SVT MINGYU IMAGINE 02 (10)

139 16 0
                                    

#7

"Ang sakit ng leeg ko!" Reklamo ko ng makababa sa tren na sinakyan namin ni Gyu.. Ilang oras din kasi ang naging byahe namin para lang makarating dito sa Busan..

"Arf! Arf!" tumingin ako kay Mingyu na nagliligalig sa braso ko.. Ibinaba ko sya at hinayaang maglakad..

Nagsimula kaming maglakad lakad at magbahay bahay ni Mingyu ng 9 ng Umaga sandali kaming kumain ng 12 ng tanghali at nag start ulit kaming maghanap.. Ilang oras na kaming naglalakad ni Mingyu at pasado alas dyis na.. Hindi pa din namin sya nahahanap.. Nasaan na ba si Kath?

"Hindi mo ba alam kung saan nakatira si Kath? Napapagod na ako" Pinunasan ko ang pawis sa noo ko..

"Ate palimos po!" Napalingon ako sa batang nakalahad ang kamay sa harap ko.. Agad kong kinuha ang bag ko at kumuha ng sandwich na baon ko.. Bigla namang sumimangot yung bata at tinapon ang pagkaing inabot ko.. "Ate pera kailangan ko!"

"Aba't!" Handa ko na syang hampasin ng kamay ng biglang tumahol si Mingyu.. Nakakatakot ang pagtahol ni Mingyu at parang konti na lang mangangagat na kaya naman biglang tumakbo yung bata.. Kinuha ko yung sandwich.. Mabuti na lang ibinalot ko toh sa plastic kaya kahit papaano hindi nadumihan.. Muli akong tumingin kay Mingyu... "Alam mo ba kung saan nakatira si Kath?"

"Kath? Park Katherine?" Napalingon ako sa nagsalita.. May pagka anghel ang boses at ang maamo nyang mukha.. Kahit sinong babae matutulala sa ka gwapuhan nya..

"O-Oo.. Kilala mo sya?" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko

"Oo.. Kapitbahay lang namin sya pero.. Bakit mo hinahanap ang weirdo na yun?" Napakurap ako ng ilang beses..

"Weirdo?"

"Hindi lumalabas ng bahay yun.. At ang sabi pa nga nabaliw daw yun. Di ko alam pero yun lang naman naririnig ko.. Yun kasi usap usapan" Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi ng gwapong lalaki na nasa harap ko

"Pwede mo ba akong samahan papunta sa bahay nya?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Medyo may pagkamadaldal ang lalaking nakausap ko.. Jeonghan ang pangalan nya medyo kilala din sya dito dahil halos lahat ng dinadaanan namin eh binabati sya..

"Mukang kilala ka dito ah.."

"Syempre ang gwapo ko kaya.. Oh nandito na tayo" Napatingin ako sa harap ko kung saan nakatayo ang bahay na halos wala kang makikita na liwanag sa loob.. Parang walang taong nakatira..

"Maiwan na kita ah.. Bye!" Umalis na si Jeonghan at pumasok na sa loob ng bahay nya.. Teka anong oras na ba?

"Arf! Arf!" Napatingin ako sa Orasan ko at tumingin kay Mingyu.. Malapit ng mag 12 AM.. Agad kong binuhat si Mingyu at dinala sa isang eskinita kung saan wala masyadong dumadaan.. Ipinikit ko ang mata ko at naghintay ng ilang minuto.. Maya maya ay naramdaman kong may kumalabit sakin..

"Y/N damit.."

"Nandito sa bag kunin mo nalang.." Naramdaman ko naman ang pagkalikot sa loob ng bag ko.. Ilang minuto lang ay bigla ulit nya akong kinalabit..

"Tapos na.." Lumingon naman ako sa kanya.. Nakalimutan kong makipot lang tong eskinita na napasukan namin kaya paglingon ko ang lapit ng mukha ko sa kanya.. Napakurap ako ng ilang beses at napatitig sa mukha nya.. Bakit ang gwapo nya? Ahhh.. Y/N Erase Erase nandito ka para tulungan sya..

"Tara na puntahan na natin si Kath.." nauna akong naglakad sa kanya

"Sandali Y/N"

"Bakit?"

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now