"I'm Allyson po and here is my cousin Aishe. Pansin ko na hawig kayo sa part ng eyes, and cute."



"Coz we're cute, right?" Itinuro ko pa ang sarili ko ng tumango siya ay ngumiti ako saka tumango. "See you when I see you. Malay niyo magkita na lang ulit tayo sa pagreveal ni Tatang. Ingat kayo, girls. Nice meeting you, I need to go, my brother, already wanna kill me because I am late already."



"Hala sorry po! Sige po. Nice meeting you din po." Kumaway na lang kami dahil nagmamadali na talaga siya. "Ang g'wapo, shit!"



"Lumayo ka sa akin, Ally. Nakakahiya ka." Nang tuluyan na kami makalabas ay halos sabunutan ko na talaga si Ally kaya tawa siya ng tawa.



May galang po ako sa nakakatanda sa akin. Sarap hambalusin ng libro si Ally. Nakakahiya siya.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant