KABANATA 27

21 2 0
                                    

"Ano bang problema?" tanong ko. "Pwede mo naman sa akin sabihin eh. Girlfriend mo ako, Worth. Girlfriend mo nga ba ako?" I asked.

[I'm sorry.]

"Alam mo... puro na lang sorry lumalabas diyan sa bibig mo. Nakakasawa na ah. Akala mo okay lang? Akala mo ba palaging ayos lang? Kung ayaw mo na, magsabi ka!" Hindi ko na napigilan pa na sabihin ang totoo kung nararamdaman. "Umalis ako na ayos naman tayo. Ano bang nangyayari? Wala ka rin pinapaliwanag sa mga readers mo! Ano na?"

[Aishe, pagod ako sa school.]

"Putang*na! Hindi lang ikaw ang pagod, Worth! Kung ayaw mo na magsabi ka lang. Pagbibigyan kita. Sabihin mo lang." Kaagad ko na siyang binabaan ng telepono.

Pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko pero mas lalo lang lumikot ang mata ko at kagat na kagat ko ang labi ko upang hindi tuluyang bumagsak ang mga luha ko pero bigo ako. Paano niya kayang natitiis lahat? Bakit parang ako lang ang nabibigatan sa sitwasyon namin? Bakit parang lagi na lang ako?

Akala ko ayos kami. Pinaramdam niya iyon bago ako umalis. O sadyang natutuwa lang siya sa pag-alis ko. Gusto ko kausapin si Ally pero isa rin sa taong nawala, bigla na lang hindi nagparamadam. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kaniya?

Bakit parang ako na lang talaga sumasalo?

;Grabe sana bumalik na si ate Ally. Miss ko na siya. Dami ng lumalandi kay kuya Worth. Ang ship ko kaillan kaya muling uusad?

; Break na talaga si Aishe at Worth. Wala naman ng care si kuya Worth. Dapat kasi talaga hindi jinojowa ang kaibigan.

; Bakit totoo bang si Aishe ang girlfriend niya? Wala naman sinasabi si kuya Worth.

; Mga kapit lang sila kay Worth. Mas matagal pinagsamahan nina Ally at Worth.

; Dati pa pansin ko na iba ang trato ni Worth kay Ally. May picture pala ako na nakuha galing sa pinsan ko. Magkaschoolmates daw sila ni Ally and nakita niya raw na hila ni Worth si Ally. They are so cute, mukhang LQ ata.

; Hindi hamak naman na bagay sina Ally at Worth. Sawsawera kasi yung Aishe eh.

; Simula pa lang team ALLWORTH sana all Worth it sila ipagship.

Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa mga nababasa ko. Hinga malalim now release ang tanging paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang bahagya ang pagpalo ko sa dibdib ko dahil sa sakit. Sa laban na kasali ang readers at fan niya saan ako sisiksik?

[Bebs, pupuntahan kita. Swap tayo phone, bebs. Alam ko nagbabasa ka na naman. Dadalhan kita ng foods. Hintayin mo lang ako, diyan na lang ako mag-aaral sa unit mo. Ayusin mo sarili mo kasi susunod daw kuya mo sa akin papunta diyan.] Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko sa voice message ni Perdix.

Dahil sa inis ay kaagad ko ulit tinawagan si Worth. "Mag-usap tayo," sabi ko matapos niya itong sagutin.

[Magkausap pa lang tayo kanina. Huwag mo muna akong kausapin, please lang.]

I chuckled sarcastically.

"Tell them what's happening to us. Alam mo gago ka! Mag-explain kasi na may girlfriend ka na pero hinahabol mo iba. Ako ang girlfriend mo, Worth. Wow! Ang kapal ng mukha mo, para laging mabango pangalan mo sa reader mo hinahayaan mong husgahan nila ako. Ano si Ally talaga mahal mo? Nagbubulag-bulagan lang ako, Worth! Sabihin mo!"

[Ano bang gusto mo! Ilalabas pa lang ang libro ko, please lang Aishe. Bakit ano ba tingin mo sa sarili mo biktima?] he asked before he chuckled. [Sino ba sa atin ang nanglalalaki?] Hindi ko alam pero bigla ata ako nahilo sa tanong na iyon. [May boyfriend ka pero palaging lalaki kasama mo. Dami ko kakilala na schoolmates mo. You think na ako yung problema?]

Magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok. Napatingin lang ako doon pero hindi ako tumayo. Ang toxic niya. Parang hindi ko na siya kilala.

[Lalaki mo yan. Pakasaya kayo.]

Hindi ko kayang pagbuksan ng pinto si Perdix. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit ang galit. Ang alam ko hindi artista ang jinowa ko pero bakit naman ganito? Ano yun, dinaig ko pa si Chessca na may jowang famous?

"Aishe! Open the door! Wala akong pakialam kung umiiyak ka. Hindi na bago sa akin yun kaya please... open this door!"

Well, he's the only knows how it hurts. Siya na lang parati yung nasa tabi ko pag-iisapan pa ng ibang tao ng masama. They are all monsters! All Perdix do is to stay and understand me tapos lalaki ko pala ang tingin sa kaniya ng ibang tao. Bakit ba kasi nasa Pilipinas ako? Bakit ba ang issue-issue ng mga tao?

I didn't let him. I didn't let them. All I want is to be alone. This is me for all this time. Hurting alone, inside my room. Mag-isa akong umiyak, kasi yun naman parati. Pinilit king gawin ang mga assignments ko. Wala akong pinapasok kahit na dumating pa ang kapatid ko. Siguro kasi, nasanay ako, nasanay na akong kakampi ko lang ay ang sarili ko tuwing gusto ko ng magalit sa mundo.

Makalipas ang halos apat na oras ng mapagdesisyonan ko na lumabas. Naubusan ako ng iilang school supplies na kailangan ko. Namamaga man ang mata ko ay pinilit ko ang sarili ko. Nagulat ako ng sandaling buksan ko ang pinto ay nasa gilid si Perdix at kuya Ace na nakaupo sa sahig at may binabasa. Pagtingin ko naman sa kabila ay nandoon si kuya Aidan nakasandal sa pader habang nakatayo at may binabasang libro.

"Bakit hindi kasi kayo umalis?" tanong ko. "Sabi ko gusto ko mapag-isa."

"You're doing it since you're were little. Don't be too harsh on yourself. Were here now. Tell us your problem. You can cry on our shoulder. Were here for you, Aishe." Lumapit si kuya Aidan sa tabi ko saka ako hinila papalapit sa kaniya. "You're a big girl, I know that so I won't meddle on your things. Pero sa oras na nakikita kitang nahihirapan, pupuntahan ko talaga boyfriend mo na yun, Aishe." I nodded before I hugged him back.

I don't know what to do. I want to let go but there's a part of me that I don't want to let go of him. I love him. Gusto ko na ayaw ko.

"Let go, Aishe. Hindi ko masasabi na marami pang iba pero, deserve mo ng mas better. Worth is not worth it by your tears. Choice yourself, Aishe. Huwag mo ikulong ang sarili mo diyan sa napakatoxic niyong relasyon. Mahalaga siya para sayo pero mahalaga ang readers niya kasya sayo," sabi ni Perdix bago siya tuluyang umalis at naiwan kaming magkakapatid na nakatingin habang papalayo siya hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin namin.

Should I let him go? Ako na lang din naman kasi ang kumakapit. Nagmumukha na akong tanga sa pagmamahal na alam kung sa umpisa pa lang may pagdududa na.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon