KABANATA 30

20 2 0
                                    

Hindi ko na pinansin pa si Ally. Hindi na rin pa nangialam sina kuya kahit alam ko na pansin naman nila. Hindi na rin pa nagsalita si kuya Gael. Hindi ko kaya magsalita ng kung anu-ano kasi baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na maiyak.

Inayos ko kaagad ang gamit ko. Mamayang gabi kami aalis kasi 1 pm pa ang klase naming tatlo sa monday, pare-pareho kami.

Dahil umaga ang libing ay hindi na talaga ako nag-ayos. Nagpants lang at white shirts. Dahil may sasakyan sina kuya kaya doon na kami sumakay. Nasa backseat kami ni kuya Ace. Walang katabi si kuya pero ayos lang naman daw sa kaniyang magmukhang driver.

"What happened?" tanong ni kuya. "Pansin ko na hindi mo pinapansin si Ally." Yumakap na lang ako kaniya at isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Okay ka lang ba?"

Sa tanong na iyon ni kuya ay bigla na lang kumawala ang luha't hikbi ko. Iniyakap niya na lang din ang mga braso niya sa akin habang pinapatahan ako. Nakakaiyak talaga ang simpleng tanong na okay ka lang ba lalo na kapag hindi ka talaga okay.

"Ang sakit," ang tanging sambit ko.

Pinasuot sa akin ni kuya Ace ang salamin niya. Maga na kasi ang mga mata nang makarating kami sa simbahan. Nakahawak ang mga kamay ni kuya Aidan sa braso ko habang nasa loob kami ng simbahan. After sa simbahan ay sa sementeryo ang diretso. Hindi ko inalis ang sun glasses ni kuya.

Hindi naman ako naiyak ng nasa sementeryo kami.  Nang makita ko na lalapit si Worth ay inaya ko si kuya Aidan na bumalik na kami sa sasakyan. Nakatulog na nga ako sa sasakyan. Gustohin man namin na umuwi na hindi pumayag si tita.

Ilang minuto pa kami nagstay hanggang sa umuwi na talaga kami. Nagbihis sa labas kasi may pamahiin na kailangan sundin. Inayos na nina kuya ang gamit nila kaya nagpalam ako na lalabas ako at pupunta saglit sa isang convenience store.

Bumili lang ako ng drinks at chips. Hindi kasi bumili sina kuya, pero tinatamad ako bumili para sa kanila. Bago ako lumabas ay kinain ko na ito sa loob pa lang total may nga desk din naman sa loob. Pagkatapos ko  kumain at magsountrip ay lumabas ako pero laking gulat ko sa mga sumalubong sa akin.

"Let me go! What the hell do you want!" sigaw ko matapos nila ako hilahin sa isang tabi. "Nakakasakit na kayo!"

"Tell us the truth. Hindi naman kayo ni Worth, right?" she asked. May dalawang babae na may hawak sa magkabilang kamay ko. "Ano? Alam mo hindi ka naman bagay sa kaniya. Sino ka ba sa tingin mo?"

Ano ba masasabi ko? Hindi ko rin alam ano trip nila sa buhay nila. Bakit ako? Mukha ba akong may jowang artista? Hindi naman ang si Chessca.

"Magsalita ka!"

"What should I say? Wala naman na kami ni Worth. Iniingatan niyo siya diba? Hanapin niyo na baka umiiyak yun ngayon kasi wala naman na siyang jowa. Support." Nang sandaling dumampi ang kamay niya sa pisngi ko ay ang pagngisi ko ng bahagya. "Bulag na bulag kayo sa katotohanan. Nakakaawa kayo. Walang patutungohan buhay niyo, nakakasakal kayo. Fan lang kayo, I mean reader lang kayo, hindi bida sa buhay ng writer na tinitingala niyo." Pabagsak nila akong binitawan saka umalis.

Umuwi ako sa bahay ng may sugat ang braso at palad ko. Hinugasan ko lang ito at nilagyan ng ointment. Nagluto muna si tita para raw makakain kami bago umalis. Dahil sa nakahoodie na ako, hindi na pansin ang sugat ko. Dami kong haters kahit wala naman akong ibang ginagawa sa kanila.

Napangisi na lang ako ng sobrang ingay na naman ng twitter account ko dahil sa pangbabash nila. Hindi ko alam kung may natututunan ba sila sa pagbabasa nila kasi kung meron bakit sa isang side lang ang inaalam nila. Paano naman ang side ko? Hindi man lang nila inaalam ang mga nangyayari sa ibang banda.

"Mag-ingat kayo sa byahe. Kapag antok ka na Aidan si Ace na pagmanehohin mo, Aishe.

"Opo, tita. Si Ally po?" tanong ko.

"Baka nasa labas. Ayaw siguro niya na kang umalis."

Nang tumingin ako kina kuya ay tumango lang sila. Ngumiti lang ako saka ko napagdesisyonan na pumunta sa park. Tama nga ang hinala ko na nandoon siya.

"Hey." Sa paglingon niya ay nagpunas  siya ng mga luha niya. "Aalis na ako."

She nodded.

"Mamaya na rin ako. Ingat." Naupo ako sa tabi niya kaya halos pigil hinga pa siya.

"Give me some time. Add me on facebook if may itinatago kang account. I'll message you kapag kaya ko na ulit. Focus on your study, Ally. I'm in pain right now but you'll free to choose if you will give him a chance. I don't care but please take care of your heart." She hugged me tight and I just tapped her head.

"I don't care either. Mag-aaral ako. Don't think to much. Wala ako plano kay Worth. All I want is our relationship. Miss na miss na kita."

"I'm sorry," sabi ko. "Aalis na ako. Naghihintay na sila. Focus on your study, don't think too much about me."

Sumabay na siya sa akin pauwi. Halos ayaw na niya akong bitawan pa kaya tawang-tawa sina kuya. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Sadyang ang pangit talaga ng pakiramdam ko  kay Worth. 

Natulog lang ako sa byahe. Dahil sa madaling araw na kami dumating sa Manila ay sa condo nila kuya ako nagstay. 8 am na ako nagising kaya naman dali-dali ako nag-ayos ng gamit ko at buti na lang wala pang pasok si kuya Aidan kaya naman siya ang naghatid sa akin sa condo.

Buti na lang ay afternoon ang klase ko. Dahil sa ingay ng twitter ko ay nakapagdecide ako na idelete ang account ko maging ang fan account ko sa facebook. Ang natira lang ay ang RA ko at nakalocked na rin ang profile ko. Hindi ko kailanman pinakilaman ang account ni Worth. Sinaktan niya ako pwes manawa siya sa mga post ko dahil hindi ko siya ibablock or iuunfriend. Nakatanggap ako ng messages mula sa anim pero nasa spam message ko sila, wala akong gustong makausap mula sa kanila. Ayoko silang makausap.

"Ano na naman?" pagalit niyang tanong.

"Help me. Payag na ako sa kondisyon mo. Magsusulat ko ng tahimik. Gugulatin ko ang mga taong nangmaliit sa akin sa larangan kung saan kaming lahat nagkakila-kilala."

He chuckled.

"Okay. Let me see what you got, bebs. Let's meet on Sunday."

I smiled when he said okay. Let me see what I can do. I decided to be a writer with a pen name @makabagongmarya. I'll be an anonymous yet can bleed. I'll write until I'll be an aspiring publised author. Ako rin ang pipilahan niyo pagdating ng araw.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now