KABANATA 8

24 6 7
                                    

Nagkaayos na rin sina Worth at Ally. Sinuyo-suyo kasi ni Worth si Ally maging si tita, dahil na rin sa nangyari. Hindi raw siya titigil hangga't hindi sila nakakabalik sa dati. Napapangiti na lang ako kay Worth sa tuwing sinusuyo niya si Ally.


"May bagong update si Tatang!" excited na tili ni Ally.


"Kita ko nga," excited na ako sa book signing event ni Tatang kahit matagal pa.


"2nd year college na tayo kapag nagreveal na si Tatang," nakangusong sabi ni Ally. "Graduating pa lang tayo, matagal pa talaga. Sure na sa Manila yun pero dadayo talaga ako."


"Dadayo tayo," sabat naman ni Worth habang naglalaro siya ng online games.


"Mamemeet ko na rin anak ni Tatang. Kahit isa lang sa kanila maging asawa ko, ayos na." Nangangarap ng gising ang babae. "Iship niyo nga kami para naman mainspire ako."



"Ang kapal ng mukha mo," sabi sa kaniya ni Sharise kaya nagsitawanan kami.



AnakNiTatang ang tawag sa famdom ni Tatang. Isa kami doon dahil siya ang pinakanumber 1 na iniidolo ko sa larangan ng pagsusulat maging nitong dalawa.


"See you, Tatang. See you, Manila! Soon talaga!" Tawang-tawa talaga kami kay Ally.


"Assuming ka, Neng." Ngumuso na lang siya sa sinabi sa kanya ni ate Ecka.


***


Naging busy kaming lahat sa pagrereview dahil sa first semester final examination. School at unit lang talaga ako nang makaraang araw. Kailangan ko kasi talaga mag-aral para naman may maipagmalaki si mama at may napupuntang mabuti ang pagtatrabaho niya sa ibang bansa.

"Ma, makakauwi ka kaya sa graduation ko?" I asked.


[I'll try, not sure. Alam mo naman na ang trabaho ko dito, hindi basta-basta.]


I sighed deeply.


"Sana makauwi kayo."



[Don't worry, I'll try.]


Sapat na siguro na itatry niya kahit alam ko na ang kalalabasan ng lahat.


May parte sa akin na ayaw ng umasa pa pero hindi ko naman kasi talaga mapigilan. Aasa at aasa ako hanggang sa masaktan na naman ako at tuluyan na nga akong mapagod. Hindi ko naman kasi mapigilang hindi umasa lalo na kung pagdating sa pamilya ko, kung may pamilya pa nga ba talaga ako.


Wala naman kasi akong choice, hindi naman ako makapagreklamo. Hindi ako makakapag-aral kung hindi nagtatrabaho si mama. Hindi ko mabibili mga kailangan ko if nandito lang siya sa Pilipinas. Alam naman natin na mas malaki ang opportunity kapag nasa ibang bansa, kasi ano ba naman mapanghahawakan nila rito right? Naiintindihan ko kung bakit siya nandoon, para magkapera para matustusan ang paghahanap sa mga kapatid ko.


"Halos maalog ang aking brain sa statistic." Himutok ni Ally.


Kahit ako nastress din naman ako sa exam. Hindi naman ako sobrang matalino pero hindi rin naman masasabing walang alam. Mas pinapakomplikado lang talaga niya ang paggawa ng mga questions.



"Atleast natapos na tayo. Sana nga lang pumasa," sabi ko habang nakapangalumbaba dito sa mesa sa isang coffee shop.


"Nahiya naman utak ko sayo," sabi ni ate Jelayza.


"Oo nga." Pagsasang-ayon dito ni Ally. "Nakalimutan niya rin ata na running for Valedictorian siya," she said.


"Hindi ko yan iniisip. Basta ang alam ko ginagawa ko ang best ko at hindi ko pa rin nakakalimutan mag-enjoy. Kung puro ka lang aral tapos hindi mo naman na talaga kinakaya, maiwawala mo lang yung sarili mo."


OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now