SVT JOSHUA IMAGINE 02 (9)

257 15 1
                                    

#4

"Eto Bagay ba sakin?" Itinapat ko ang pink na dress sa katawan ko habang hinihintay ang sagot ni Kuya Joshua na tinititigan ako mula ulo hanggang paa.. Kinikilig tuloy ako.. Sino bang hindi kikiligin na titigan ng lalaking nagugustuhan mo

"Lahat naman bagay sayo" Ngumiti sya at tumitig sakin "Pero mas bagay ako sayo" Nag init ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi nya..

"Kuya Joshua naman!"

"Bakit?" Mahina naman syang tumawa.. Tumayo sya sa inuupuan nya at ginulo ang buhok ko.. "Ilang beses ko bang sasabihin na wag mo na akong tawaging Kuya.. Boyfriend mo na ako remember?"

"Mas sanay akong tawagin kang ganun"

"Nagmumukha pa din tayong magkapatid kapag tinatawag mo kong kuya.." Ngumiti naman ako at tumingkayad para halikan ang labi nya..

"Basta Kuya pa din tatawag ko sayo.. Tara na nga bayaran na natin tong dress para makauwi na tayo" Hindi naman sya sumagot at ngumiti lang.. Kinuha ko na ang pink dress at pumunta sa cashier

"Boyfriend mo ba sya?" Bulong ng cashier sakin.. Nahihiya akong tumango sa kanya.. "Ang swerte mo.. Mukang mabait tapos gwapo pa" Hindi na lang ako sumagot dahil kinikilig ako.. Oo sobra kong swerte sa kanya.. Nang matapos akong makapag bayad ay lumabas na ako.. Nakangiti naman akong sinalubong ni Kuya Joshua

"Ano yung pinagkwentuhan nyo nung Cashier?" Tanong nya at kinuha ang paper bag na pinaglalagyan ng dress ko

"Wala yun wag mo ng pansinin.. Tara na uwi na tayo para makapag ayos pa ako" Ngumiti naman sya at tumango sa sinabi ko.

Mabilis lang dumaan ang maghapon.. Gabi na rin sa wakas. Niyaya kasi ako ni Kuya Joshua kumain sa labas.. Dinner date daw tsaka may surprise daw sya sakin..

"Tapos ka na ba Y/N?" Tawag ni Kuya Joshua mula sa labas ng kwarto. Huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin. Maayos na ba ang itsura kong ito?

"Lalabas na" Huminga ako ng malalim saka pinihit ang doorknob at lumabas. Tumingin ako sa reaksyon nya. Tahimik lang nya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Ang mga titig nya ay sapat na para matunaw ako sa kinatatayuan ko

"Pretty.." Isang salita lang sinabi nya pero ang tuhod ko ay nanlalambot na..Tumayo sya sa upuan at lumapit sakin "Let's Go My Princess.." Kinuha nya ang kamay ko at hinila na papasok ng kotse

Tahimik lang kaming nakikinig ng kanta sa radyo hanggang sa makarating kami sa restaurant.. Excited na ako. Ito ang unang beses na kakain kami sa isang high class na restaurant

"Excited na ako"

"Ako din Excited na din" Nauna syang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako. Para akong prinsesa sa isang fairytale napaka swerte ko talaga sa kanya

Nang makapasok kami sa loob ng restaurant ay sinalubong agad kami ng isang waiter. Dinala nya kami sa isa sa mga vacant table na may nakalagay na reserve.

"Here's your seat ma'am and sir" Hinila ni Kuya Joshua ang isang upuan

"Upo ka na po" Ngumiti ako at umupo na sa upuan. Inilibot ko ang tingin sa paligid

"Ang ganda dito" Ibinalik ko ang tingin ko kay Kuya Joshua na nakatitig lang sakin.

"Mas maganda ka po" Ngumiti pa sya at inilagay ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko

"Bolero ka na ngayon Kuya Joshua ganyan siguro yung sinasabi mo kay Olivia noon"

"Aish.. Wag mo na nga ipaalala si Olivia" Napailing na lang ako sa sinabi nya

Isa isang dumating ang pagkain sa mesa namin. Nagke kwentuhan lang kami habang kumakain. Yung mga masasayang araw namin nung nasa orphanage pa kami. Nakakamiss.

"Woah.. Kuya Joshua sobrang busog na ako"

"Ako din. Sabagay last na naman yun eh." Tinawag nya yung waiter at binulungan na nakapagpataka sakin. Tumango yung waiter sa sinabi nya at umalis

"Ano yun Kuya Joshua? Umorder ka ba ulit?"

"Yeah.. May isa pa akong inorder" Ngumiti sya. Lumabas ang waiter na may dalang wine.

"Wine?" Tumango sya. Isinalin ng waiter ang wine sa mga baso namin

"Cheers?" Tumango ako at nakipag cheers sa kanya. "Ah Y/N teka lang magbabanyo lang ako"

"Hmm.. Sige" Nakaupo lang ako habang iniinom ang wine na nasa baso ko. Kahit papaano ay medyo bumaba na din ang kinain ko. Nagulat na lang ako ng biglang namatay ang ilaw. Teka anong nangyayari? Brown out ba? Puno man ng pagtataka ay naagaw ang atensyon ko sa biglang tumawag sakin..

"Y/N!" Napalingon naman ako kung saan nanggaling ang boses. Bigla na lang may ilaw na tumutok kay Kuya Joshua na nasa isang mini stage. Teka? Anong meron?

'K-Kuya Joshua anong ginagawa mo dyan?' Bulong kong tanong sa kanya. Ngumiti lang sya. Napatayo ako sa upuan ko at tumitig sa kanya. Bigla syang inabutan ng bouquet ng isang waiter. Bumaba sya sa stage at dahan dahang lumapit sakin. Pero nagulat na lang ako sa mga sumunod na nangyari. Nang makalapit sya sa harap ko ay bigla syang lumuhod

"Y/N.. I love you. I'm selfish, impatient and I broke your heart many times. I'm sorry because I'm too late to realize that you are the person I really love. Even you are not my first I will make sure that you will be my last and forever so Y/N.. Will you marry me?" I froze.. I blink my eyes many times. Hindi naman siguro ako nananaginip di ba? "I'm sorry kung biglaan ang proposal na to pero---"

"Yes!"

"H-Huh?"

"Yes! I want to marry you" Tumayo sya at dahan dahang isinuot sakin ang singsing. Nagbukas ang ilaw at halos lahat ng nasa paligid ay pumalakpak at sumisigaw ng congrats. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Thank you.." He cup my cheeks and peck on my lips

"Nasa public place tayo" Sita ko sa kanya.

"I'm sorry. Masaya lang talaga ako.." Hinawakan nyang muli ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko

"Y/N I'll promise you.. I will never ever break your heart again.. I love you" He hug me very tight and kiss my forehead..

~END~

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now