SVT MINGYU IMAGINE 02 (10)

167 12 1
                                    

#4

Tahimik akong nag aayos ng mesa ng maagaw ang atensyon ko sa katok galing sa labas ng pinto ko..

"Sandali! Nandyan na!" Naglakad na ako palapit ng pinto..

"Arf! Arf!" Ngumiti ako kay Mingyu

"Mag behave ka lang Mingyu ah"

"Arf! Arf!" Ngumiti ako saka binuksan ang pinto..

"Mama!" Agad kong sinalubong si Mama ng yakap.. Matagal ko na kasi syang di nakikita.. Madalas lang kaming mag usap sa tawag o kaya text kaya Na miss ko sya ng sobra..

"Anak kamusta ka na?" Humiwalay naman na ako sa yakap at ngumiti kay Mama..

"Ayos lang naman po ako.. Pasok ka po Mama"

"Hindi na hinatid ko lang tong pinsan mo dito" Tumingin naman ako kay Wonwoo na busy sa paglalaro sa phone nya.. Kahit kailan hindi na talaga sya nagbago

"Bakit ba kasi kailangan pa bantayan si Wonwoo ang laki na nyan Mama.. Mas matangkad pa nga sakin yan eh"

"Sabi sayo Tita magrereklamo yan eh.. Okay lang naman kasing mag isa ako sa bahay"

"Sige na Y/N alam mo naman tong pinsan mo masyadong matigas ang ulo.. Please?"

"Hay.. Bakit kasi binebaby pa.. Sige na Sige na wala na naman akong magagawa nandito na din kayo.."

"Ikaw na bahala sa pinsan mo ah.."

"Opo Mama!" Hinalikan ako ni Mama sa pisngi saka sya naglakad na palayo si Mama

"Di mo ko papapasukin?"

"Ayoko sana.. Pero baka sabihini ni Mama masyado kitang tinatakwil bilang pinsan kaya.. Pasok na" Nauna akong pumasok at naramdaman ko naman ang pagsunod nya..

"Ang linis ng apartment mo ah"

"Oo kaya wag kang magkakamali na magkalat"

"Arf! Arf!"

"Oh? May alaga ka palang tuta ang cute ah.."

"Oo mas cute pa kesa sayo.."

"Bakit ba ang init ng dugo mo ngayon sakin.. Meron ka ba ngayon?"

"May pasok dapat kasi ako sa trabaho ngayon pero kailangan kong umabsent dahil sayo"

"Pumayag payag ka tapos magrereklamo ka.. Sige aalis na lang ako"

"Subukan mong umalis babatukan kita"

"Ang gulo mo.. Meron ka ba ngayon?"

"Arf! Arf!"

"Ang ingay ng tuta mo tapon ko to eh"

"Subukan mo di ka makakauwi ng buhay" Pinanliitan ko sya ng mata..

"Ang sungit talaga.. Ang cute mo talaga pag nagagalit"

"Ewan ko sayo.." Umupo ako sa sofa at hinilot ang sintido ko.. Siguradong mai stress ako ngayong araw..

"Ano pwedeng kainin?"

"May niluto akong pagkain dyan kumain ka na lang"

"Hindi mo ba ko sasabayan?"

"Hindi na mauna ka na busog pa ako.."

"Okay bahala ka sabi mo eh.." Naglakad na sya papuntang kusina..

"Arf! Arf!" Binuhat ko si Mingyu at nilagay sa lap ko..

"Sumasakit ulo ko sa lalaking yun"

"Arf! Arf!"

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now