KABANATA 38

21 2 0
                                    

Natagalan ako sa pakikipag-usap sa isang teen writer. Halos umusok ang ilong ko sa pakikipag-usap dito sa babaeng ito. Hindi talaga ako makarelate sa gusto ng babaeng ito. Normal pa naman ako pero ang babaeng ito napakaarte.




"Ano nga ang gusto  mo?" tanong ko. "Tell me."



"Why? Ibibigay mo ba? Hirap kasi sa inyong mga matatanda, puro kayo salita." Nangangalaiti na talaga ako, kaunti na lang talaga. "Kung wala ka ng ibang sasabihin pwede na ba ako umalis?"




"Bebs!" Sabay kami napalingon kung nasaan si Perdix. "Andito ka pala."



I sighed.


"Work," maikli kong sagot. "Akala ko uuwi ka na?" tanong ko sa babaeng katabi ko.



"Hindi ah, joke ko lang yun. My name is Angel," sabi  nito sabay lahad ng kamay niya kay Perdix. "Hindi mo naman sinabi na may boy bestfriend kang g'wapo." Mas lalo atang uminit ang ulo ko.




Sila ng dalawa ang nag-usap. Hindi na ako masyado nagsalita pa. May sarili na silang mundo kaya bahala sila sa buhay nila. Hindi ko talaga mapigilan na hindi mapabusanggot sa babaeng ito. Ugali rin eh.




"Grabe, future licensed lawyer ka pala. Pumapatol ka po ba sa mas bata sayo?"



"Yes." Napalingon siya sa akin. "Kaya nga nandito ako eh." Sinamaan ko siya ng tingin habang kinikilig si Angel.




"Umalis ka na. Kita na lang tayo sa bahay. Nauurat akong makita ka." Tumayo naman ang gago saka niya kinuha ang gamit niya. "Magluto ka na doon."



"Magkasama kayo sa bahay?" tanong ng babaeng ito



"Yes, he is my fiance." Tumingin ako sa gawi ni Perdix. "Ano pa?"



Nagulat ako sa bigla niyang pagyuko at tinakpan niya ng bag niya ang harapan namin para hindi kami makita ni Angel at kaagad niya ako hinalikan ng mabilis.


"I love you," he mouthed before leaving us alone.



"What was that? I thought mag-bestfriend lang kayo?"



"Sorry but he is not available. Pumapatol talaga siya sa mas bata sa kaniya kasi mas bata ako sa kaniya. Now, are you going to accept our offer or not?"



"Fine. Pupunta na lang ako doon. My gosh, may mga lalaking editor ba kayo?" I nodded. "May g'wapo?" I nodded again. "Sige, babasahin ko na ang kontrata. Baka nasa publishing company niyo ang future husband ko." 



Matapos ko makausap ang babaeng iyon ay napagdesisyonan ko puntahan si Chessca. Nababadtrip lang ako sa pinaggagawa ng mga tao sa trabaho ko. Kanina pa tawag ng tawag si boss pero kalmahan niya kailangan ko ng pahinga.



"Ano, ayos ka ba rito?" tanong ko sa kaniya. "Nasaan manager mo?"



"Inaayos mga gulo-gulo. Alam mo hindi na ako makalabas ng malaya. Grabe, hindi ko naman inaasahan na mag-aartista ako. Nakakaurat naman ang buhay ko ngayon."



"Sino ba kasi nagsabi sayo na pasukin mo ang larangan ng pag-aartista. Kinacareer mo na kaya. Nag-aartista, may music video, nagrerecord ng kanta, at higit sa lahat dancer pa." Dinampot ko na lang anf fries at saka ako kumain. "Hindi ko na alam sayo, Chessca. Dati parati ka nakabusanggot ngayon puro ka na ngiti. Hindi ako masanay-sanay."




"Kaysa naman kay Sharise. Hindi ko na alam nangyayari sa kanila ng jowa niya. Nakakaurat, hindi siya nagsishare."


Ang alam namin at nagkakaproblema sila ng jowa niya. Hindi na rin sila palalabas ng bagong vlog. Yan pinakaayaw ko  kaya  wala akong sinusuportahan na  mga couple vlogger kasi for me baka lahat lang pakita sa camera.



Hindi mo na alam if totoo pa ba o hindi ang nakikita ng mga mata mo. Ang iba ang gagaling umarte, parang mga artista. Gagawin  ang lahat para sa isang content na maaring maging million na pera




"Ano pinakaayaw mo sa sitwasyon mo ngayon? May pinagsisisihan ka ba?"



Natigilan siya saglit saka tumingin sa akin. "Wala. Dahil dito nakabukod ako, dahil sa pagpasok ko sa industriyang ito nakawala ako, dahil dito nasusuportahan ko ang kuya at mga kapatid ko, at higit sa lahat, nabigyan ko ng negosyo at napagawaan ko ng bahay ang mga magulang ko. Pinakaayaw ko lang sa sitwasyon ko is parang nawalan na ako ng kalayaan. Na sa tuwing lalabas ako maraming nag-aabang na kahit masaktan na nilnakakainis lang para sa isang litrato. Pero nakakainis man pero dahil kay Persues kaya ako nandito. Nang dahil sa paghihiwalay namin noon gusto ko rin itry na maging sikat kasi kapag ba sikat na ako support na sila sa relasyon namin. Sa tuwing nasa interview ako iniiba ko ang sagot ko pero dahil talaga kay Persues kaya ako pumasok sa industriya na ito. Kasi nasaktan ako, pumasok sa pagiging idol, at nagkapera."



"Kaya mo pa ba?" mahinahon kong tanong.



I saw how her lips smiled but there's a sadness in her eyes. "Syempre, para sa mga taong patuloy na susuporta sa akin. Pinagkakaperahan ko rin naman ang larangan na ito at nakakatanggap pa rin alo ng totoong suporta at pagmamahal, hindi ko lang alam if tatagal iyon kapag nalaman nila na ako ang babae sa likod ng babaeng pinag-aksihan ng oras noon ni Persues."



I hugged her. She chuckled before she tapped my back.



"I'm so proud of you too. Sana makaattend ako sa event na yun next month, sana hindi ako dumugin. Happy ako para sa inyo ni Perdix. Sorry nga pala sa mga panahon na nasasaktan ka ng dahil sa kaibigan natin, sorry kung si Ally yung dinamayan namin."



"I understand and I'm so thankful for that. Nasa tabi ko ang mga kapatid ko at si Perdix samantalang wala ni isang nasa tabi ni Ally kaya alam ko na mas aasahan niya kayo. Grabe, iba rin ano, kahit papano may nararating na tayo."




"Yeah. Miss ko na sila. When kaya ulit tayo magkakasama-sama?"


"Ewan."



Sinundo ako ni Perdix sa harap ng building ni Chessca. Dumiretso kami sa unit at nakapagluto na rin siya. Nakita ko rin na nakapag-update na siya. Ako wala dahil sa pagkabusy ko sa trabaho.




"Sa linggo free ako. Mall tayo," sabi niya habang kumakain kami. "Bili tayo ng damit, tsaka date na rin tayo. Miss na kita kadate sa labas eh."



"Sus! Ang pangit mo kaya kabonding sa mall, kahit ayaw ko kinukuha mo. Nakakainis ka."



Ganoon kasi siyang tao. Noong unang nagdate kami sa mall halos umusok na ang ilong ko sa kabibili niya ng gamit para sa akin kahit agaw ko naman kasi kailangan ko raw ang mga iyon. Auaw ko lang naman na gumastos siya ng grabe para lang sa kung anu-ano dahil may ipon naman ako para sa sarili ko pero sita yung tiponh ayaw magpaawat.



"Mahal kasi kita. Tsaka para naman talaga sayo ang budget na yun. Don't worry, next time bahay na ibibigay ko sayo."



"Baliw."



"Totoo nga. Singsing pala ulit, dadagdagan ko 'yan." Turo niya sa singsing na nasa kamay ko na ibinigay niya noong mag-proposed siya. "Ililipat mo yan sa kabila at isusunod na natin ang sa kasal."




Naupo ako sa lap niya saka ako yumakap sa kaniya. "I love you, Dix. Grabe, mahal na mahal na kita."


He chuckled.



"Salamat sa pagmamahal mo. Mahal na mahal din kita. Salamat sa lahat ng pag-iintindi. Always remember that I'm not just your future husband, you can count on me as always mapakaibigan man, at kahit ano. I love you so much. Thank you for being with me and dealing with all my flaws."



I chuckled.



"Ako dapat nagsasabi doon sa last part. Thank you for loving me with all my flaws. Minamal mo ako noon habang may mahal akong iba, ngayon minamahal mo pa rin ako at mahal na mahal na rin kita."



Sa lahat ng nangyari sa buhay ko kuntento na talaga ako. Nakita ko ang mga kapatid ko at ang papa ko. Naging maayos din kami ni mama kaya sobrang thankful ako sa kung ano man ang mayroon ako ngayon. Napakas'werte ko na sa lagay na ito. Hindi ako magsasawang magpasalamat dahil may taong nagtyaga sa akin.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now