SVT JEONGHAN IMAGINE 02 (12)

105 7 0
                                    

#10

Seokmin's POV

"Ready to leave?" Tanong ko kay Jeonghan na busy sa pagkalikot ng phone nya..

"Yeah.. Baka ma late pa tayo magagalit na naman sakin yung Manager ko.."

"Bakit kasi ayaw mo na lang isabay yun kapag papunta?"

"Ayokong naririnig sermon nya naiirita ako.." Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula ng mag drive.. Isang linggo na rin na tuloy tuloy na taping ni Jeonghan.. Hindi pa sya umuuwi sa bahay.. Kamusta na kaya si Y/N?

"Ilang araw ng tuloy tuloy ang taping mo.. Hindi ka ba muna mag take ng break kahit isang araw lang?" tumingin naman ako na rear view mirror.. Nakita kong nakatingin din si Jeonghan at nakangisi sakin

"Bakit? Miss mo na ba si Y/N?" Tanong na nakapagpahinto sakin.. Hindi ko sya gusto.. Pero.. Nang una ko syang makita bigla na lang naging weird ang tibok ng puso ko.. Siguro dahil nakita ko bigla sa kanya si Stacey... Ang kapatid ni Jeonghan at ang first love ko..

"H-Hindi ah.. Medyo lang.. Dahil kaibigan ko sya.."

"Kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa kanya? Wag na tayong maglokohan alam kong nakikita mo sa kanya ang kapatid ko.." huminga ako ng malalim at ibinalik ang atensyon sa daan...

"Iba pa rin si Stacey.. Sya pa din ang espesyal na babae sa buhay ko.."

"Y/N and Stacey is not different from each other.. Actually mula habits and personalities they are the same.."

"So sinasabi mo na--"

"I see Stacey on her that's why I'm treating her like a special one.." napakagat ako ng pang ibabang labi..

"But what if.. She feels not the same way.."

"What do you mean?" Halata sa boses nya ang pagtataka

"Paano kung gusto ka nya.. More than a brother?"

"You mean.. A man?" I nod.. I heard him took a deep sigh.. "Then I will be honest to her.. It's the best way I can do.."

Nanahimik na lang ako sa sagot nya.. Hindi ko alam pero nasasaktan ako para kay Y/N.. Oo noong una naging crush ko sya dahil na rin siguro sa dahilang may hawig sila ni Stacey pero habang tumatagal nakikita ko sya bilang sya.. Bilang si Y/N at nahuhulog na din ako sa pagiging sya.. Pero..

/Flashback/

"Seokmin!" napalingon naman ako sa biglang tumawag ng pangalan ko..

"Hmm? Y/N ikaw pala.. Bakit?"

"Ano kasi... Si Jeonghan ba ilang araw ba syang hindi makakauwi next week?" Tanong nya..

"Hindi ko sigurado pero sabi nya itutuloy tuloy nya ang taping para matapos agad ang drama so less than 2-3 weeks.."

"I see.."

"Bakit Nami miss mo na ba sya?" biro ko na nakapagpahinto naman sa kanya...

"Seokmin may aaminin sana ako sayo pero.. Sa atin muna to ah.." mabagal akong tumango at ngumiti sa kanya

"Sure ano ba yun?"

"Ano kasi.. Nagugustuhan ko na sya.. Nagugustuhan ko na si Jeonghan.. Pero alam kong hindi pwede dahil nakikita nya lang ako bilang ibang tao.. Bilang kapatid nya.."

"Y/N.. Hindi ko alam ipapayo sayo pero kung ano mang nararamdaman mo sa ngayon subukan mong mawala natatakot akong baka masaktan ka lang sa huli.."

"Alam ko.. kaya nga nag iisip na ako ng plano.."

"Plano?"

"Na makaalis na dito.. Pagbalik nya magpapaalam na akong aalis na ako dito sa bahay nya.."

"Bakit?"

"Huminto na naman ang mga usap usapan siguro pwede na naman akong umalis tutal yun lang naman talaga ang dahilan bakit ako nandito di ba..?"

"Gusto mo bang sabihin ko na lang sa kanya?"

"No.. Gusto kong ako mismo magpaalam sa kanya.."

"Hmm.. Okay.. Susubukan kong sabihin na bilisan nya na lang sa taping nya" Ginulo ko ang buhok nya saka naglakad palabas ng bahay dala ang mga damit na pinakuha sakin ni Jeonghan..

Anong gagawin ko? Matutulungan ko ba sya?

/End of Flashback/

"Jeonghan"

"Bakit?"

"May..Uhmm.." Hininto ko ang sasakyan sa isang tabi at tumingin sa kanya..

"May sasabihin ka ba? Mukhang mahalaga.."

"Pwede bang umuwi ka muna ngayon? Magpahinga.."

"Yieee.. Nagaalala sakin ang kaibigan ko ang sweet.. Pero gusto ko ng matapos ton--"

"Ngayon lang.. Isang araw lang.." pag pupumilit ko pa..

"Bakit ba?" Hindi ko sya sinagot at pinaandar na ulit ang sasakyan... Mabilis lang naman kaming nakarating sa bahay..

"Ako ng magbababa sa mga gamit mo pasok ka na sa loob"

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan mo pero fine wala na din akong magagawa nandito na tayo.. Kapag nagalit si Manager ikaw sisihin ko" Bumaba na sya sa sasakyan at naiwan ako sa loob ng sasakyan..

Tama naman ang ginawa kong desisyon di ba?

Your POV

Tahimik akong nakaupo sa sofa habang nakatitig sa bilog na buwan..

"Anong ginagawa mo?" Dahil sa gulat ko ay bigla na lang akong nahulog sa upuan.. Narinig ko naman na bigla syang tumawa.. Imbes na tulungan ako tinawanan ako.. Tumayo na ako at tumingin sa kanya..

"Akala ko matagal ka pang uuwi"

"Ewan ko.. Si Seokmin sabi nya umuwi muna ako kaya naman nandito ako.."

"Ahh.. May sinabi ba sya sayo?"

"Na alin?" huminga ako ng malalim at tumitig sa kanya

"Ano.. Kasi.."

"Kaya ba dinala ako ni Seokmin dito dahil may sasabihin ka?"

"Wala talaga syang sinabi sayo?"

"Wala nga... Bakit ikaw ba merong sasabihin??"

"Actually.. Meron.."

"Go..Spill it" Umupo sya sa kama at tumitig sa direksyon ko.. Umupo naman ako sa sofa katapat ng bintana kung saan ako nakaupo kanina

"Di ba ang rason lang naman kung bakit ako nandito ay dahil sa ginawa ko?"

"Bakit? Anong meron? Diretsahin mo ko para makatulog na ako" tumingin ako sa kanya habang kagat ang pang ibabang labi ko..

"Aalis na ako.." Bigla namang kumunot ang noo nya sa sinabi ko

"Why? Sinasaktan ka ba ng mga maid dito? May gusto ka bang ipabili?"

"No..Mababait naman silang lahat.. Tsaka wala akong gustong ipabili noh... Gusto ko na kasing bumalik.."

"Why?"

"Makulit ka ba o hindi makaintindi? Sabi ko gusto ko ng bumalik sa bahay.. Di ba wala na naman yung issue? Wala ng mga reporters o kung sino pa.. Pwede na naman akong umuwi.. Di ba?"

"Is that the real reason why you want to left me?" Tumayo sya sa kama at biglang lumapit sa direksyon ko

"O-Oo.. Yun lang ang rason.. Nakapag impake na ako at--" Bigla na lang akong nagulat ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit..

"Please don't leave me again..."

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜



SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now