SVT JOSHUA IMAGINE 02 (9)

594 15 0
                                    

#1

Nakangiti akong nagaabang sa tapat ng bahay namin ni Kuya Joshua.. Ang sabi nya kasi may sorpresa sya sakin kaya ams lalo akong nae excite.. Nang makita ko syang papalapit ay agad akong ngumiti at inayos ang sarili..

"Kuya Joshua!" tawag ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.. Ito na naman ang puso ko tumitibok na naman ng sobrang bilis..

"Kamusta ka na?" Humiwalay sya sa yakap at ngumiti sya sakin ng malawak

"Ayos lang naman ako kuya.." Ngumiti ako din ako ng malawak..

"Ah.. Y/N may ipapakilala pala ako sayo" dahan dahan akong tumango sa sinabi nya.. Nagulat na lang ako sa babaeng naglalakad palapit sa direksyon namin ni Kuya Joshua..

"Sino sya kuya?" tanong ko ng makalapit na yung babae samin ni Kuya

"Y/N sya nga pala si Olivia.. Girlfriend ko" Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko

"T-Talaga.. A-Ang ganda nya" ngumiti ako at kinamayan ang babaeng kasama nya

"Nice to meet you.. Nakwento ka na sakin ni Joshua.. And it's true ang cute cute mo nga" sabi nung Olivia at biglang pinisil ang magkabila kong pisngi masyadong feeling close kainis

"S-Salamat.. Ikaw maganda ka" Ngumit naman ako sa kanya.. Labas sa ilong ang mga salitang yun

"Ah Y/N pansamantala munang mag stay dito si Olivia.. Ayos lang ba sayo?" WHAT!? Ayoko! Ayokong makasama ang girlfriend ng taong mahal ko tsk! Kainis naman oh.

"S-Sure" ngumiti ako.. Wala akong choice si Kuya Joshua ang humingin ng pabor... Tinapik nya ang ulo ko bago sya pumasok sa loob ng bahay kasama yung Olivia..

Napaupo naman ako sa upuan na nandito sa labas ng bahay..

Magkababata kami ni Joshua at parehas kaming lumaki sa isang Orphanage.. Naging close kami hanggang sa tumungtong kami sa tamang edad.. Noong una ay kapatid lang ang turing ko sa kanya pero katagalan ay may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing kasama ko sya.. Iba ang saya kapag kasama ko sya.. Ang bilis lagi ng tibok ng puso ko at minsan kapag malapit sya ay parang hindi ako makahinga.. Pero mas pinili kong itago na lang ang nararamdaman ko dahil kahit na anong gawin ko ay hanggang kapatid lang ang ituturing nya sakin.. Nang tumungtong ako ng labing walo ay napagpasyahan namin na umalis na sa ampunan at magsimula ng normal na buhay.. Tumira kami sa iisang bahay.. Ako ang naiiwan para magbantay ng bahay.. Tuwing sabado at linggo naman sya umuuwi dito... Kung titignan ay para kaming mag asawa pero sa paningin nya magkapatid lang kami. Hanggang dun lang..

"Hey.." Napataas naman ang tingin ko sa tumawag sakin.. Ang Girlfriend pala nya.. Umupo sya sa tabi ko at ngumiti..

"Hi" Ngumiti ako ng pilit sa kanya

"Pwede bang umalis ka na lang?" Para akong nabingi sa sinabi ni Olivia.. Ako aalis?

"H-Ha?"

"Hindi kayo tunay na magkapatid right? Hindi ako kompartable na nasa iisa lang kayong bahay kay--"

"Excuse me? Ano naman kung hindi kami tunay na magkapatid?" pagsusungit ko.. Hindi na talaga maganda ang kutob ko sa kanya kanina pa..

"I'm just asking nicely.. Pero kung ayaw mong umalis it's okay.. Hihintayin ko na lang na kusa kang umalis.." inilapit nya ang labi nya sa tenga bago pakawalan ang mga salitang "Gagawin kong impyerno ang buhay mo" lumayo sya at muli akong tinignan.. Binigyan nya ako ng isang nakakatakot na ngiti bago sya muling pumasok sa loob..

"Y/N Pumasok ka na dito may pasalubong ako sayo" Para akong estatwa sa kinauupuan ko at hindi makagalaw.. Masamang tao ang Girlfriend ni Kuya Joshua anong gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya? O hahayaan ko na lang para maging masaya si Kuya Joshua?

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now