KABANATA 5

42 8 1
                                    

Napagdesisyonan namin ni Ally na magsimba. Kita na lang daw kami sa simbahan, kaya doon na ako dumiretso. Mas minabuti ko na lang na hintayin siya sa labas. Ayoko naman na pumasok ng wala pa siya.


Nang makita ko si Ally ay nakabusangot itong bumaba sa jeep.


Himala ay nagcommute ito.

Nakasunod sa kaniya si kuya Gael at Cally. Mukhang alam ko na kung bakit siya badtrip. Gusto ko na lang siyang tawanan.


"Sumama sila, hindi tayo makakagala nito. Badtrip talaga ako," bulong niya sa akin ng makalapit siya.


"May plano ba na aalis tayo?" I asked.


"Syempre ako nagplano kaya lang nandiyan si kuya, pinapauwi lang agad ako kina mama."


Nang makapasok kami sa simbahan ay naghanap na agad kami ng mauupuan kasi magsisimula na ang misa. Kinakala-kalabit pa ako ni Ally ng makita namin ang mga sakristan.


"Ang g'wapo, girl."


"Magtigil ka nga." Saway ko sa kan'ya.

"Ako na lang pala mag-isa. Palibhasa may soon to be boyfriend ka na," nakanguso niya ulit na bulong.


"Baliw, mamaya na kasi sa labas. May nakatingin na sa atin oh," nguso ko sa isang matanda na mukhang gusto na kaming palabasin..


Napaayos ng tayo si Ally ng makita niya ang matanda na tinutukoy ko. Hindi na rin ito nag-ingay pa ng magsimula na.


Nang magkokomuniyon na ay hinila ako ni Ally para makapila, sumingit pa tuloy kami. Nasa likuran ko siya at nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.


Hinila niya ako para makita ng malapitan yung tatlong sakristan.


Oppa nga talaga.


Nang matapos ang misa ay parang tangang nakangiti si Ally. Hindi ko naman siya masisi, kahit naman ako napapangiti. Paano ba naman muntikan pa sila magkabangga noong isang sakristan.


Kunwari tatanga-tanga siya.


"Kinikilig ako, medyo nadaplisan ng suot niya ang braso ko."


"Masaya ka na roon?" tanong ko.


"Syempre, nag'wapohan ka ba doon?"


"Oy, linis din nila tingnan."


"Akala ko may sira na mata mo dahil kay Worth. Masaya ako na ayos pa naman," sabi niya kaya binatukan ko.


So feeling niya si Worth na g'wapo para sa akin?


Napagdesisyonan namin na kumain sa Jolibee. Request kasi ni Cally.


"Kain lang kayo, my treat."


Galante ang kuya Gael namin ngayon.


"Nawa'y laging ganito, kuya."

"Ate Aishe, want mo pa fries mo?" tanong ni Cally.


"Gusto mo pa?"

She nodded.

"Cally, kay ate na yan," saway ni kuya Gael.

"Okay lang, kuya." Iniabot ko na lang sa kaniya ang fries kaya tuwang-tuwa ang bata.


"Simba ulit tayo sa linggo, sis."


OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now