KABANATA 24

19 2 0
                                    

Naging ayos naman kami. Busy siya sa manuscript at sa mga CAT na pinaghandaan niya. Panay din ang tawag niya kaya okay naman. Hindi pa man nagsisimula ang klase ay ramdam ko ng mawawalan kami ng oras sa isa't-isa. Aware naman na ako doon. Maayos naman ang lahat sa una pero katulad nga ng sinabi ko sa una lang ito.

"What's happening, Worth?" I asked.

[Busy ako sa manuscript ko, Neng. Kailangan ko na kasi talaga maipasa yung pangalawa. Halos wala na nga akong tulog, Babe. Ang sakit na ng ulo ko.] Nakanguso niyang sabi habang makavideo call kami.

Halos mag-iisang linggo na simula ng magkausap kami sa telepono. Ayoko talaga ng ganito pero sabi ko nga si Worth yan, hindi siya katulad ng iba. Magkaka-oras siya sa akin kasi girlfriend niya ako.

Sa tuwing nakikita ko na nagpopost ng picture sina Ally nadudurog ang puso ko. Hindi ako tanga, may oras siya sa mga kaibigan niya pero sa akin wala. Lagi niyang dahilan ang manuscript niya. Magkasunod kasi ipupublish ang libro niya. Ang alam ko nakahiwalay na si Sharise, si Joanne busy na rin daw sa trabaho, at si Chessca nasa bahay pa rin nila dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase.

[Sige na, Neng. Ingat ka diyan. Hinahanap na ako sa baba. Tsaka... ako na lang ang tatawag sayo. Promise, tatawagan ulit kita.] Kumaway pa siya bilang pamamaalam bago niya ni-end ang call.

Napabuntonghininga ako bago ko isinara ang laptop ko. Kakaayos ko pa lang ng gamit ko dito sa bago kong unit. Nandito kanina ang mga kapatid ko para tumulong samantalang may aayusin daw si papa kaya mamaya na siya pupunta rito kasabay nila kuya.

Nakapag-entrance exam na ako sa dalawang school. Bachelor of Arts in Journalism at Business and Management ang pinili ko. Pero sana kung makakapasa ako sana pwede ako sa BS Arts in Journalism.

"Pa, bakit ang dami niyong dala?" tanong ko kay papa ng makita ko ang pagkain na dala niya. "Ano bang meron?"

"Celebration. A simple celebration with you. Ito ang unang celebration ko kasama ka."

"Sayang wala na si mama," nakangiti kong sabi bago ako kumuha ng burger na dala niya. "Pa, paano kayo nagkakilala ni mama?"

Naupo si papa sa tabi at nakangiting nakatingin sa akin. "Crush ako ng mama mo. Siguro siya yung hindi talaga ako sinukuan sa bawat ginagawa ko. Effort na effort ang mama mo sa lahat ng bagay pagdating sa akin."

Bakit kaya sila naghiwalay kung masaya naman pala sila? Habang nakatingin ako kay papa ay nakangiti siya habang nagkik'wento, bakit parang may iba?

"Bakit kayo naghiwalay, Pa? Sagabal ba ang pamilya sa pagsusulat mo? Bakit iniwan mo ako? I mean kami ni mama? Paano kung wala ako? Paano si mama ng time na yun, Pa? Hindi mo ba naisip na kailangan ka no mama kasi buntis siya ng mga panahon na iniwan mo siya?" tanong ko na naging dahilan ng pag-ngiti niya ng payak ngumiti halata ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Away kami ng away ng mama mo. Wala akong trabaho noon, anak. Sulat ako nang sulat kahit wala akong nararating sa pagsusulat." Bumuntonghininga siya bago nagpatuloy. "Minamaliit ako ng pamilya ng mama mo. Alam mo naman na ugali nila diba?"

Tama si papa. Hindi man mayaman sina mama pero masasabi mo na magaganda ang buhay nila. Nakakakain sa mamahaling mga pagkain, may mga bahay na gawa sa semento't bato, kung saan-saan nakakapunta, at higit sa lahat tapos ng college. Minsan hindi mapirmi ang nga dila nila. Pag-uusapan ka habang nakatalikod. Yung tipong nanaisin mo na lang na sana hindi mo na lang narinig lahat ng hindi mo sadyang marinig.

"Ubos na ubos na ako noon. Lubog na lubog na ako tinatapak-tapakan pa nila ako. Tapos ako ng engineer pero pagsusulat ang inuna ko. Handa ako ipaglaban ng mama mo pero napagod ako, anak. Gusto ko may mapatunayan gamit ang sarili kong kakayahan. So... I made a choice. Pinili ko na umalis pero sa pag-alis ko mawawala pala kung ano man ang lahat ng mayroon ako."

Kinuha ni papa ang inumin na dala niya saka uminom. Ang hirap makinig. Ang sakit-sakit. Ang bigat sa dibdib na bakit ganito? Ang lalim ng sugat na natamo naming lahat.

"Kinalimutan ko ang pangarap ko. Dahil mahirap kahit tapos ako ng engineering mas minabuti ko na magconstruction worker. Sobrang pasasalamat ko ng may nakakuha sa akin, nagturo pa ng lahat ng nalalaman niya kaya ako nakapagtrabaho ng bilang isang engineer. Pero taon din ang tiniis ko."

"Habang nagpapakahirap ka, nahihirapan din ako. Since elementary natuto ako na tumayo sa sarili kong mga paa." Napalunok ako dahil pinipigilan ko na huwag umiyak. "Natuto ako na magbasa ng mag-isa, magsulat ng mag-isa, magbilang ng mag-isa, na gayahin ang pirma ni mama kasi sa tuwing may assignment dapat may pirma ng magulang." Ngumiti ako habang pinupunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko.

"Anak."

"Walang nagtuturo kung tama ba o mali yung ginagawa ko. Walang nakaka-appreciate sa kung ano man ang achievements na nakukuha ko. Since when I was a kid I'm all alone struggling all the pain and loneliness, Pa. Ang hirap," sabi ko habang umiiyak.

"I'm sorry, anak."

"Pera. Pinagkakaperahan pa si mama ng mga kamag-anak niya. Para akong isang bagay na pinagpapasa-pasahan lang. Bumuti lang ang buhay ko ng mapunta ako kina Ally. Pero akala ko okay na pero hindi pa rin pala."

"Sinaktan ka ba nila?" tanong ni papa habang pinipisil-pisil ang kamay ko. "Anak?"

"Ang saya kasi ng pamilya nila, pa. Naiinggit ako. Sa tuwing komplete sila kitang-kita ko kung paano sila kasaya. Nasasaktan ako na makita sila kasi nakakalimutan nila ako kasi sino ba naman ako diba?" tanong ko.

Niyakap ako ni papa at hindi ko na napigilan ang paghagulhol ko. Awang-awa na ako parati sa sarili ko. Ubos na ubos na rin ako. Akala nila kaya ko pero hindi. Lagi ko na lang nararamdam na parang ang dali lang para sa kanila na iwan at kalimutan ako.

"I'm sorry. Papa's here na, anak. Alam ko na hindi ako mag-istay kasi nagtatatrabaho rin ako sa ibang bansa. Pero always remember na si papa hindi mapapagod sayo. Tsaka you have your kuya na."

Wala eh. Mahina ako sa ganitong setup. Malayo ako kay mama, kina Ally, kay Worth, pati na kay papa. Ang hirap-hirap kasi pakiramdam ko ako lang naman yung nahihirapan eh.

Kaagad ko pinunasan ang mga luha ko kaya binitawan ako ni papa. "Ayos lang, Pa. Malaki na ako. Tsaka kaya ko na. Huwag kang mag-alala, sina kuya rin bahala sa akin."

Nang dumating sina kuya ay takang-taka sina kuya ng makita na umiiyak kami. Tumabi sa akin ang dalawa at yumakap sa baywang ko kaya natatawa ako habang nagpupunas ng mga luha ko.

"Road to broken hearted ata ako mga kuya," natatawang sabi ko. "Arat, inom?" Binatukan nila ako ng sabay pero binigyan naman nila ako ng isang bote ng beer.

"Isa lang, Aishe." Paalala ni kuya Aidan. "Baka kasi iyakan mo pa kami kapag hindi ka binigyan."

"Just please, know your limitation. Hindi ako nagbabawal sainyo pero sana naman aware kayo sa mga bawal." Tumango kami sa sinabi ni papa. "Magtapos muna, mga hijo at hija."

Nang tumawag si mama ay galit na galit ito dahil umiinom kami. Ano ba magagawa niya eh nasa ibang bansa siya. Ipinaliwanag ni papa kay mama ang lahat kaya hinayaan na lang namin na mag-usap sila.

Inayos ko ang mga papers para sa enrollment. Sa dami sobrang napagod ako ipunin iyon buti nalang nasa tabi ko naman sina kuya. Malapit na malaput na kasi ang pasukan.

Nang magvibrate ang phone ko ay kaagad ko kinuha. Nakita ko na name ni Ally ang nagpop sa notification ko.

Allyson Ramirez;
I'm sorry.

Nagreply ako sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot. Kahit kinaumagahan hindi niya na ako sinagot pa. Kahit tawag ko hindi niya na rin pinapansin. Gusto ko man isipin kung ano ang problema pero siguro may nagawa akong mali. Hindi ako mapapagod hanggang sa kausapin na ulit niya ako kahit araw-araw pa ako magmessage sa kaniya.

What's happening, Ally?

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now