SVT MINGYU IMAGINE 02 (10)

116 6 0
                                    

#12

Nagising ako mula sa mahimbing na tulog.. Ano bang nangyari kagabi? Ang sakit ng ulo ko.. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid..

"Mingyu? Mingyu nasaan ka?" Sinilip ko ang bawat sulok ng apartment ko.. Nasaan kaya sya? Lumabas kaya sya?

Umupo ako sa sofa para magpahinga.. Kahit anino ni Mingyu wala akong makita.. Napahawak ako sa labi ko at pilit inalala ang nangyari kagabi... Teka.. Umalis na ba sya? Nagalit ba sya? Ano ba talagang nararamdaman nya? Naagaw ang atensyon ko sa isang katok na galing sa pinto.. Una at pangalawang katok ay hindi ko pinansin pero sa pangatlo ay sumagot na ako

"Sino yan?"

"Ang gwapo mong pinsan!" Napa ismid naman ako sa narinig ko.. Tumayo ako sa sofa at naglakad palapit ng pinto saka binuksan..

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hala bakit ang sungit mo? Pinapunta lang ako ni Tita dito kasi aalis daw sya ngayon.. Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita sinusungitan mo pa ako" Napataas naman ako ng kilay ko..

"Nagkita tayo nung nakaraan di ba?"

"Yieee.. Ikaw ah lagi mo siguro akong iniisip kaya kung saan saan mo ako nakikita" Mas lalo ko syang pinaningkitan ng mata dahil sa mga sinasabi nya

"Pinagti tripan mo ba ako?"

"Hoy last year yata tayo huling nagkita.. Hampasin kita ng basket dyan"

"Napaka brutal mo talaga.. Pero teka.. Last year? Pero last week lang umamin ka pa nga sakin ng gusto mo ko.." Napataas naman sya ng kilay sa sinabi ko..

"Naga adik ka na ba ngayon Y/N?" Seryoso nyang tanong sakin.. Pero nung nakaraan naman talaga sinabi nya na gusto nya ako.. Di ba?

"Hoy tigil tigilan mo pag mamaang maangan dyan.."

"Oo inaamin kong nagka crush ako sayo noon pero hanggang dun lang noh.. Pero kanino mo yan nalaman?"

"Kay Kath!"

"Naguusap kayo ni Kath?"

"Oo nung nakar-- Teka.. Wala ka ba talagang maalala na nagkita tayo nung isang araw lang?" Alam kong nagkita kami nung nakaraan... NAg confess sya sakin.. Malinaw ang lahat ng yun sakin pero bakit parang wala yata syang maalala?

"Isusumbong kita kay Tita nagha hallucinate ka na ah" Teka anong nangyayari? Pinagti tripan ba ako ng mokong na toh o meron talagang nangyayaring kakaiba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Eto na siguro yun.." Bulong ko sa sarili ko ng matapat sa isang apartment house.. Sa pagkaka search ko ito ang apartment ni Mingyu..

Sana tama ang kutob ko.. Sana bumalik na ang lahat sa dati..

"Ano kayang floor sya?" Muli kong tanong sa sarili ko..

"Arf! Arf!" Napababa naman ang tingin ko sa tuta na nasa paanan ko.. Puting poodle sya..

"Ang cute mo naman.." Napatingin naman ako sa collar na suot nya at nakita ang pangalan ko na naka engrave.. Pangalan ko? Teka pangalan ko?

"Y/N!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na narinig ko.. Hindi ako nagkakamali.. Sya nga.. Si Mingyu..

"Min--"

"Y/N kanina pa kita hinahanap.. Salamat Miss" Ngumiti naman sya sakin.. Inabot ko ang tuta na hawak ko sa kanya.. Tulala lang ako sa kanya.. Ibig sabihin bumalik na nga ang lahat sa dati?

"Uhmm.. Pwede ba akong magtanong?"

"Hmm.. Sure ano ba yun?"

"Anong pangalan mo?"

"Miss masyado kang halata na interesado ka sakin pero sige sasabihin ko pa din.. Mingyu ang pangalan ko.. Kim Mingyu" Mingyu.. Sya nga.. Pero hindi nya na ba ako naaalala?

"G-Ganun ba.. Ang cute ng tuta mo.."

"Yeah.. Kasing cute ng kapangalan nya.." Malawak syang ngumiti habang nakatitig sa tutang hawak nya

"Kapangalan?" Sabagay.. Hindi lang naman siguro ako ang may pangalang Y/N sa buong mundo di ba?

"Oo.. Kaya Y/N pangalan nya kasi cute yung kapangalan nya.."

"Hmm.. Siguro nga cute.. Sige aalis na ako.. Salamat sa oras" Nag bow ako sabay tumalikod.. Bumalik na nga ang lahat sa dati.. Normal na sya.. Naging Normal na nga ang lahat.. Tanging nararamdaman ko lang ang hindi bumalik sa normal dahil sya pa din ang tinitibok ng puso ko..

"Y/N!" Napailing ako ng ulo ko.. Yung tuta siguro yung tinatawag nya.. Kasing kulit nya nung naging tuta din sya..

Napahinto ako sa biglang humawak ng kamay ko.. Agad akong lumingon at hinarap ang taong humawak sa kamay ko

"Hmm?"

"Kanina pa kita tinatawag.."

"A-Ako? Teka.. Paano mo nalaman na Y/N pangalan ko?"

"Dahil ikaw ang tinutukoy ko na kapangalan ng tuta ko.."

"M-Mingyu.. Ibig bang sabihi--" Imbes na sagutin nya ako ay bigla na lang nya akong hinila at niyakap

"Akala ko nagkamali yung matanda sa sinabi nya na hahanapin mo ko.."

"Hindi nawala ang ala ala mo?" Humiwalay sya sa yakap at hinawakan ang mga kamay ko..

"Hmm.. Hindi.. Nagising ako na nasa ospital ako.. Kahit ako nagulat sa nangyari.. Nakita ko yung matanda na pinuntahan natin sa bundok sa loob ng kwarto ko.. Ang sabi nya kailangan kong maghintay sayo para tumigil ng tuluyan ang curse sakin yun ang huling bagay na makakatanggal ng curse.. Sinabi naman nyang hahanapin mo ko pero walang kasiguraduhan na magkikita per---" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya at hinila ang collar nya para halikan.. Ito ang pangalawang beses na hinalikan ko sya.. Humiwalay ako at ngumiti sa kanya..

"Akala ko hindi na tayo magkikita.."

"Kapag ang dalawang tao ay itinadhana sa isa't isa pagtatagpuin at pagtatagpuin sila ng tadhana" Ngumiti ako sa kanya

"Ibig sabihin ba.. Ikaw ang itinadhana sakin?" Bigla naman syang lumapit sakin at ngumiti

"Hmm.. Maybe?"

"Maybe? Bakit naman Maybe lang?" Bigla naman nyang binitawan ang kamay ko

"Hindi ako sigurado kung anong nararamdaman mo"

"Hindi naman siguro ako maglalaan ng oras para hanapin ka kung hindi kita mahal di ba?"

"Kung sabihin kong gusto ko ng magpakasal sayo papayag ka?"

"Bakit naman hindi? Kahit siguro bukas na ang kasal papayag ako"

"So Oo ang sagot mo?"

"Saan?"

"Na papakasalan mo ko.."

"Oo nga.." Bigla naman syang ngumiti at may kinuha sa bulsa nya ang.. Singsing.. T-Tea Singsing?

"Sabi mo yan ah.." Bigla na lang nyang hinawakan ang kamay ko at isinuot ang singsing na hawak nya.. Muli syang lumapit at binigyan ako ng isang matamis na halik.. Ito ang unang beses na sya ang naunang humalik sakin.. Marahan ko syang tinulak saka yumakap sa kanya..

"Mahal kita.."

"Mahal din kita.." Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawala bago muli ako bigyan ng isang matamis na halik na tinanggap ko ng buo.. Katulad ng pagtanggap ko sa kanya sa pagpasok nya sa buhay ko..

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now