SVT DOKYEOM IMAGINE 02 (8)

150 11 0
                                    

#6 

Your POV

"Y/N hindi ka ba papasok?" Tanong ni Mama dahil napansin nyang hindi pa din ako natayo sa higaan.

"Masama po pakiramdam ko.."

"Sigurado ka ba?"

"Opo.."

"Hmm..Sige magsabi ka lang kung may kailangan ka ah.." Hindi na lang ako sumagot at nagtalukbong na lang ng kumot. Magiging bulong bulungan lang ako sa school ngayon. Siguro papalipasin ko muna ng ilang araw bago ako ulit pumasok. Umupo ako sa kama at kinuha ang bag ko. Siguro lilibangin ko na lang ang maghapon ko sa pagbabasa ng libro katulad ng ginagawa ko lagi. Muling bumukas ang pinto at sumilip si Mama

"Y/N may bisita ka.."

"Hmm?" Sigurado akong si Dokyeom yan. "Pakisabi po na tulog pa ako at nilalagnat" Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa librong hawak ko.

"Y/N.." Napalingon naman ako sa nagsalita. Nakatayo si Dokyeom at bakas sa itsura nya ang pagaalala.

"Bakit ka nandito?"

"Tungkol kahapon gusto ko sanang mag sorry.. "

"Hmm.. Alam kong gusto mo lang akong tulungan at nagpapasalamat ako dun pero.." Yumuko ako at tumingin sa librong hawak ko "Hindi na mababago ang tingin nila sakin."

"May pag asa pa Y/N.. Dali maligo ka na at mag bihis papasok ka ngayon" Muling sumigla ang tono ng boses nya.. Ang boses na nagpapahiwatig na meron pa talagang pag asa. Pero natatakot ako.. Masyadong positibo ang pagkatao nya kaya padalos dalos ang nagiging desisyon nya

"Siguro next week na ako papasok" Bigla naman syang lumapit at hinawakan ang kamay ko.

"Dali na.. Pumasok ka na ngayon please? Akong bahala sayo"

Sa huli ay napapayag na lang ako sa gusto ni Dokyeom at pumasok ng School. Naglalakad kami habang nagke kwento sya sa mga na miss kong lesson kahapon. Nang makarating kami sa tapat ng campus ay bigla akong kinabahan. Nasanay na ako sa bulungan nila sakin. Pero hindi ko mawari bakit kinakabahan ako ng ganito. Naramdaman ko na may biglang humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa katabi ko.

"Ang lamig ng kamay mo.. Ayos ka lang? Wag kang kabahan nandito lang ako.. Ako ang bahala sayo" Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko. Nadala din ako sa pag ngiti nya kaya naman unti unting kumalma ang tibok ng puso ko

Muli kaming naglakad papasok ng Campus. Wala ng masyadong estudyante sa paligid. Time na rin kasi ng first subject at siguradong late na kami ni Dokyeom. Nang makarating kami sa classroom ay nakita naming nagtuturo na ang first subject namin

"Wag na tayong tumuloy nagdidiscuss na yung teacher oh" Tinuro ko gamit ng nguso si Mr.Seo. Medyo strict kasi sya kaya parang nakakatakot na ma disturb klase nya

"It's better to be late than to be absent kaya tara na!" hinila na nya ako papasok ng classroom. "Good Morning Sir! Good Morning Classmates! Sorry we're late!" Yumuko sya kaya napayuko na din ako

"Pumasok na kayo and next time wag na kayong magpapa late. Maliwanag?" Sabay kaming tumango ni Dokyeom at naglakad sa mga seat namin.

"Good morning Y/N!" Napalingon naman ako sa bumati sakin. Si Julian. Ito ang unang beses na binati nya ako.. Nakakapagtaka naman..

"G-Good morning din" Medyo taranta kong sagot sa kanya..

Mabilis lang namang lumipas ang first period at sa wakas lunch break na din. Inayos ko na ang mga gamit ko. Balak kong sa rooftop mag lunch para makapag pahangin.

"Y/N!" Biglang may kumatok ng mesa ko kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Hmm? Dokyeom ikaw pala" Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Hi Y/N! Gusto mo bang mag lunch kasama namin?" Napatingin naman ako sa biglang umakbay kay Dokyeom.. Si Julian.. Pero tama ba ang narinig ko? Niyayaya nya akong kumain?

"A-Ah.. H-Hindi na.. Salamat.." Kinuha ko ang bag ko at handa na sana maglakad palabas ng biglang hawakan ni Dokyeom ang kamay ko

"Ey.. Dali kain tayo sa cafeteria.." Malawak syang ngumiti sakin.. Pag nakikita ko ang mga ngiting yun ay bigla akong nakakaramdam ng pagkapanatag na parang walang mangyayari na masama. Dahan dahan na lang akong napatango. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko "Nandito lang ako okay?" Tumango na lang ako at ngumiti pabalik sa kanya..

Bawat hakbang papalapit sa cafeteria ang sya ring lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko anumang oras ay lalabas na ng katawan ko ang puso ko.

"Hey wag ka masyadong kabahan nandito lang ako" Medyo kumalma ng konti ang puso ko dahil sa sinabi ni Dokyeom. Nang makapasok kami sa loob ng Cafeteria ay biglang nagtinginan ang mga tao. Ine expect ko na magbubulungan na sila.

Pero mali ako..

"Hi Y/N!" Bati ng isang babaeng nakaupo sa may bandang pintuan kung nasan kami naroroon ngayon

"H-Hello" Balik kong bati sa kanya

"Gusto mo?" Bigla nyang inalok ang fries na hawak nya. Napakurap ako ng ilang beses sabay dahan dahang tumango at kumuha ng fries.

"Hi Y/N!" Bati naman ng isang kumpol ng magkakaibigan na papalabas ng cafeteria. Napatingin naman ako kay Dokyeom na ngiting ngiti sa mga oras na to. Hindi kaya kagagawan nya ito?

"Tara na Y/N.." Yaya ni Dokyeom. Tumango ako at sumunod sa kanya. Nakarating kami sa isang table na may nakaupo na mga classmates din namin

"Dito na kayo maupo" Umupo na sila Dokyeom pero ako ay nanatili lang na nakatayo.

"Uy Y/N upo ka na" Pinagpag ni Dokyeom ang katabi nyang upuan at inalalayan akong maupo.

"Y/N gusto mo nitong nachos?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Kim. Isa sya sa mga matalino at mabait sa klase pero isa din syang takot sakin kaya nakakapagtakang inaalok nya ako ng pagkain nya. Tumango na lang ako at kumuha ng isang nachos.

"Y/N anong gusto mong kainin? Dali libre ko" Napalingon ako kay Dokyeom na ngiting ngiti.

"A-Ano..Kahit ano" Nakayuko kong tugon sa kanya. Tumango sya at tumayo sa upuan nya.

"Teka iiwan mo ko?.. Sandali sasama na lang ako" Natatakot ako na baka may mangyari kung wala sya sa tabi ko

"Ey.. Magiging ok lang ang lahat kaya Calm down okay?" Ginulo nya ng kaunti ang buhok ko saka sya naglakad papunta sa may counter ng cafeteria

"Y/N!" Naagaw ang atensyon ko sa tawag ng isa sa mga tao na nasa table

"Gusto mo bang kumain sa labas kasama namin?" Nanatili akong tulala.

"A-Ano..Kasi.." Nag aalangan akong sumagot.

"Isasama naman namin si Dokyeom.. So sama ka na?" Napakurap ako ng ilang beses.

"S-Sige.." Tipid akong ngumiti. Ayokong ipahalata na sobrang saya ko. Ang yayain ng isang kaibigan sa galaan ang isa sa mga pangarap ko.

"Y/N andito na ako.." Nakita ko ang mga hawak nyang pizza at burger pati mga juice kaya agad ko naman syang tinulungan

"Sabi ko kasi sayo samahan na kita eh"

"Ano ka ba.. Parang yan lang eh.. Kaya ko kayang magbuhat ng maraming sako ng bigas" Bigla naman akong natawa sa sinabi nya. Teka...

TUMAWA AKO?! N-NAPATAWA NYA AKO? ITO ANG UNANG BESES NA TUMAWA AKO!

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now