KABANATA 28

19 2 0
                                    

Nahirapan man ako kinaya ko. Hinayaan ko lahat ng mga sinasabi nila. I don't care anymore. I will just stay quiet. Naiisip ko, siguro kaya ako ganito kasi hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya. Tanga na kung tanga, pero I'll try to get things back.

"Dali na. Help me. Sabihin mo, I need some suggestions."

Huminga ng malalim si Perdix dahil sa sinabi ko. "Seryoso ka na sa katangahan mo?" he asked. "Ano ba yan! Kung gusto magsulat, magsulat ka mag-isa mo kung yan lang naman ang rason mo sa pagsusulat mas mabuti na huwag ka ng magsimula pa."

Alam ko na badtrip siya dahil sa reason ko pero masisi niya ba ako? Feeling ko kasi ako talaga yung nagpapakomplika sa mga bagay-bagay.

"Bebs naman..."

"Papayag ako sa isang kondisyon."

"Ano yun?"

"First story mo dapat collab tayo. Igaguide kita sa mga alam ko pero alisin mo sa isip mo na nagsusulat ka para sa lalaking iyon. Yun ang kondisyon ko."

Hindi ako pinansin pa ni Perdix after ng pagkikita naming iyon. Panay sorry ako sa kaniya kung naoffend ko siya pero kahit na seen ay hindi niya ako pinaramdaman. Hindi ko na siya kinulit pa at naging busy naman ako sa pag-aaral ko. Lagi rin nagdidinner ang mga kapatid ko sa unit ko. Minsan ay nakikitulog na sila. Wala naman na akong magawa kasi napapagod lang ako na pagsabihan pa sila dahil hindi ako nananalo sa kanila.

"Kuya, uuwi ako tomorrow. Sabi ni mama kahit ilang days lang daw dumalaw ako."

May namatay na kamag-anak namin. Sabi ni mama kahit 2 days lang daw ay magpakita ako doon. Hindi pa naman nagtatagal ang klase namin dahil two weeks pa lang naman. Kaya ko pa naman.

"Sasama ako." Umiling ako. "Kamag-anak din ako, Aishe."

"I know pero busy schedule niyo. Isang sub lang ako makakapag-absent at nakapagpaalam na rin ako. Dami niyo klase kaya maiwan kayo. Hindi ako papayag, kuya Aidan. I can handle myself. Sabihan mo si kuya Ace. Ikaw na bahala."

Alam ko na wala silang magagawa. Kumuha ako ng iilang damit at gamit na dadalhin ko. Malaking backpack lang ang dala ko since ilang araw lang din naman ako doon. Maaga ako biyahe ko kaya dapat na ready na kaagad bago ako matulog.

Umuwi si kuya Aidan kasi may group study sila. Hindi na ako nag-abala pang magsabi kay Perdix dahil alam ko na busy siyang tao.

***

Kinaumagahan ay maaga dumating si kuya Aidan. Ihahatid niya raw ako hanggang terminal. Hindi niya pa sinasabi kay kuya Ace kasi mangungulit lang daw yun.

Halos 8 hours ang naging byahe. Sinundo ako ni kuya Gael sa babaan ng bus. Pumunta muna kami sa isang restaurant kasi gutom na talaga ako. Nakakainis kasi tawag ng tawag si kuya Aidan after niya makatapos ng klase sa isang subject.

"Ayos na nga kasi ako! I'm with kuya Gael na nga! Stop calling me, please... lang. Okay na ako."

"Okay. Take care of yourself. Susunod kami diyan later. Wala na kami klase pareho sa bukas."

"Fine. Bahala kayo." Binabaan ko na kaagad siya ng cellphone.

Nang matawa si kuya Gael ay napatitig ako sa kaniya. "Cute. Sarap ba magkakuya? Masaya ba?" he asked.

I pouted.

"50/50 siya. Basta ganoon. Si Ally ba umuwi, kuya?" Pag-iiba ko sa usapan. "Hindi na kasi kami nagkakausap eh."

"Baka bukas rin or baka linggo na. Baka sa libing na mismo." Tumango lang ako sa kaniya. "Sa linggo na rin kasi ang libing so baka linggo na siya umuwi or Saturday evening."

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now