EPILOGUE

69 1 2
                                    

"Hey!" Napa-irap na lang ako sa sigaw ni Ally. Ano pa ba ieexpect ko sa babaeng ito? Parati naman siyang ganito. "Grabe, juntis ka na talaga. Sana all, maganda."

"Tantanan mo ako, Ally." Naglakad ako patungo sa isang table. "Kung inggit ka, magpabuntis ka na kay Worth."

Paglingon ko ay sinalubong niya ako ng yakap. "Gusto ko maging bunso ang aking panganay. Wala pa ako balak, girl. Char wala talaga akong plan."

"Hoy! Ready na ba ang lahat?" tanong ni Worth ng makalapit siya saka umakbay kay Ally. "Sana kambal," nakangiting sabi niya.

"Grabe, padami ng padami ang mga inaanak ko. Kailan kaya ako magkakaanak? Ano na Ally? Sino mauuna?" tanong niya sa dalaga na nagpasama ng tingin nito sa kaniya.

"Magbuntis ka. Gusto mo pala bakit hindi ikaw yung manganak. Halos nga mahimatay na ako ng ako ang makasama ni Sharise nang manganak na siya. Don't expect."

Napailing na lang ako sa kaniya. Wala eh, siya kasama ni Sharise noon kaya halos isumpa na niya si Zyle ng mga panahon na yun. Hindi niya raw kaya makita. Kamuntikan na rin siyang mawalan ng malay ng mga panahon na iyon.

"Bebs, nandito na sina Persues at Zyle," sabi ni Perdix na ikinalingon naming lahat.

"Si Zyle?" takang tanong ko.

"Umuwi na eh. Sabi mo through video call naman aattend si Sharise."

Hindi ako sure.

"Guys!" Napalingon kami sa likuran namin at sumalubong ang nakangiting si Sharise. Bitbit niya pa si Star. "Miss ko kayo," nakangiti niyang sabi habang kumakaway pero nang lumabas si Zyle galing sa parking lot namin ay nawala ang ngiti niya.

"Woah! Tara na ka-fams! Magsisimula na tayo. Baby Star, come to daddy ninong dali." Tumakbo papalapit si Worth kina Star at binuhat niya ito. "Namiss mo si daddy?" tanong niya sa bata pero ang atensiyon ni Zyle ay nasa bata.

"Daddy Ninong, yung promise mo ah." Tumango naman si Worth sa bata. "Huwag mo kalimutan barbie ko."

"Oo naman po, Mahal."

Napailing na lang ako dahil spoiled ang mga bata dahil kay Worth. Ilalayo ko sa kaniya ang anak ko. Hindi maari.

"Ate Aishe, ready na po. Magsisimula na raw sabi ni kuya Aidan." Tumango kami ni Perdix sa kapatid niya, kaya iginaya na namin sila papunta sa garden.

Panay ang kuha ng litrato ni Ally. Nasa tabi niya si Worth habang hawak ang kamay ni Star at hawak naman ang kamay niya ng lalaki. Nasa kabilang tabi ni Worth Sharise at nasa tabi niya si Zyle. Nakaalalay din ang asawa ni Chessca sa kaniya. Si Ecka naman ay kasama ang asawa nito at ang anak nila. Si Joanne ay parang tangang maiiyak na hindi ko malaman kasama si ate Jelayza.

Nang ilabas sa harap namin ang isang malaking lobo ay hinawakan ni Worth ang kamay ko. May hawak na karayom si Perdix sa isang kamay niya habang nasa magkabilang side kami ng balloon.

"Lalaki yan! Lalaki yan! Kapag lalaki yan tuturuan ko paano lumandi kapag babae naman tuturuan ko huwag magpalandi," sabi ni Worth kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Grabe ang lesson na makukuha sa akin ng mga bata, Aishe. Huwag mo akong tingnan ng ganyan nasa tabi mo ang asawa mo."

"Hula ko rin boy," singit ni Ally.

Nagsisisiwagan sila ng girl at boy. Hiling din ng pamilya ko na lalaki raw pero sa pamilya ni Perdix sana babae raw. 5 months na akong buntis, makalipas ang 2 taon nang ikasal kami sa first book signing event namin. Next year kasi after that ikinasal na nga kami sa simbahan ngayon at I am 5 months pregnant with our first baby.

"Are ready?!" sigaw kuya Ace. "I'll count 1 to 3 then magkakaalaman na. Perdix, ready ka na?" tanong niya rito.

Perdix nodded.

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now