SVT MINGYU IMAGINE 02 (10)

164 9 3
                                    

#5

Tahimik akong nakaupo sa isang sofa habang yung dalawa ay nakaupo magkatapat.. Mukang tangang nagtititigan silang dalawa.. Bakit ba parang ang init ng dugo ni Mingyu kay Wonwoo? Sabagay nakakainit naman talaga ng dugo pagmumukha ni Wonwoo.. Kahit ako minsan pag nakikita ko sya umiinit dugo ko eh..

"So sino tong kapreng to?" Sabay turo ni Wonwoo kay Mingyu na mainit pa rin ang titig kay Wonwoo...

"Kapre? Ako? Sa gwapo kong to? Kapre? Ikaw nga mukang Asong Kalye" May halong iritasyong depensa ni Mingyu..

"Gwapo ka sino nagsabi? Mama mo?" Natatawang sabi ni Wonwoo.. Bigla namang tumayo si Mingyu kaya agad na akong gumitna baka ano pang mangyari.. Nakakasakit pala sa ulo kapag may dalawang lalaki sa bahay..

"Nakakairita ka na ah!" Tumayo rin tong si Wonwoo at handa na ding sugurin tong si Mingyu

"Tumigil kayong dalawa" Sigaw ko sa kanila.. Parehas silang umupo sa sofa at muling nagpalitan ng masamang tingin.

"Sino ba yan?" Sabay turo ni Wonwoo kay Mingyu.. Anong isasagot ko? Sasabihin ko ba kung ano si Mingyu? Pero hindi ba sya mawe weirduhan? Oh baka naman tuksuhin nya si Mingyu..

"S-Sya ay uhmm.. Ano ko.. Pake mo ba kung ano ko sya?"

"Susumbong kita kay Tita may lalaki ka dito sa bahay.. Lagot lumalandi na si Y/N tapos di sinasabi kay Tita" Sabay kuha nya ng phone nya..

"S-Subukan mo Jeon Wonwoo hindi mo na makikita ang araw mamaya" Banta ko sa kanya.. Bigla naman syang ngumisi.. Isang senyales na nagpapahiwatig na itutuloy nya talaga ang pagtawag kay Mama.. Hindi naman sa bawal akong magboyfriend pero.. Basta ayoko lang isipin ni Mama na naglilihim ako sa kanya..

"Sige tawagan mo para maging legal na kami ni Y/N" Napapihit naman ang ulo ko sa direksyon ni Mingyu.. A-Anong sinabi nya?

"So boyfriend mo nga ang higanteng kapreng to?" Sabay turo ni Wonwoo kay Mingyu

"Sinabing hindi ako Kapre eh! Asong Kalye!"

"Hindi ako Asong Kalye .. Kung hindi ka kapre edi mukha ka lang kapre okay na ba?"

"Anong sabi mo?!"

"Pikon!" Bakit ba ang hilig mangasar ng lalaking to

"Wonwoo tumigil ka nga at ikaw Mingyu mag usap nga tayo.." Hinila ko si Gyu palabas ng apartment ko..

"Bakit mo ko hinila?"

"Anong sinabi mo kay Wonwoo? Bakit mo sinabi yun?"

"Nakakaasar na kasi sya eh.."

"Teka ano bang ginawa nya sayo at bakit inis na inis ka sa kanya?" Napakurap naman sya sa sinabi ko.. Napahinga naman sya ng malalim at biglang ngumuso

"Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanya.. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kakaiba sa lalaking yun.."

"Weird ng dahilan mo pero.. Pwede ba wag mo na lang pansinin si Wonwoo? Hindi titigil yun basta nakikita nyang napipikon ka"

"Hay.. Sige na.."

"Tsaka yung tungkol kanina.. Yung aksidente na ano--" Ramdam ko ang pag init ng magkabila kong pisngi..

"A-Anong aksidente w-wala akong maalala" Tumingin sya sa ibang direksyon habang ang mukha nya ay pulang pula.. Sa tingin ko iniiwasan nya ding maalala ang bagay na yun.. Sabagay mas pabor sakin yun..

"Tara pumasok na tayo.. Basta wag mo na pansinin yung lalaking yun ah" Tumango lang sya sa sinabi ko.. Nauna akong pumasok sa kanya at naramdaman ko din naman ang pagsunod nya..

"Tapos na kayong maglandian?" Bungad na tanong ni Wonwoo.. Napailing na lang ako sa sinabi nya..

"Matulog ka na nga ang lakas mong mang asar di ka naman inaano dyan"

"E di matulog! Goodnight.. Pwede na kayong maglandian dyan hindi na ako nakatingin.." Humiga sya sa sofa at ipinikit ang mata..

"Pag naging aso na talaga ako kakagatin ko talaga yan at ng mawala na sa mundong to" Bulong ni Mingyu sakin.. Napailing na lang ako sa sinabi nya..

"Tara na hayaan mo na yan..Gusto ko ng matulog" Tumango na lang sya at sumunod sakin.. Napatingin naman ako kay Wonwoo na mahimbing na yata ang tulog dahil di na gumagalaw sa sofa.. Sana umuwi na sya bukas dahil hindi ko kaya na hanggang bukas nandito sya tatanda ako ng maaga sa kanya..


Wonwoo's POV

Binuksan ko ang mata ko dahil sa ingay na naririnig ko sa kusina..

"Ano ba ang ingay na yun.." Tumayo ako at lumapit kung saan man nang gagaling ang ingay na naririnig ko..

Nakita ko yung kapre na parang nagluluto.. 3 AM pero nagluluto? Napaka weird naman ng lalaking to

"Ang aga mo naman ipagluto ang prinsesa"

"Anong pake mo?" Natawa naman ako sa reaksyon nya.. Ang sarap nyang pikunin..

"Yung pinsan kong pangit bakit mo pinatulan yon?" Tanong ko na nagpalingon sa kanya.. Bigla naman nya akong sinamaan ng tingin.. Pikon na sya.. Sobrang pikon

"Alam mo nakakaasar ka na alam mo yun?"

"Oo alam ko.. Pikon ka na nga eh.. Halata nga sa reaksyon mo eh"

"Wala ka ng pake kung ano kami ni Y/N.."

"May pake ako sa kanya.. Pinsan ko yung pangit na yun tsaka di ako papayag na maging boyfriend nya eh kapre.. Kawawa magiging anak nya.."

"Nangaasar ka talaga no?" Natawa naman ako sa sinabi nya pero bigla din akong nagseryoso.. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya ng seryoso

"Subukan mong saktan ang pinsan kong yun makakatikim ka sakin.."

"Bakit ko naman sasaktan si Y/N"

"Subukan mo lang saktan ang taong mahal ko lagot sakin" Napakurap naman sya sa sinabi ko.. Teka.. Anong sabi ko? Bakit ko nga ba sinabi ang bagay na yun..

"Tama ba ang rinig ko.. Mahal mo ang pinsan mo?"

"O-Oo.. Mahal ko yung pangit na yun bilang pinsan.. A-anong iniisip mo?"

"Siguraduhin mo lang na bilang pinsan lang yan.." Di ko na sya sinagot at bumalik na lang ulit sa Sala..

Napahawak ako sa dibdib ko.. Bakit ba kasi kailangan maging pinsan ko pa ang taong magugustuhan ko..


Mingyu's POV

Nang matapos ako sa pagluluto ay sandali akong naglinis ng mga estante pati na din nagligpit ng mga kalat saka ako lumabas para magtapon ng basura.. Sobrang dilim na din gawa na din sigurong madaling araw na..

"Paano ko kaya malalaman ang dahilan kung bakit ako naging ganito.." Bulong ko as sarili ko..
Nang matapos akong magtapon ay handa na akong maglakad pabalik sa apartment ni Y/N ng biglang may maliit na pusa ang dumaan sa paanan ko.. Teka.. Pusa..

"Cat.." Tahimik ko lang na tinitigan ang pusang nasa paanan ko.. Cat.. Sandali posible kayang sya ang dahilan?


----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now