SVT JEONGHAN IMAGINE 02 (12)

127 11 3
                                    

#5

Tahimik akong nakaupo sa damuhan sa garden para makipaglaro sa tuta na binili ni Jeonghan para sakin.. Oo demanding ako.. Wala akong ibang makausap dito eh.. Yung mga maid naman ayaw makipag usap sakin dahil busy sa trabaho nila.. Madalas namang wala si Seokmin dahil personal driver sya ni Jeonghan kaya naman nanghingi ako ng favor kung pwede nya akong bilhan ng aso.. Di naman sya nagdalawang isip at pumayag lang sa sinabi ko ng ganun kadali.. Mukhang mamahalin pa nga yung asong binili nya sakin eh.. Sabagay barya lang naman sa kanya yun..

Kung nagtatanong kayo kung saan natutulog si Jeonghan at Ako.. Well.. Magkasama kami sa loob ng kwarto.. Pero sa sofa ako natutulog at sya naman sa kama.. Ang gentlemen nya diba?.. Hindi ko din naman sya nakakausap dahil maaga syang umaalis para sa taping nya at late naman syang nauwi minsan nga hindi pa sya nauwi dito.. Sa madaling salita ginawa nya lang akong palamunin sa bahay nya.. Di na ako magrereklamo dun atleast libre tsaka mukhang wala naman syang masamang balak sakin.. Wala pa sa ngayon..

"Coco!" tawag ko sa aso ko na busy sa pagkagat ng hose ng tubig.. Lumapit naman ako sa kanya at kinuha ang kinakagat nyang hose.. "Coco hindi kinakagat ang hose.. Ginagamit ang hose para magdilig.." Binuksan ko ang gripo at nagsimulang magdilig ng mga halaman

"Are you worried that I will charge you for everything you ask me?" Napalingon naman ako sa biglang nagsalita sa likuran ko

"Oh? Akala ko nasa trabaho ka?"

"Yes but I took a rest day for now.. I'm tired.."

"Ahh.." tumango na lang ako at ibinalik ang atensyon sa pagdidilig ng halaman..

"Mahilig ka ba sa mga halaman?" tanong nya

"Hmm.. Medyo.. Mahilig akong magtanim ng mga bulaklak especially tulips and rose.."

"I see.." Muling nagkaroon ng katahimikan ang pagitan namin.. Tanging ang ingay lang ng tubig sa hose ang namamagitan samin..

Tahimik ko lang pinagpatuloy ulit ang pagdidilig.. Siguro ay nakaalis na sya dahil wala na akong narinig pang ingay ulit.. Dahil sa katahimikan ay bigla akong napaisip.. Ang laki ng bahay nya pero wala man lang swimming pool.. Bakit kaya? Tumalikod ako para puntahan ang mga halaman na hindi ko pa nadidiligan pero napahinto ako dahil nakatayo pala si Jeonghan sa likod ko at ang masama pa ay nabasa ko sya

"Hala! Akala ko pumasok ka na.. Bakit ka ba kasi nakatayo sa likuran ko??"

"Hindi ba ako pwedeng tumayo?"

"Pero bakit nga sa likuran ko?"

"I don't know.. Sinusunod ko lang naman paa ko kung saan nya gustong pumunta.."

"Well sabihin mo sa paa mo pumasok na sya sa loob..." pero imbes na sumagot ay inilahad nya ang kamay nya sa harap ko na parang may hinihingi

"Give me the hose" Nagtataka man ay inabot ko sa kanya ang hose pero nanlaki naman ako sa biglang pagbasa nya sa akin

"Hoy! Bakit mo ko binasa!" Agad kong inagaw ang hose sa kamay nya at binasa din sya.. Aba ayokong nalalamangan noh.. Bigla naman syang tumakbo kaya hinabol ko sya para basain.. Mabuti na lang at mahaba ang hose..

"Try to catch me.." Sinamaan ko naman sya ng tingin.. Anong tingin nya magpapatalo ako sa habulan? Agad kong hinanda ang hose at hinabol sya.. Siguro ilang minuto na kaming naghahabulan.. Nakikita kong hinihingal na sya at ganun din naman ako..

"Hoy! Basang basa ka na pero ayaw mo pa ding tumigil kakatakbo.. Panalo na ako.." napailing naman sya at lumapit sakin at biglang pinunasan ang mukha ko..

"Basang basa ka din naman pero di ko sinabi"

"T-Teka bakit mo pinupunasan mukha ko?"

"Nandyan sya.." Sandaling napakunot ang noo ko sa sinabi nya pero ilang segundo lang din ay naintindihan ko din kung anong tinutukoy nya... Si Alexa.. Si Alexa ang tinutukoy nya..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Katatapos ko lang mag shower at magpalit ng damit ng saktong pumasok sa kwarto si Jeonghan na may hawak na tray na may lamang kape.. Inilapag naman nya sa mini table ang tray na dinala nya at tumingin sakin..

"Maliligo lang ako inumin mo na yung isang kape" Tumango lang ako bilang sagot saka sya pumasok sa banyo.. Kinuha ko naman ang isang cup at humigop ng kape...

"Woah.. Ang sarap!!" Mangha kong sabi.. Ganito ba talaga kapag kape ng mayaman kakaiba! Tumayo ako sa kama at lumapit sa harap ng salamin.. Infairness naman sa bathrobe na toh ang cute ng design.. Umikot ako sa harap ng salamin at nagpose.. Ang sexy ko pala talaga!

Naagaw ang atensyon ko sa katok galing sa pinto. Lumapit naman ako at binuksan ang pinto.. Nanlaki naman ang mata ko ng may biglang sumalubong na Camera sa harap ko..

"S-Sandali anong meron?" Narinig ko naman ang pagsara ng shower sa loob ng banyo at ang pagbukas ng pinto.. Agad akong lumingon at nakita syang nakangiti sakin.. Bigla naman syang lumapit sa direksyon ko at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya na para bang walang Camera na nakatutok sa harap namin..

"Are you here for another interview?" tanong nya sa mga paparazzi na nasa loob.. Ako naman hindi mapakali.. Basta ngumiti na lang ako kahit pakiramdam ko para akong nakangiting aso..

"We're here for another surprise interview but I think you're busy Mr.Yoon" sagot naman nung baklang paparazzi sabay ngumiti ng nakakaloko

"No.. No.. It's okay come in.." Since nakahawak sa bewang ko si Jeonghan ay nakasunod lang ako sa bawat hakbang nya.. Umupo sya sa kama kaya umupo din ako...

"You look good together Mr.Yoon.. Matching bathrobes so sweet.." Napatingin naman ako sa suot nya na bathrobe at napansing parehas nga kami ng suot magkaiba lang na kulay..

"We're look good together not just because of this bathrobes but.." bigla naman nyang hinawakan ang baba ko at iniharap sa kanya bigla naman syang lumapit at idinampi ang labi nya sa ilong ko.. Bigla na lang naging mabilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang kadahilanan.. Kinikilig ba ako sa ginagawa nya o dala lang ng kaba dahil may Camera na nasa harap namin?

"Ms.Y/N you look pretty today.. Mr. Yoon taking good care to her princess"

"She's my queen" pinagpapalitan ko lang sila ng tingin.. PArang gusto ko namang matunaw sa usapan nila..

"Is there any possibility Mr.Yoon that Ms.Y/N will appear in a Drama with you?"

"No... My Y/N is not good in acting and I just want her to be mine.. Only mine"

"How sweet Mr. Yoon" Kung pwede lang talaga magsabi ng totoo gusto kong sabihin na hindi totoo ang relasyon namin..

"Maybe we need to go.. Sorry for disturbing you both Mr.Yoon and Ms.Y/N we think we disturb you from something" bigla namang kumindat yung reporter saka nag bow at lumabas ng kwarto.. Pagkasara ay agad akong tumayo at itinuro sya

"Hoy anong sinabi mo! at bakit mo hinahapit ang bewang ko.. Wala sa napagusapan to ah.."

"Bakit gusto mo bang mahuli tayo na hindi totoo ang relasyon natin? Hmm.. Kung sabihin ko kaya sa harap ng camera ang totoong nangyari?" Eto na naman sya sa pangba blackmail nya..

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo pero sa ginagawa mo mas lalo mo lang pinapalaki ang issue mo.."

"Hmm? I'm just helping you out.."

"Dinelete ko na naman yun tsaka makakalimutan din naman ng mga tao yun ilang araw lang lumipas"

"I'm just being good to you.."

"Hindi ko nararamdaman na nakakatulong ka.. Binablackmail mo lang ako sa ginagawa mo" Bigla naman syang tumayo sa kama at lumapit sa isang cabinet na merong lock..

"Do you want to know why I want to keep you?" Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi nya... May bigla syang kinuha sa loob ng bulsa nya na susi at ipinasok sa keyhole ng lock ng cabinet.. Pagbukas ng cabinet ay ganun na lang ang gulat ko ng makita ang mga nakadikit sa likod nito.. Hindi ko ito litrato pero ang babaeng nasa likod..

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now