SVT MINGYU IMAGINE 02 (10)

189 11 0
                                    

#3

Umaga na at eto ako tahimik na nakasandal sa gilid ng lababo habang nakatitig kay Mingyu na kumakain sa kainan nya.. Hindi pa din ako makapaniwalang hindi lang basta bastang aso si Mingyu.. Nagiging tao sya.. Pero bakit? Paano?

"Alien ka ba? Pero kung isa kang alien masyado kang gwapo.." Napailing pa ako sa naisip kong theory na baka alien sya.. "O pwedeng isinumpa ka.. Pero totoo ba yung mga sumpa sumpa na yan?" muli akong napailing sa naisip kong theory.. Nakakabaliw mag isip ng mag isip ng dahilan.. "Nasa 21st century na tayo.. Posible pa din ba yang mga sumpa sumpa na yan? Totoo pa rin ba talaga yan?"

"Arf! Arf!" Napahinga ako ng malalim.. Napatingin naman ako kay Mingyu na muling kinakawag ang buntot nya.. Kinarga ko naman sya at tinitigan

"Ang weird paring isipin na.. Nagiging tao ka pero.. Infairness naman sayo ang sarap mong magluto.. Mas magaling ka pa sakin magluto.. Chef ka siguro?"

"Arf! Arf!" Inilapag ko na ulit sya sa lapag at pumuntang sala para manood ng TV..

"Sino ka ba talaga? Ano ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya habang tinititigan sya..

Paano nga kung sinumpa sya? Pero posible pa rin ba yun? Ang sakit sa ulo magisip.. Hindi ako masyadong naniniwala sa mga sumpa pero paano kung totoo nga? Hindi normal na ang isang tao ay maging isang aso so baka totoo nga talaga? Naguguluhan na ako.. Ano ng gagawin ko?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tumingin ako sa orasan na nasa pader.. Pumasok ako sa loob ng kwarto at kumuha ng damit at pajama.. Bumalik ako sa kusina kung saan tahimik na nakaupo si Mingyu.. Inilapag ko na ang daimt sa sahig.. 11:50 PM na at malapit na mag 12 AM ibig sabihin babalik na sya sa pagiging tao nya..

"Mingyu halika dito!" Sinenyasan ko sya na lumapit na agad din naman nyang sinunod..

"Arf! Arf!"

"Pag naging tao ka na isuot mo to maliwanag? Wag mo kong lalapitan na hubad.. Maliwanag?"

"Arf! Arf!" tumango ako at pumunta na sa sala habang nakatingin sa may orasan.. Medyo bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko pero pinilit ko pa ding magising pero dahil sa pagod ay napapikit na talaga ako ng tuluyan..

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa balikat ko..

"Hmm.." Idinilat ko ang mata ko at nakita ulit ang Taong Mingyu na nakangiti sakin.. Ang gwapo talaga nya para sa isang aso.. Teka.. Baka nalilimutan mong nakita ka nyang hubad Y/N...

"Kanina ka pa ba naging tao?" tanong ko saka naupo ng maayos sa sofa..

"Hmm.. Oo mga 30 minutes na rin ang nakakalipas.." Nakangiti nyang sabi.. Ang gwapo nya.. Ang tangkad tsaka ang build ng katawan.. Ang galing nya pa magluto at maglinis.. Husband materia-- Teka Y/N ano ba tong pinag-iiisip mo?

"May itatanong pala ako.."

"Sure.. Ano yun?" Tanong nya habang nilalaro ang unan sa sofa.. Kahit tao na sya mahilig pa din syang magkalikot ng kahit ano..

"Hindi ka ba alien?" Tanong ko na nagpakunot ng noo nya..

"Pakiramdam ko naman hindi.."

"Kung hindi ka Alien.. Baka sinumpa ka.." Dahan dahan syang tumango..

"Hmm? Di ko ako sure.. Hindi ko matandaan ang lahat.. Hindi ko alam kung paano ako naging ganito.. Hindi ko alam paano ako babalik.. Pero hindi ba imposible ang mga curse.. Nasa 21st century na tayo"

"Hmm.. Naisip ko na yan kanina na pwedeng imposible na curse yan.. Pero malay mo pa din di ba?" Napakamot naman sya sa ulo nya at tumango na lang sa sinabi ko

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now