KABANATA 17

28 3 0
                                    

"Ma! Ano ba naman!"


[Bakit? Alam mo, Worth?] Tumawa pa si mama na lalo nagpa-inis sa akin. [Hindi ko ineexpect na magkakaboyfriend yan. Si Ally talaga ang iniisip ko na mauna.] Kanina pa kausap ni mama si Worth through call. Kanina pa nila ako pinagkakaisahan.


"Isa pa lang po kay Ally, tita. Dito sa anak niyo, 'di niyo sure," humahalakhak na sabi ni Worth bilang pang-gatong sa mama ko.



Hindi na ako natutuwa.


"Whatever!"


Buti na lang at natapos na sila matapos ng 1000 years mag-usap. Malapit na kaagad si mama at Worth. Nagkakausap na rin sila na parang akala mo close na close sila.



Naligo muna ako at hinayaan ko si Worth sa kitchen. Isinuot ko ang isang shirt at jogging pants. Nang makalabas ako sa cr ay nagluluto si Worth ng chicken adobo kaya lumapit ako habang nagpupunas ng buhok.


"Sana all marunong magluto."


"Pwede na ba ako mag-asawa, Neng?" Kaagad ako umiling kaya nangunot ang noo niya. "Bakit?"


"Magyabang ka kapag may totoong may maipagyayabang ka na. Ang magkapamilya sa panahon na ito ay hindi lang basta-basta." Lumapit ako sa upuan saka naupo habang nakapangalumbaba. "Sa una, shocked. Pangalawa, confession. Pangatlo, acceptance. Pang-apat, blessings daw. Panglima, masaya sa umpisa. Panghuli, mahirap talaga."



Sa panahon ngayon laganap ang teenage pregnancy. Nag-aanak kaagad kahit wala namang pambuhay sa magiging anak nila. Alam mo yung alam naman nila na mahirap ang buhay nagdagdag pa sila ng pasanin na hindi sila sigurado kung kaya nila.



Ano... iaasa na naman sa mga magulang na naghanggad na sana matulungan sila ng anak nila? Ang kinalabasan sila na naman pala ulit ang tutuling buhayin ang buhay na binuo ng dalawang taong wala naman kakayahang buhayin ang isang bata.




"Tapos ano? Ipaparamdam lang nila sa magiging anak nila kung paanong maghirap, mabuhay ng may takot, na maramdaman kung paano ikumpara at maiparamdam na kasalanan nila na mabuhay sila? Kapag lumaki na ano? Basta-basta na lang maghihiwalay kasi na-out of love?" I chuckled sarcastically. "What a stupid foundation. Parang bumuo lang ng isang pondasyon na madaling magiba."



Naging tahimik si Worth matapos ang mga sinabi ko. Hindi ko na rin kasi napigilan na ilabas ang saloobin ko.


Nadala lang ako ng emosyon ko. Na nabuhay na parang kasalanan ko pa na nabuhay ako na hindi kaya ng mga magulang ko na magkasundo. Na bakit sa tinagal-tagal na panahon walang tatay ang naghahanap sa akin.


Alam ko na mga bata pa sina mama ng maging sila ni papa at kung iisipin marami pa nga silang hindi nagagawa sa buhay pero bakit naman ng isinilang ako ay nawalan kaagad ako ng pag-asang mabuo ang pamilya ko.


Lumapit siya sa akin saka inagaw ang towel na ipinampupunas ko sa ulo ko. Siya na mismo ang nagpunas sa buhok ko saka nagsuklay.


May plano ata magtayo ng sarili niyang parlor.


"Kung may plano ka na magtayo ng parlor, mas mabuting sabihin mo na ng maaga. Ayoko ng binibigla ako, Worth."



"Kinikilig ka lang eh. Kung magtatayo man ako ng parlor hindi para sa akin kundi para sayo," mayabang na sabi niya.


"Ang kapal ng mukha mo. Huwag kabg magsalita ng tapos. Huwag kang ganyan, delikado ang future."


"At bakit?" I glared at him. "What's the connection on what I've said to the future?"


"Ang magsalita ng tapos sa iba natatapos."



Tinawanan na lang niya ako saka ginulo ang buhok ko na kasusuklay pa lang.

"Napaka-nega mo sana aware ka."


Kaagad siyang napatakbo ng maalala niya ang niluluto niya. "Kamuntikan na tuloy masunog, ang nega mo kasi. Alam mo, Neng?"


"Hindi."



"Mas mahalaga kung ano ang mayroon ngayon. Pag-aks'yahan natin ng oras kung ano ang meron ngayon kasi kapag dumating na ang panahon na tinutukoy mo baka hindi ma na magawa ang mga bagay na hindi mo pa naeenjoy sa ngayon."


Pala-isip ako sa mangyayari for future kasi kung hindi saan ako pupulutin? Dapat ready din ako for future kasi hindi naman natin masasabi ang mga pwedeng mangyari mas mabuting laging may plan B.


"Pero hindi nama kita masisi," sabi niya bago inilapag ang mangkok na may ulam sa harap ko. "Kain ka na lang, dami problema."


Nakanguso ako habang pinagmamasdan siyang lagyan ng pagkain ang pinggan ko. Ang mga ganitong scene sa movie or libro ay pawang nakakakilig, pero kapag nakakakita ako in person nakakaurat at nakakabitter, kapag naman ako ang nasa sitwasyon hindi ko kinakaya, mamatay na ata ako.

"Kinikilig ka noh?" panunuksong tanong niya.


"Hindi kaya ako kinikilig."


"Maniwala. Hindi lang pala lalaki ang magaling magtago ng nararamdaman, pati rin pala babae. Don't worry, feel kita."


"Ang kapal ng mukha mo. Palibhasa kaka-korean drama mo rin yan tsaka kakabada ng libro at kakagawa ng istoryang panglibro."


Hindi na siya masyadong nagsalita pa ng kumakain na kami. Siya rin ang naghugas pagkatapos namin kumain. Dahil sa wala naman kaming magawa ay hiniram ni Worth ang laptop ko para makapag-update raw siya. Hinayaan ko lang siya hindi inistorbo para patuloy siya sa ginagawa niya. Halos isang oras lang ay nakatapos na kaagad siya ng isang chapter.


"Ano naging inspiration mo para magsulat?" I asked.


"Actually, hindi specific na tao. Nagsimula ako bilang reader, nagtry lang ako to be a writer kasi nga bida-bida ako at sa ngayon kahit papano may mga nakakaappriciate ng ginagawa ko." Nakangiti siya na animo masaya pero may iba pa rin. "Nakakatawang isipin na reader lang ako noon, writer na ako ngayon." Bahagya pa siyang lumingon sa akin.


"Gugustohin mo bang maging reader na lang ulit?" tanong ko pa kaya natigilan siya.


"Minsan mas gusto ko na lang din mag-stick sa pagiging reader kasi at least nakakatanggap ako ng thank you."

May point siya. Halos nakakatanggap lang naman ng thank you yung tuluyang overrated writer or author na.


"Minsan mas nararamdaman ko na mas may nakaka-appreciate pa sa akin as a reader kaysa sa pagiging writer ko. Kasi nakakatanggap ako ng thank you and parang natutunaw na ang puso ko sa ganoon." Bahagya niyang inalis ang takas na buhok sa may mata niya. "Feeling ko kasi nadadala ko sa mukha ang mga reader ko eh. Alam mo yung feeling na parang sinusuportahan nila ako kasi ako yun hindi yung dahil sa akda ko."



"Don't be hard on yourself. Sulat lang, kung hindi ka magsusulat hindi mo makikita ang improvement mo. Try mo magbasa sa una mong ginawa sa last mong ginawa. Hindi ka lang basta nagsusulat kasi nakakakuha ka pa ng mga bagong learnings." I smiled at him and I pinched his cheek. "You'll be successful soon. Let's claim it, Mr. Soon to be published author."



"Thank you," he almost whispered.

-------------------------------------------------------------

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now