KABANATA 2

58 7 0
                                    

Natatanga na naman ako kasi wala si Ally. Si Ate Jelayza ayon busy ata sa buhay at boyfriend niya if meron nga. Walang pakikisama, dapat sinamahan niya na lang ako hindi yung isasama niya ako sa kaharutan nila.

Dahil ginutom ako ng magbreak ay napagdesisyonan ko na bumaba para pumuntang canteen. Nakita ko si Worth na nakikipagbiruan ata sa classmates niya kaya nilampasan ko na lang. Hindi ako natutuwa sa kaniya dahil sa ginawa niya.

Me, ate Jelayza and Ally are taking up Humss while Worth and Ate Ecka is into Art and Design track, and lastly Joanna, Chessca, and Sharise are STEM. Kanina parang gulong-gulo ang ulo ko dahil sa mga essay na sunod-sunod na pinagawa plus yung reporting pa. Kung hindi lang ako naistress ay mas pipiliin ko na lang na magstay sa room hanggang matapos ang break time.

"Hoy! Maria Aishe!" Napahinto ako at naningkit ang mga mata ko.

Sumabay sa paglalakad ko si Worth sa pagpasok sa canteen. Bumili lang ako ng biscuit at lumabas din kaagad. Ayoko magstay sa loob dahil sa sobrang ingay kaya naman minabuti ko na lumabas.

"Sorry na kasi."

"Ba't mo kasi pinaulanan? Nagkasakit tuloy! Sorry naman kung ganito ako."

"Nabasa kasi kami. Aalagaan ko naman yun later, pareho kami nabasa, siya lang minalas. Pero don't worry, ako si Worth, mapapagaling ko yun kapag inalagaan ko."

Having a bestfriend like Worth is a blessing. Sa kabilang banda nakakatakot at mahirap din kung marupok ka na talagang isinilang. Buti matatag si Ally, wala ako nababalitaan na may feelings siya kay Worth. Pero hindi ko alam totoo niyang nararamdaman kasi siya yung tipong hindi nagsasabi ng nararamdaman niya sa ibang tao. Ayaw niya kasi na parati siyang pinag-uusapan.

Ang alam ko lang sa babae na yun ay napakaraming crush, may crush siya kahit saang lupalop mapa-online platform, sa mga seniors, sa mga nakita niyang sakristan sa simbahan, mga nakasabay niya jeep, at sa ibang mga bansa. Sa sobrang dami ng crush niya, wala siyang jowa. Gan'yan siya karupok, nakapila ang crush niya pero hindi naman magiging kan'ya.

"Oy! Sorry na kasi."

Andito pa rin pala siya. Kamuntikan ko na.

"Andito ka pa rin?" takang tanong ko bago ko binuksan ang drinks ko. "Umalis ka na nga," dagdag ko pa.

"Hindi mo kasi tinatanggap sorry ko. Paano ako aalis?"

"Fine, sige na... Una na ako, baka malate ako sa next subject ko."

"Sige, ingat ka. Basta hindi ka na galit ah?" paniniguradong tanong niya.

"Oo nga, kulit!"

Inaantok na ako kaya minabuti ko na tumakbo pabalik sa room. Ito ang disavantage sa pang evening class, nakakaantok talaga ng sobra. Sa room ko na inubos ang snacks ko dahil wala naman ako kasama tumambay sa labas. Buti na lang at nagpaactivity na lang kasi kung naglesson pa baka nakatulog na ako sa sobrang antok ko.

Nang makauwi ako ay saktong tumawag si mama. Lagi naman siyang natawag para makausap ako. Gusto na isumbat kay mama lahat pero sa tuwing naiisip ko na maswerte ako kasi nakukuha ko lahat ng gusto ko, tinatanggap ko na lang. Alam ko rin na nahihirapan din siya.

[Anak, kamusta?] bungad na tanong nito sa akin.

"Ayos lang ako dito, Ma."

[Hindi ka ba nahihirapan mag-isa?]

"Mas gusto ko na ganito."

Ilang taon din na palipat-lipat ako ng tinutuluyan, sa iba't ibang bahay ng mga kamag-anak ko sa side ng mama ko. Mas gugustohin ko na lang na mag-isa at least nagagawa ko ang gusto ko. Simula ng magkaisip ako ay ganito na kinamulatan ko.

OVERFLOWING INKS [COMPLETED]Where stories live. Discover now