SVT DINO IMAGINE 02 (11)

87 8 0
                                    

#3

Your POV

Tahimik akong nakaupo sa upuan habang nagbabasa ng history book ko.. Yun na din kasi ang susunod na subject na ite take ko.. Gusto ko ng magpahinga pero di ko magawa.. Isang katok mula sa pinto ang umagaw ng atensyon ko..

"It's open.." Nakita ko naman ang biglang pagpasok ni Manang sa kwarto ko.. Si Manang ang pinakamatagal na maid dito sa bahay.. She's already here since I was a kid.. Actually minsan mas gusto ko pa sya maging Mommy.. She cares for me.. She teach me simple things that I don't know.. If I will given a chance to choose a Mom I wanted Manang to be my Mom..

"Lady Y/N wala po ang magtuturo sa inyo sa history.." Napatango ako sa sinabi ni Manang siguradong mabubungangaan ni Mommy bukas yung teacher ko na yun.. Sometimes I felt bad for them.. Pati sila nadadamay sa kasungitan ni Mommy.. Nakita ko namang lumabas na ulit si Manang.. Matanda na sya pero hindi nya makuhang umalis dahil sakin.. Masaya ako dahil nandyan lagi si Manang para protektahan ako pero natatakot akong dumating ang araw na umalis na din sya at iwan ako.. I don't know what to do without them by my side..

"Siguro mag a-advance reading na lang muna ako sa history" Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa pagbabasa ng muling pumasok si Manang sa kwarto ko..

"Lady Y/N nandito na po ang Entrep Teacher nyo" Hmm.. Ang aga naman nya pumunta.. Mamaya pa ang klase nya sakin ah?

"Hi Y/N.." Napalingon naman ako sa likod ko kung nasaan ang pinto... Natulala naman ako bigla... Nakasuot lang kasi si Mr.Lee ng fitted na white tshirt at naka pants lang sya.. Madalas ang suot nya kasi ay polo then black slacks kaya bago sa paningin ko ang suot nya. Napansin ko rin na ang gwapo nyang tignan sa suot nya.. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala talaga sya.. Teka A-Ano ba tong iniisip mo Y/N? Teacher mo sya..

"Mr.Lee ikaw po pala.. Maaga pa yata para sa Entrep class ko"

"Hmm.. Absent yung teacher mo sa history di ba?" Dahan dahan akong tumango..Paano nya kaya nalaman?

"Yes absent sya pero mag a-advance read na din ako para kung sakali na mag lesson sya hindi na nya kailangang ituro pa ng sobrang tagal" Medyo boring rin kasing kausap yung teacher ko sa history.. He's to serious on his job or baka natatakot lang din sya kay Mommy

"Eyy.. Maglaro tayo" Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi nya... Maglaro? Nakatitig lang ako sa kanya habang binubuksan nya yung TV at parang may sinaksak na kung ano sa likod. Binasa ko ang box na kinuhanan nya ng mga gamit.. Beatsaber?

"Anong ginagawa mo Mr.Lee?"

"Maglaro tayo.. Ni lock ko ang pinto para hindi malaman ng Mommy mo.. Ang sabi ko kasi mage early lesson ako sayo dahil absent ang history teacher mo.."

"Pero.. Bakit tayo maglalaro?"

"Do you want to feel how to have fun.. Right?"

"Y-Yes but-- Wait.. You lied to my Mom?"

"Parang ganun na nga"

Napakurap na lang ako dahil sa reaksyon nya para bang siguradong sigurado sya sa ginagawa nya.. Bigla namang pumunta sa likod ko si Mr.Lee at may nilagay sa ulo ko

"VR Headset tawag dito.. Masayang laruin toh.. Kapag stress ako eto madalas kong laruin"

"Mr.Lee baka magalit si Mommy kapag--"

"Ey.. Wala tayong klase ngayon kaya Dino na lang ang itawag mo sakin.. Kaibigan mo ko ngayon.. Ayos ba?" Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi nya.. Alam kong magkalapit lang ang edad naming dalawa pero..

"Pero kasi Mr.Lee.."

"Dino nga.."

"But--"

"Ey dali na hawakan mo na toh.." Bigla naman syang may inilagay sa magkabila kong kamay.. "Bubuksan ko na ah.." Dahan dahan na lang akong tumango.. Wala akong magawa makulit sya eh..

"Omo!" Medyo napaatras ako ng lumiwanag yung paligid.. Para akong nasa ibang dimension pero ang cute..

"Ey.. Okay ka lang?" Naramdaman ko ang pag hawak nya sa balikat ko sa likuran ko.. Bakit bigla na lang nag init ang pisngi ko?

"O-Oo.. Medyo nagulat lang ako sa liwanag.." Narinig ko lang syang tumawa ng mahina..

Binigyan nya ako ng instruction sa games saka ako nagsimula. Nung una ay medyo nalilito ako kung paano ba sya laruin pero unti unti ko na rin natutunan kung paano sya laruin at sa totoo lang nage enjoy ako.. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nakangiti lang ako sa buong oras na naglalaro ako.. Ang sarap sa pakiramdam.. Ang sarap maging masaya... Ilang oras din akong naglaro kasama si Dino.. Hindi ko na napansin ang oras.. 10 PM na pala tapos na ang klase ko sa kanya..

"Hala.. Na-miss ko na ang klase mo.. Baka magalit si Mommy.." Pagaalala kong sabi.. Pag nalaman ni Mommy na hindi nagturo si Mr.Lee ngayon siguradong papagalitan sya or much worst tanggalin sya at papalitan.. I feel comfortable with Mr.Lee kaya ayokong mapalitan sya as my Teacher..

"Ayos lang.. Pwede naman nating i take bukas yung lesson na para ngayon.. And nakita ko namang nag enjoy ka sa paglalaro.. Actually ngayon lang kita nakitang tumawa at ngumiti ng totoo" Napangiti naman ako.. Yes.. Bago sa pakiramdam at ang saya.. This is the first time I smile and laugh genuinely..

"Salamat Mr.Lee.. First time kong naramdaman ang maging masaya na ganito.. Thank you talaga.."

"Dino na lang.. Kapag tayong dalawa lang tawagin mo na lang akong Dino.. Okay lang ba? Hindi naman nagkakalayo ang edad natin eh tsaka masyado kasing formal ang Sir..."

"Pero kasi Teacher kita.."

"E di isipin mo na lang na kaibigan mo ako? Or Kapatid.. Ayos ba?" Ginulo nya ulit ang buhok ko saka ngumiti. Ang ngiting nagpatibok sa puso ko ng sobrang bilis na parang hindi ako makahinga.. Napahawak ako sa dibdib ko.. This feeling.. "Ayos ka lang ba? Siguro napagod ka teka kukuha ako ng tubig" Mabilis kong hinawakan ang kamay nya na naging dahilan ng bigla nyang paglingon sakin..

"I don't know but.. I think.. I-I like you"

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now