SVT SEUNGCHEOL IMAGINE 02 (3)

272 11 0
                                    

#6

Uwahhh.. Graduation ball na~~

"Anak ang ganda mo sa suot mo ngayon" Puri ni Mama sa suot kong Pink na gown

"Btw anak.. Si Seungcheol ba ang date mo?" Umiling naman ako sa tanong ni mama...

Nung araw sa may cafeteria.. Nung sinabi ni Joshua na gusto nya ako... Pagkatapos nun hindi na kami nag usap.. Hinahatid sundo nya pa rin ako pero di nya ako kinikibo... Galit ba sya? May ginawa o nasabi ba akong di maganda?.. Sa totoo lang... N-Nami miss ko na sya...

"Anak nandyan na ang sundo mo" Tawag ni Papa.. Tumango ako at sinalubong si Joshua sa gate.. Napatitig ako sa kanya mula ulo hanggang paa... Ang gwapo nya sa suot nyang tuxedo...

"Are you ready?" I nod..

"Tita and Tito iuuwi ko po sya ng ligtas mamaya" Paalam ni Joshua sa parents ko...

"Sige paki ingatan ang prinsesa namin.." Sabi ni Papa.. Tumango naman si Joshua at saka sumakay sa dala nyang sasakyan

"Hmm.. This is the night"

"Night? Of what?" Tanong ko sa kanya pagkasakay ko sa kotse na dala nya...

"Of Confession?" then he laughs

"What do you mean?"

"It's our graduation ball.. Siguradong maraming magco confess sa mga taong gusto nila"

"Hmm.. Sabagay.. Ikaw din ba magco confess ka?"

"Bakit naman ako magco confess.. Nakapag confess na naman ako sayo diba?" Napatigil naman ako sa sinabi nya.. Dapat kinikilig na ako sa mga oras na toh.. pero bakit ganito.. Wala akong maramdaman...

Naging Awkward ang Atmosphere kaya pareho lang kaming tahimik hanggang sa makarating kami ng school

"We're here.. Mauna ka na sa loob.." Tumango naman ako at lumabas na nga ng kotse...

"Di ba Girlfriend sya ni Prince Seungcheol? Bakit si Prince Joshua ang Date nya?"

"Baka nag break na sila ni Prince Seungcheol?" Bulungan ng mga babaeng akala mo eh espasol sa puti ng mukha

"Hey Y/N!" Salubong na bati sakin ni Jeonghan... Pero nilibot ko ang tingin ko.. Nasaan kaya si Seungcheol?

"May hinahanap ka ba?"

"H-Ha? Wala naman pero... Nasaan si Seungcheol?"

"Wala daw hinahanap pero hinahanap si Seungcheol?" 

"Nasaan nga?"

"Di daw sya pupunta eh..." Tumango na lang ako sa sinabi nya.. Dumating na si Shua at tumabi sakin

"Y/N! Here's your mask" Then inabot nya sakin ang Masquerade Party mask na naiwan ko sa sasakyan nya..

"Thank you" Sinuot ko na yung mask at hinanap na nga ang designated seat namin

"Ayun yung seat natin" Sabi ko at lumapit sa isang table na may nakalagay na pangalan namin.. Inilibot ko ang tingin ko sa lahat.. Bakit kaya hindi sya pupunta?

"Are you looking for someone?" Tanong ni Joshua... Umiling naman ako.. Siya ang date ko pero iba ang hinahanap ko...

Nakaupo lang kami ni Joshua sa upuan... He ask me to dance pero parang wala ako sa mood.. I enjoy the activities na meron kahit hindi ako sumasali.. May mga booths din... It's actually really fun.. Kung nandito lang sana sya

"Magc-cr muna ako" Joshua said.. I nod.. Sumalumbaba ako sa mesa... Ang lungkot kapag wala sya para asarin ako.. Siguradong aasarin ako nun ngayon kung nandito sya

"Hey Y/N.. Bakit di ka sumasayaw?" Nilingon ko si Jeonghan na kakaupo lang

"Hmmm... Gusto ko ng umuwi nakaka bored"

"Nakaka bored o may hinahanap ka lang" Inirapan ko lang sya.. Naagaw ang atensyon ko ng bigla kong marinig ang pangalan ko na galing sa Dedication Booth..

"Dedication for Ms.Y/N, Please meet me at the school garden asap i want to confess something.. -S" S?...

"Seungcheol?" Tanong ko sa sarili ko...

"Puntahan mo na ang Prince Charming mo" Sabi ni Jeonghan..

Napatango naman ako at sa hindi malamang kadahilanan ay napangiti ako ng wala sa oras.. Nandito sya.. Nandito sya sa Ball ngayon? Akala ko hindi na sya pupunta

Nang makarating ako sa School Garden ay nilibot ko ang tingin ko ng bigla na lang may magtakip ng mata ko

"Seungcheol?" Mabilis akong lumingon pero--

"J-Joshua..? I'm sorry i thought your..."

"You thought i'm Seungcheol?"

"I'm sorry..."

"Don't be..." He smiled...

"Uhm.. Actually...I uhmm.. I like... I like you.." Sabi ni Shua.. Bakit ganito.. Dapat kinikilig na ako sa mga oras na toh...

"Ang totoo nyan gusto din kita..." Yumuko ako.. Gusto ko sya per--

"Pero kung gusto mo sya... Anong nararamdaman mo para sakin?"

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now