SVT DINO IMAGINE 02 (11)

76 9 0
                                    

#5

Your POV

Tahimik akong nakaupo sa loob ng room at hinihintay ang susunod kong klase.. Naramdaman ko ang pag vibrate ang phone sa bulsa ko kaya agad kong kinuha..

"Oh? Si Sir Lee?" Agad kong binuksan ang text nya sakin.. Nagkaroon ng malaking pagtataka sa isip ko ng mabasa ang message nya.. Pinapapapunta nya ako sa tapat ng Girl's comfort room at wag ko daw ipaalam sa bodyguard ko.. Bakit kaya? Minsan ang weird ni Sir Lee

Pero kahit puno ng tanong ang isip ko ay sinunod ko na lang ang sinabi nya.. Lumabas ako sa kabilang side ng room para hindi ako makita ng bodyguard ko.. Agad akong dumiretso sa Girl's comfort room agad ko syang nakita Dahan dahan akong lumapit sa kanya.. Mukang kanina pa yata sya naghihintay

"Mr.Lee?" Agad syang lumingon sakin at ngumiti

"Nandyan ka na pala eto" Bigla na lang nya akong inabutan ng oversize jacket na ipinagtaka ko

"Hmm? Anong gagawin ko dito Mr.Lee?"

"Basta Magbihis ka may pupuntahan tayo.. Bilis.." Hindi ko alam bakit pinapasuot nya sakin yung jacket at mukha syang nagmamadali pero agad ko ring sinunod ang sinabi nya.. Nang maisuot ko yung jacket ay bigla na lang nyang hinawakan ang kamay ko at hinila..

"T-Teka Saan tayo pupunta Mr.Lee?" Tanong ko sa kanya.. Sandali syang lumingon sakin at ngumiti

"Pupunta tayo sa Mall" Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.. Mall?

"H-Huh? Pero may pasok pa ako.. Actually may next class na ako.. Baka ma late ako Mr.Lee"

"Alam ko pero ako ng bahala sayo.." Hinila ko pabalik ang kamay ko at huminto.. Hindi pwede.. Siguradong magagalit si Mommy pag nalaman nyang hindi ako makakapasok sa klase ko.. Si Mr.Lee na lang nakakaintindi sakin at baka mapahamak pa sya at matanggal sa pagiging tutor ko kung hindi ko aayusin pag aaral ko

"H-Hindi pwede Sir Dino.. Siguradong mapapahamak ka din kapag ginawa mo yan.. Tsaka knowing Mom she wi--"

"Masaya ka ba?" Tinitigan ko sya ng matagal bago ako ngumiti sa kanya

"Okay lang ako Mr.Lee kaya di mo kailangan mag alala sakin.. Babalik na ako sa klase ko" Tumalikod ako sa kanya at nagsimula ng maglakad

"Iba ang Masaya sa Okay lang.." Huminto ako at tumingin sa kanya

"Syempre magkaiba sila ng spelling" Biro ko sa kanya pero seryoso lang mukha nya.. "Sige po Mr.Lee babalik na ako sa klase.." Muli akong tumalikod at nagsimulang maglakad ng bigla akong binuhat ni Mr.Lee at tumakbo

"Okay lang na sumusunod ka sa Mommy mo pero hindi ka masaya dahil dun.."

"Teka M-Mr.Lee anong ginagawa mo? Sa ginagawa mong to may posibilidad na tanggalin ka ni Mommy bilang tutor ko!"

"Okay lang kahit matanggal ako bilang tutor mo.. Maglalaro lang tayo sa arcade sa mall at uuwi ka din ng 6 pm sa bahay nyo.."

"Pero Mr.Lee! baba mo ko! Hindi nga pwede! Magagalit si Mommy.." Pero parang wala lang syang naririnig hanggang sa makarating kami sa parking lot at ipasok nya ako sa loob ng kotse nya.. Sinubukan kong lumabas pero bigla na lang nyang nilock ang pinto.. Nang makapasok sya sa loob ng kotse ay agad nyang inilagay ang seatbelt ko..

"Promise babalik agad tayo!" Sinimulan na nyang paandarin ang sasakyan..

"Mr.Lee pinapahamak mo lang sarili mo.. Kilala mo naman si Mommy.. She will get mad if she find out about this" Pero parang wala lang narinig si Mr.Lee sa sinabi ko.. Nakaalis na kami ng school.. Tanging ingay galing sa radio ang nagsisilbing ingay na gumigitna samin..

Wala na akong nagawa dahil mukang kumbinsido talaga si Mr.Lee na dalhin ako sa Mall.. Tahimik na lang akong tumingin sa labas ng bintana.. Sa Mall kami pupunta.. Well once a month pumupunta ako sa Mall para bumili ng mga gusto kong gamit for school purposes.. Pero never kong na experience na amglaro sa arcade or mag enjoy sa loob ng Mall.. Naramdaman kong hininto na nya ang kotse.. Nauna syang bumaba ng sasakyan.. Lumipat sya sa side ko at pinagbuksan nya ako ng pinto saka inalalayang lumabas.. Nakahawak lang sya sa kamay ko habang dinadala ako papasok ng mall..

Wala akong magawa kundi magpahila.. Ang isip ko ay punong puno ng paano.. Paano kapag nalaman ni Mommy na hindi ako umattend sa klase ko.. Hindi ko alam gagawin ko.. Siguradong mapapahamak kami pareho lalo na sya

"Y/N nandito na tayo.." Napakurap ako ng ilang beses saka inilibot ang tingin sa paligid.. Nasa loob na pala kami ng arcade sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko namalayan na nakarating na kami... Ngayon ko lang nakita ang loob ng arcade.. I mean madalas ko lang sya madaanan at makita sa mga books pero eto ang unang beses na makapasok ako sa loob...

"Mr.Lee balik na tayo sa school.."

"Let's enjoy.." Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko saka kami pumasok sa loob

"Per--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang ilabas ang isang card at i swipe ito sa isang arcade hoop.. Nasa tabi ko sya at ini swipe din ang card sa kabilang machine

"Paramihan ng masho shoot na bola.. Pag ako ang nanalo dito lang tayo magi stay pero pag ikaw ang nanalo babalik tayo ng school.. Game?" Sasagot pa lang ako ng biglang tumunog ang machine at gumulong ang mga bola palapit.. Nakakaisang shoot palang ako pero nakakatatlo na sya.. Hindi naman toh patas.. Hindi ako naglalaro ng basketball kaya In the end sya ang nanalo.. Wala akong magawa kundi mag stay.. Pero balot pa rin ako ng takot at kaba ang nararamdaman ko.. Paano pag nalaman ni Mommy na nandito ako ..

Dahil sya ang nanalo wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa mga gusto nya.. Kung ano anong nilaro namin kahit papaano nawala ang mga iniisip ko.. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa ganitong bagay.. Siguro dahil ito lang ang unang beses na nakakapaglaro ako.. Ganito pala yun kasaya.. Ganito pala maging masaya...

"Y/N it's already 5:30.. Hatid na kita sa inyo.." Muli na namang bumalik ang kaba ko na kanina ko iniisip.. Tumango na lang ako sa sinabi nya..

Ilang oras lang naman ang naging byahe.. Nang makababa ako ng sasakyan ay napansin kong wala masyadong tao na sumalubong..

"Lady Y/N!" Agad na lapit ni Manang sakin..

"Y-Yes po?"

"Yung Mommy mo.." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na animo'y lalabas na sya ng katawan ko.. Hinawakan naman ni Mr.Lee ang kamay ko

"Ako na pong magpapaliwanag sa Mommy nya" Tinitigan ko si Mr.Lee.. Para bang siguradong sigurado sya sa ginagawa nya... Ano ba talagang plano nya?

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now