SVT MINGYU IMAGINE 02 (10)

117 10 0
                                    

#8

Wala kaming choice kundi ang puntahan ang matanda na nasa tuktok ng bundok.. Pagod na ako at tanging tinapay lang ang baon namin ni Mingyu.. Bakit ba kasi mas pinipili ng mga taong mamuhay sa ganitong bundok..

"Pagod na ako" Pinunasan ko ang pawis na nasa noo ko at umupo sa isang bato saka uminom ng tubig.. "Sinong matinong tao ang magtatayo ng bahay sa taas ng bundok" Angal ko.. Tumayo ulit ako at nagsimulang umakyat..

"Arf! Arf!" Napatingin ako kay Mingyu na naglalakad din kasama ko..

Maya't maya ang pag inom ko ng tubig habang umaakyat ako.. Hapon na at palubog na ang araw ng makarating kami sa tuktok... Nakakapagod ang pag akyat pero atleast worth it dahil maganda din ang tanawin dito sa taas..

"Mingyu picture!" kinuha ko ang phone ko at binuhat si Mingyu at nag picture.

Ilang beses kaming nagpicture picture muna ni Mingyu sa tuktok dahil ang ganda naman talaga ng scenery lalo na at palubog na ang araw.. Umupo ako katabi si Mingyu at nakatingin sa araw na papalubog na ganun din naman ang ginawa nya.. Nasa tabi ko sya at nakatingin din sa papalubog na araw.. Kung tao lang siguro si Mingyu muka kamin-- Teka ano ba tong iniisip mo Y/N.. May gusto ka ba kay Mingyu? Wala di ba? Wala..

"Sino ka?" Napalingon ako sa nagsalita.. Matandang babae na siguro nasa 70 or 80's na... Medyo nakakatakot ang itsura nya parang anumang oras ay parang handa nya akong patayin sa titig nya..

"A-Ako po si Y/N" tumayo ako at humarap sa matanda..

"Anong ginagawa mo dito?"

"Arf! Arf!" Napababa ang tingin ng matanda kung nasaan si Mingyu.. Bigla naman itong ngumiti at ibinalik ang tingin sakin..

"Mukhang alam ko na kung anong ginagawa nyo dito.. Sundan nyo ako" Napatango naman ako dahil mukang alam nya talaga ang ipinunta namin ni Mingyu..

"Alam nyo na po ba ang dahilan kung bakit kami nandito?" Tanong ko ng makaupo kami sa isang upuan katapat ng isang maliit na mesa.. Ipinatong ko naman si Mingyu sa ibabaw ng mesa para makita ng matanda si Mingyu

"Si Kath.. Sya ang may gawa sa kanya nyan hindi ba?" Dahan dahan akong tumango.. Sa tingin ko nakita na namin ang dapat naming makita

"Opo sya nga po.. Gusto ko po syang tulungan na makabalik sa dati ano po bang paraan?" Ngumiti ang matanda at tumingin kay Mingyu

"Isang tunay na halik sa taong nagmamahal sa kanya ng totoo" Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi nya

"True loves kiss.. Parang sa mga fairytales" Bulong ko sa sarili ko

"Pero pwede nya lang halikan ang babae sa oras na tao sya"

"Teka... W-Wala na po bang ibang paraan?"

"Wala na.."

"Wala po bang gamot o kahit na anong pwedeng gawin para lang makabalik sya sa dati?"

"Sinabi ko na ang gamot na makakapagpabalik sa kanya.. Makakaalis na kayo" Kumuha naman sya ng stick saka mahinang hinampas ang balikat ko.. Tumango na lang ako at lumabas na sa bahay na pinasok namin.. Medyo di ko gusto ang itsura nung matanda nakakatakotdin kasi kaya ayoko ng magtagal..

Tumingin ako kay Mingyu na mukang hopeless na din.. Naaawa ako sa kanya paano kung di na sya makabalik sa dati..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Gutom na ako" reklamo ko habang naghihintay sa tren na sasakyan namin pabalik.. 1 AM na din kasi at wala akong kain ng hapunan.. Mabuti na lang 24 hours ang tren..

"Pasensya na tsaka salamat" Napalingon naman ako kay Mingyu na nakapikit.. Mukhang pagod sya..

"Tulog ka ba?"

"Hindi inaantok lang.."

"Sabagay gising ka kasi kanina tapos umakya--"

"Y/N.." Napatitig naman ako sa kanya.. Bakit ganito ang bilis ng tibok na puso ko..

"B-Bakit?"

"Wala na yata talagang pag asang bumalik ako sa dati.."

"Ey wag mo nga sabihin yan.. babalik ka sa dati tiwala lang okay?"

"Salamat.." ngumiti sya at ginulo ang buhok ko.. Ito na naman ang puso ko ang bilis na naman ng tibok

"Magpahinga ka na gigisingin kita pag dating ng tren.. Sandal ka sa balikat ko" hinawakan nya ang ulo ko at isinandal sa balikat nya.. Ramdam ko na naman ang puso ko na sobrang bilis ng tibok.. Naramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko at unti unti akong nakatulog..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa balikat ko.. Pagdilat ko ay nakita ko si Mingyu na inaayos na ang mga gamit namin..

"Y/N baba tayo agad sa pinaka malapit na babaan 3:00 AM na din kasi"

"Sige sige.." Tumango lang ako bilang sagot.. Nalulungkot ako dahil sa sitwasyon nya.. Ramdam kong gusto nya lang din mamuhay ulit ng normal.. Minsan talaga pahamak ang love na yan..

"Sakay na tayo.." Hinawakan ni Mingyu ang kamay ko at inalalayan sa pagsakay ng Tren.. Nakaupo naman kami agad since wala din naman masyadong nakasakay madaling araw naman kasi.. Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at unti unti ulit akong nakatulog..

**********************************************

"Y/N mahal kita" hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.. Ang mga salitang yun.. Yun ang gusto kong marinig mula sa kanya..

"Mingyu mahal din ki--"

"Paano ako Mingyu.. Akala ko ba mahal mo ako?" Nakita kong papalapit si Kath sa direksyon namin ni Mingyu.. Napalingon ako kay Mingyu na unti unting binibitawan ang kamay ko

"I'm sorry Y/N.." Yumuko sya at tuluyan ng binitawan ang kamay ko.. Naramdaman ko na lang na may biglang tumakip sa mga mata ko at iniharap ako sa direksyon nya..

"I'm here for you.. I love you" Boses ni Wonwoo.. Tinanggal ko ang kamay na nakatakip sa mata ko at lumingon sa direksyon ni Mingyu.. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng lumabas ng makita ko si Mingyu na hinahalikan si Kath.. Narinig ko ang paglingon ni Kath sa direksyon ko at ngumiti ng nakakatakot..

"Mingyu.."

"Y/N.. Y/N!"

*******************************************************

"Y/N.. Y/N.. Bababa na tayo" Agad akong napabukas ng mata ng maramdaman ko ang isang tapik..

"Hmm.. Baba na tayo agad?"

"4 AM na kasi malapit na magkaroon ng araw.." Tumango na lang ako at tumayo.. Ano bang klaseng panaginip yun..

"Ok ka lang?"

"Hmm... Ayos lang ako"

"Mukhang hindi.. Tignan mo itsura mo mukang problemado tsaka parang nananaginip ka"

"W-Wala wag mo na lang pansinin.. Dala lang ng pagod"

"Hmmm.. Okay.. Tara baba na tayo" Di na lang ako sumagot at naunang lumabas sa kanya ng huminto na ang tren na sinasakyan namin.. Ano ba kasing klaseng panaginip yun.. Bakit parang totoo.. Bakit nasasaktan ako...

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now