KABANATA 33

21 3 0
                                    

AFTER 4 YEARS

"Aishe! Damn! Aishe!"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa lalaking ito na hindi ako tinitigilan. Napalunok na lang ako at napamasahe sa sentido ko bago ako humarap sa kanya. Ilang ulit ko bang kailangan sabihin na ayaw ko muna siyang makita. Wala siyang mapapala sa akin, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginagawa niya.

"Thank God, you stopped!"

"Please, stop this shit!" I saw how his eyes change into sadness. "Pagod ako, tigilan mo muna! Ano sabi ko hah?"

It was a tiring day tapos dadagdag pa siya. Ayoko na kasi muna talaga, aba nagpupumilit. Bakit ngayon pa?

I found myself inside my unit. Sapat lang ito para sa akin. Minabuti ko na lang mag-isa kaysa makisama sa iba't-ibang parte ng mga kamag-anak ko. May sariling pamilya na rin ang mga kapatid ko.

Kaya ko pa ba?

Yan parati ang nasa isip ko noon pero still kinakaya ko hanggang ngayon.

Ilang ulit na siyang pumapasok sa isip ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot. Ito lang ang alam ko, kinakaya ko pa.

"Hello, Ma?" sagot ko ng tumawag si mama mula sa Canada. Andito lang naman ako sa k'warto ko habang nakahilata.

[Kamusta ka na d'yan?] casual niyang tanong.

"Okay lang. Pagod syempre, araw-araw naman eh. Bakit ka napatawag?" tanong ko.

[May pera akong pinadala. Sabihan mo na lang ako kapag natanggap mo na.]

"Sige po, sasabihan na lang kita."

May trabaho na ako, pero patuloy pa rin siya sa pagpapadala. Iniipon ko na lang para kapag umuwi na siya ibabalik ko sa kanya lahat. Sabi ko umuwi na siya pero ang kulit niya.

[Sige, may trabaho pa ako. Ingat ka d'yan.]

Pinatay ko na kaagad ang tawag, hindi na ako nagpaalam pa. Nasa ibang bansa siya para magtrabaho, isa siyang nurse noon pero sa tagal niya sa Canada ay may green card na siya kaya nakapagstay ako sa kaniya. Nang umuwi ako ay naiwan na talaga ako sa Pilipinas, actually kahit noon pa. Si papa nagstay na sa Pinas at nagsusulat na lang. Naiinis ako kasii hindi pa sumama sa akin pauwi si mama.



"Aishe!" Agad na tumakbo papalapit sa akin akin si Ally na pinsan ko. "Namiss kita... kainis ka kasi. Ba't ba ang daya mo?"

"Talaga ba?" Naupo muna kami sa upuan. Napagdesisyonan kasi naming magkita dito sa isang restaurant.

"Syempre, after mo makabalik galing Canada hindi na tayo nagkita pa," nakanguso niyang sabi. "Samahan mo pala ako bukas."

"Pass. Ayoko gumala," sagot ko sa kan'ya.

"Dati sinasamahan natin ang isa't-isa, nakakatampo ka na."

"Ally naman eh." Ayoko sana pero naalala ko na hindi na nga pala talaga kami nagkakasama. "Fine, oo na."

"Yes!" Kita ko ang saya sa mga mata niya dahil sa pagpayag ko.

The next day, I woke up early and cook my breakfast. Tinatamad man ako kaso alam ko na hindi niya ako titigilan. Kanina pa rin siya text ng text ng kung anu-ano at kung ano na ang ginagawa niya.

Pupunta lang ako naman ako dahil kay Ally. Nagsuot lang ako ng black denim pants at gray loose shirts that I tucked in the left side part, partnered with a white shoes. Wala ako sa mood magsuot ng kung anu-ano.

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now