SVT JEONGHAN IMAGINE 02 (12)

109 7 0
                                    

#12

Tahimik akong nakaupo sa kama habang nakatitig lang sa sahig.. Ilang araw na kong ganito.. Kahit ako naguguluhan na sa sarili ko.. Baliw na ata talaga ako... Naagaw ang atensyon ko sa biglang pagkatok sa pinto kaya agad akong lumingon... Nakita ko naman si Seungkwan na naglalakad sa direksyon ko

"Y/N okay ka lang ba?" Dahan dahan naman akong tumango sa sinabi nya... "Mukang hindi ka talaga okay.. 5 days ka ng nandito nakakulong sa kwarto.. Sigurado ka bang hindi ka na babalik sa bahay ni Jeonghan?"

"Hindi ko alam.. Ayoko ng bumalik.. Nasasaktan lang ako.. Kapag nakikita ko sya nasasaktan ako.. Kapag wala sya nasasaktan ako kapag nakikita ko sya nasasaktan pa rin ako hindi ko alam saan ako lalagay.. Kahit ako naiinis na sa sarili ko.. Nababaliw na ata ako Seungkwan"

"Hindi kita matutulungan sa problema mo.. Nandito lang ako para pagaanin ang loob mo pero please tulungan mo rin sarili mo.. Maglibang ka.."

"Hindi ko alam kung paano.." Humiga ako sa kama at nagpagulong gulong.. Naramdaman ko naman na bigla syang umupo sa tabi ko..

"Kalat na kalat na naman ang issue mo.. Ang daming lumalabas na article at kung ano ano pa.. Ano ng balak mo?" Dahan dahan nyang sinuklayan ang buhok ko gamit ang daliri nya...

"Hindi ko alam ang gagawin.. Kaya wag mo na lang ipaalala.. Sumasakit lang ang ulo ko... Atsaka siguradong malilimutan din nila ang issue na yan.. Ganun naman ang mga issue mabilis ding mawala lalo na kung merong bago.."

"Hmm.. Fine may tiwala naman ako dyan sa desisyon mo.. Lalabas muna ako para bumili ng grocery dahil wala ng laman ang ref.."

"Seungkwan Thank you talaga sa pagpapatuloy mo sakin dito ah.."

"Wala yun.. Para saan pa at naging kaibigan mo ko? Ano may ipapabili ka ba?" Ilang minuto akong nagisip at tumingin sa kanya..

"Gamot sa sawi na puso meron ba?" Bigla naman syang umiling sa sinabi ko..

"Puro ka kalokohan at ang corny nun.. Sige na aalis na ako.." ginulo nya ang buhok ko saka sya lumabas ng apartment.. Mabuti na lang talaga may matatakbuhan akong kaibigan sa mga ganitong sitwasyon.. Tahimik lang akong nakahiga sa kama at nagmuni muni.. Mabilis lang naman huhupa ang issue na yan.. Sana nga.. Sana nga panaginip na lang lahat.. Sana pagkagising ko hindi na lang totoo lahat ng mga nangyayari na ito..

Tahimik lang akong nagiisip isip ng may biglang may kumatok sa pinto.. Yan na kaya yung inorder kong pizza? Sa wakas nandyan na ang pizza ko! Sakto medyo gutom na din ako dahil hindi ako masyadong makakain ng maayos.. Kinuha ko ang wallet ko sa maliit kong bag at nakangiting tinungo ang pinto at binuksan...

"Magkano babayar-- J-Jeonghan?" Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.. Muling tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.. Ganito ang epekto nya sa buong sistema ko..

"Y/N.." Nakangiti sya sakin.. Ang mga ngiting minsan na akong nahulog at patuloy na nahuhulog.. Bakit nya ba ako pinapahirapan ng ganito? Ano bang kailangan nya?

"B-Bakit ka nandito?" Tumingin ako sa paligid para i check kung sino ang kasama nya.. Mamaya may mga reporters o kaya naman kasama nya ang Manager nya

"Sinong hinahanap mo?"

"Sinong kasama mo?"

"Wala akong kasama.. Mag isa akong pumunta dito.. Ikaw ang sadya ko.. Pwede ba akong pumasok?" Ilang minuto ako nag isip pero wala naman akong choice kundi papasukin sya.. Ayoko namang magmukhang rude sa kanya..

Nauna akong pumasok at naupo sa sofa.. Umupo naman sya katapat ko.. Tahimik ko lang syang tinitigan at hinihintay ang sasabihin nya

"About what happened at the mal--"

"W-Wag mo na ipaalala.. Ano ba talagang ipinunta mo dito?" Walang emosyon kong sabi sa kanya..

"I-I honestly don't know.." Bigla naman akong naguluhan sa sinabi nya kaya tinitigan ko syang diretso sa mga mata nya..

"Anong I don't know? Hindi yan ang sagot na gusto kong marinig.. Ano ba talagang intensyon ng pagpunta mo dito?" Huminga sya ng malalim bago ako sinagot..

"I miss you.. Can you please come home again?"

"Ayoko na.." Bakit ba gusto nya pa akong bumalik.. Pagkatapos ng lahat ng nangyari?

"Is it because you like me?" tanong nya..

"Umuwi ka na" Tumayo ako sa sofa at tumalikod na sa kanya.. Maglalakad na ako papasok ng kwarto ng bigla na lang nya akong hilain at yakapin mula sa likuran..

"I miss you.." Agad akong kumalas sa pagkakayakap.. Naramdaman ko na lang na unti unti naring tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan..

"Ano ba Jeonghan.. Hindi ako ang nami miss mo Jeonghan kundi ang kapatid mo at nasasaktan ako.. Nasasaktan ako na nakikita mo lang ako dahil sa kapatid mo.. Nasasaktan ako dahil lahat ng kabaitang pinapakita mo sakin ay dahil lang sa nakikita mo ang kapatid mo sakin.."

"Y/N.."

"Umuwi ka na lang Jeonghan please.." Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko nasasaktan ako.. Bakit ba kasi kailangan ko pang mahulog sa kanya? Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na pigilan ang nararamdaman ko hindi ko magawa..

"Come with me.."

"Jeonghan kung nami miss mo lang ako dahil sa kapatid mo please lang umu--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang nyang ilapat ang labi nya sa labi ko.. Dahan dahan nyang iginalaw ang mga labi nya habang ako eto hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.. Gusto ko syang itulak pero para akong na estatwa sa ginawa nya.. Humiwalay sya at tinitigan ako diretso sa mga mata ko.. Tulala pa din ako at sinusubukang i process ang nangyari..

"Please come back Y/N.. I love you.."

"Nakabalik na ak-- Y/N!" Agad namang tumakbo si Seungkwan papunta sa direksyon ko at humarang sa pagitan namin ni Jeonghan.. "Anong ginagawa mo dito? Anong ginawa mo kay Y/N?"

"Humingi lang ako ng sorry at.. At gusto ko na syang bumalik.."

"Please iwan mo na sya wag mo na ulit guluhin ang kaibigan ko.. Nasasaktan lang sya sa ginagawa mo!"

"Let me prove myself to her.. I like her.. No.. I love her.. I love her as a woman.. I see her not as my sister.. Please? Please Let me prove myself.. Let me court her" bigla namang tumingin si Seungkwan sa direksyon ko na para bang naghihintay din sa sagot ko.. Ano nga bang isasagot ko.. Ano bang tamang desisyon ang gagawin ko?

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜



SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now