KABANATA 34

23 2 0
                                    

"Bebs, sabi ko sayo huwag kang maglalasing ah. Sasapakin talaga kita. Wala rito sina kuya, umayos hindi kita kaya iuwi ah."



Tumango lang siya pero naningkit ang mga mata ko ng nilagok niya yung alak. Lalapitan ko na ulit sana siya pero nilapitan siya ng iilang kakilala niya.



Hindi ko alam kung may problema ba siya. Nakalimutan ko ichat si Mika na kagroupmates ko kaya lumabas na muna ako sa bar. Birthday kasi ng kaibigan niya na si Zyle. Chilhood friend niya raw kasi, ang alam ko sikat siyang vlogger kasama niya si Sharise, couple vlogger. I know that that's the toxic one, hindi ko naman nakakausap si Sharise pero ang alam ko magkasama sila sa iisang bahay for the content pero ngayon wala siya.



"Aishe, lasing na."




"Sabi kasing huwag maglalasing eh. Ang kulit. Bakit mo kasi nilasing, Zyle?"



"It is his choice, Aishe. Bakit ako? Walang bardagulan," sabi niya bago ako inalalayan na makapasok ulit.



Tinulungan ako ni Zyle na ipasok sa sasakyan si Perdix. Sinabi ni Zyle na uuwi na rin daw siya dahil gusto niyang makita si Sharise. Buti na lang at marunong naman na ako magdrive.




Hirap na hirap ako na maiuwi si Perdix sa condo niya. Baka mapagalitan siya kapag sa bahay nila ko siya iuwi. Nang maipasok ko siya sa condo niya ay napangiwi ako kasi nakangiti siya.



"Sabi sayo. Huwag mo nilalason ang utak ko. Alam mo hindi naman ako mahilig sa romantic stuff pero nagustohan ko na lang dahil sa kaniya." Napasimangot ako sa pinagsasasabi niya.




Kaya pala panay layag ship ng mga reader niya sa couple sa story niya kasi inspired siya.




Iniwan ko siya sa living room saka ako kumuha ng t-shirt sa k'warto niya at bimpo. Kumuha ako ng isang palanggana na may tubig para mapunasan ko siya. Bakit ba kasi ang kulit niya? Dalawang oras lang naman kami nagstay doon, lasing na lasing  na kaagad siya.





"Kamukha mo future ko," sabi niya habang nakatingin sa akin.




"Para kang tanga. Paano ko naman magiging kamukha future? Sino ba future mo?"



Minsan ito ang advantage kapag hindi ka lasing tapos lasing ang kaibigan mo. Nagsasabi ng kung anu-anong secrets. Yung tipong hindi mo pa naitatanong may nasasabi na sila.




Pinunasan ko ang mukha niya pero hinawakan niya ang kamay ko. Ang kaninang nakahigang si Perdix ngayon nakaupo na habang nakaharap sa akin kasi nakaluhod ako sa lapag.




"Can I kiss you?" he asked.



Tumawa ako saka tumayo. Hindi ko alam kung may naihalo ba sa inumin niya kaya bigla-biglang gusto niyang manghalik.



"Luh! Parang tanga." Dahil sa nakabukas naman na ang butones sa long sleeve niya inalis ko na ito. "Palitan natin damit mo. Amoy alak."



Buti na lang ay nagtagumpay ako. Isusuot ko na sa ang t-shirt sa kaniya. Nang tatayo na sana ako ay bigla naman niyang hinila ang kamay ko dahilan para bumagsak ako sa kaniya habang hawak niya pa rin ang kamay ko.



"I like you," he whispered. "I can't stop myself anymore, Bebs. I'm sorry, I'm scared." This time his eyes are in tears. "I'm your friend like how you and Worth started. I'm scared kasi baka masira yung tayo pero natatakot din ako na nawala ka at sa iba mapunta."




OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now