SVT DINO IMAGINE 02 (11)

145 9 0
                                    

#2

Dino's POV

Katatapos lang ng klase ko sa kabilang school kaya naman nag decide akong puntahan si Y/N.. Ang sabi sa akin ng Mommy ni Y/N ay dito sa Fruxcy University nagte take ng summer class si Y/N.. Isa ang Fruxcy University sa pinakasikat na University sa lahat..
Kung hindi ako nagkakamali ay Volleyball Practice nya sa mga oras na to.. Yun ang pagkakatanda ko ng schedule nya.. Hapon na din kasi.. Teka.. Bakit nga ba hinahanap ko sya? Tama iche check ko lang sya..

"Y/N pasa dito!" Nakita ko si Y/N na seryosong naglalaro.. Kung titignan ay parang wala syang dinadala na problema.. Mukha kasi syang masaya. Pero dahil sa nangyari kagabi ay kumbinsido akong yun ang tunay nyang nararamdaman.. Lahat ng pinapakita nya sa harap ng iba ay peke lang.. Na kailangan nyang magpanggap para sa kagustuhan ng Mommy nya.. Pero bakit nga ba ganun ang mommy nya?

"Break time!" Sabi nung coach nung Volleyball.. Bigla naman syang tumingin sa direksyon ko.. Kanina pa pala nya ako nakikita na nakatayo.. Lumapit sya sa direksyon ko at nagtanong "Who are you?"

"Ahh.. Hi.. Tutor ako ni Y/N.. Gusto ko lang i check kung kamusta na sya"

"Why nagkasakit ba sya?" Halata sa tono nya ang pagaalala..

"No.. Uhmm.. Ano.. Okay lang sya.. Uhmm.. Pwede ko ba syang makausap"

"Hmm.. Okay wait.. MVP Y/N nandito yung tutor mo.." MVP? So shes the MVP on this Volleybal team.. Napaka talented naman talaga nya.. Nakita ko si Y/N naglakad papunta sa direksyon namin.. Umalis naman yung coach at bumalik sa iba pang nagpa practice..

"Hmm.. Sir Dino? Bakit po kayo nandito? Mamaya pa naman klase natin di ba?"

"Yeah.. Gusto lang kita kamustahin? So kamusta ka? Napadaan lang din naman ako dito kaya gusto na din kitang kamustahin.."

"Hmm..Okay lang po naman ako.. Thank you po" Ngumiti sya ng malawak..

"Sigurado ka?" Nagaalala kong tanong sa kanya..

"Kailangan ko na pong bumalik sa practice.. Sige po kita na lang tayo mamaya" Nag bow sya saka tumalikod mula sakin at bumalik sa paglalaro.. Aalis na sana ako ng mapansin ko ang pasa sa may binti nya.. Hindi ba sya nasasaktan? O nasasaktan sya pero hindi nya lang pinapahalata?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nasa tapat na ako ng mansion nila Y/N.. Bakit kailangan nya pang magpanggap na ayos lang ang lahat kung hindi naman talaga? I feel bad for her..

"Mr.Lee kanina pa po kayo hinihintay ni Lady Y/N" Tumango ako sa sinabi nung sumalubong sakin na matanda.. Sumunod naman ako sa kanya papunta sa kwarto ni Y/N.. Hindi pa man din ako nakakapasok pero naririnig ko ang sigaw ng Mommy nya mula dito sa labas

"98?! What the heck Y/N?! Nagbubulakbol ka ba? Why you can't get a 100?!" Napakurap ako ng ilang beses sa naririnig ko.. 98 is not a bad grade. It's almost perfect.. Hindi ba masaya ang Mommy nya sa ganun?

"M-Mommy a-ako naman po ang highest s--"

"I don't care if you are the highest or not.. The thing here is you only got 98 on your physics.." Narinig ko ang malakas na sampal kaya napatakip ako ng bibig... Gusto ko silang lapitan pero paano..

"Usual ng nangyayari dito yan.. Gusto man naming pigilan si Madam saktan si Lady Y/N pero hindi namin magawa.. Natatakot kami na baka matanggalan kami ng trabaho.. Lagi nyang sinasaktan si Lady Y/N kahit sa ganung kaliit na rason.. Naaawa na kami sa kanya pero wala kaming magawa.."

Napatahimik ako sa kwento ni Manang kanina.. Lalo tuloy akong nakaramdam ng awa para kay Y/N.. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Y/N at nakita ang mommy nito. Agad akong yumuko bilang pag galang

"Magandang gabi po" Nilagpasan na lang ako bigla ng Mommy ni Y/N kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto..

"Y/N.." Nakita ko ang mabilis nyang pagpunas ng luha nya sa mga mata nya at agad syang ngumiti

"Mr.Lee ikaw pala" Nakangiti sya pero ang mga mata nya ay hindi marunong magsinungaling...

"Wag ka ng ngumiti.. Halata naman na malungkot ka.. Narinig ko rin ang lahat mula sa labas" Narinig ko ang pagbuntong hininga nya..

"Pasensya na Mr.Lee.. Pero ready na po akong makinig sayo.. Mag start ka ng magturo.." Kinuha nya ang bag nya at kinuha sa loob ang libro nya para sa one on one class namin

"Hmm.. Sigurado ka bang kaya mong makasunod sa lesson natin ngayon? I mean pweden--"

"Mas lalo lang magagalit si Mommy kapag pinagpaliban ang klase.. Don't worry Mr.Lee I'm okay.. Let's Go.." Nauna naman syang umupo sa study table..

Wala na din akong nagawa kundi ang turuan sya.. Mabilis syang maka pick up ng lesson kaya hindi sya mahirap turuan.. I already teach her 4 lessons.. Tahimik lang syang nagte take down notes sa mga sinasabi kong key words..

"Naiintindihan mo ba?" Tanong ko.. Dahan dahan syang tumango..

"Yes po.. I get it.. Ire review ko din naman toh later bago matulog para lagi ko syang maalala" Nakita ko ang paghikab nya.. Halata ang pagod sa mukha nya..

"Do you want to rest? Pwede naman nating i continue ang class tomorrow and naka 4 lesson naman tayo eh.."

"No Sir Lee It's okay.. Let's continue"

"Pagod ka na.." Nakita ko naman na pagbuntong hininga nya

"Matagal na akong pagod Mr.Lee pero wala naman akong choice kaya.. Magsimula na tayo.."

Nagpatuloy na lang ako ulit sa pagtuturo sa kanya... Nakikita kong pumipikit pikit na ang mga mata nya halatang inaantok na sya.. Isang oras lang ang klase namin pero parang sobrang haba ng oras ng naging lesson namin o dahil na din sa mabilis lang talaga syang matuto at nakakarami kami ng lesson..

"Naintindihan mo ba an---" Napahinto ako ng makita na nakapikit na sya at mahimbing na natutulog. Bakas sa mukha nya na pagod sya. Napangiti na lang ako at napatitig sa kanya. Maamo ang mukha nya at napaka kalmado pero sa likod nito ay sakit at hinanakit na nararamdaman nya dahil sa sobrang higpit ng mommy nya. Kung pwede ko lang syang tulungan.. Kung pwede ko lang syang maipagtanggol.. Pero paano? Paano ko nga ba sya matutulungan sa katayuan kong to?

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now