SVT JEONGHAN IMAGINE 02 (12)

120 8 0
                                    

#8

"Ang boring~~" Pagulong gulong lang ako sa kama at nakatitig sa kisame.. Gusto ko syang kausapin.. Gusto kong itanong sa kanya lahat.. Mula sa nanay nya at kay Alexa pati sa kapatid nya.. Pati din sa dahilan kung bakit mainit ang dugo nya sa pinsan nyang si Joshua.. Pero hindi ako maka tiyempo lagi naman kasi syang may taping ng drama nya at madalas tulog na ako pag nadating sya at tulog pa ako pag umaalis na sya.. Minsan di pa sya umuuwi.. Di ko alam pero.. Nakakramdam ako ng tampo sa mga oras na to..

"Ms.Y/N.." Naagaw ang atensyon ko sa biglang pagkatok sa pinto

"Yes po pasok!" Bigla namang bumukas ang pinto at nakita si Seokmin na nakatayo habang malawak na nakangiti..

"Hello!" nakangiti nyang bati sakin

"Oh? Ikaw pala, Kamusta?"

"Hmm.. Okay lang.. Pinabalik ako ni Mr.Yoon para ibigay sayo toh" bigla naman nyang inilabas ang isang bouquet at iniabot sa akin..

"Para sa akin to?"

"Oo.." Kinuha ko ang bouquet sa kamay nya at ngumiti.. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko.. Bakit kinikilig ako? Alam kong acting lang ang lahat.. Wala kaming relasyon di ba? Pero ang nararamdaman ko sa kanya.. Pakiramdam ko nagiging totoo na at natatakot ako..

"Pakisabi sa kanya salamat.."

"Sabi nya din na uuwi sya ng maaga at mag ayos ka daw may pupuntahan daw po kayo ngayon" nagtataka naman akong tinitigan si Seokmin...

"Saan?"

"Hindi ko din alam eh.. Pero.. I think mahalaga ang pupuntahan dahil ang seryoso nya" Tumango naman ako bilang sagot.. Saan naman kami pupunta mamaya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

5 PM ng matapos akong mag ayos ng sarili ko.. Simple floral pink dress at isang mini bag na papartner sa suot ko.. Naka 1 inch heels din ako para naman di ako kapandak tignan.. Ang lahat ng to ay galing din kay Jeonghan.. Ano bang okasyon? Bakit parang mahalaga yata ang okasyon na pupuntahan namin?

"Ms.Y/N nasa baba na po si Mr.Yoon" napahinga ako ng malalim.. Bakit ako kinakabahan? Bakit parang di ako makahinga.. Kapag naririnig ko ang pangalan nya hindi ko maiwasang mapangiti at maexcite..

"Sige bababa na ako" Sa 2 weeks na dumaan ngayon ko lang ulit sya makikita.. Parang ang buong sistema ko ay lumulundag sa saya.. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan.. Unti unti ko ng nakita si Jeonghan.. Naka white tuxedo sya.. May hawak na bouquet at nakangiti sakin.. Nang makababa ako ay agad akong lumapit sa kanya ganun na lang ang gulat ko ng bigla nya akong yakapin..

"Please stay with me this whole night.. Okay?" Nagtataka ay napatango na lang ako sa sinabi nya.. Agad naman syang humiwalay sa yakap at inabot ang bouquet na hawak nya..

"Mr.Yoon ihahatid ko pa po ba kayo?" tanong ni Seokmin na nakatuxedo din.. Infairness ang gwapo nya.. Mas mukha pa syang mayaman kesa Driver

"No.. Ako ang magda drive.." Tumango naman si Seokmin at inabot kay Jeonghan ang susi na agad tinanggihan din nya.. "Tesla.." sabi ni Jeonghan..

"Pero Mr. Yoon di ba ayaw mon--"

"Y/N is special so give me the key.." Nagtataka kong pinagpalitan ng tingin si Seokmin at Jeonghan.. Nang inabot ni Seokmin ang susi ay marahan na din akong hinila ni Jeonghan palabas at pumunta sa parking lot ng bahay nya.. Tumapat kami sa isang sasakyan na may takip na tela.. Nang tanggalin nya ito ay ganun na lang ang gulat ko.. Halatang mamahalin ang sasakyan.. Walang gasgas at kahit na ano sa katawan.. Parang hindi nagagamit.. Bigla namang binuksan ni Jeonghan ang passenger seat sa unahan.. "Sakay ka na.." malambing na pagkakasabi nya.. Hindi ako sanay.. Bakit ganito na sya ngayon.. Naguguluhan na ako.. Kasinggulo ng nararamdaman ko sa kanya ngayon.. Posible bang may nararamdaman na din sya sakin? Y/N wag kang mag assume ikaw lang masasaktan

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tahimik lang ako sa buong byahe.. Sinusubukan kong buksan ang bibig ko pero wala namang akong masabi.. Hindi ko alam paano mago open ng topic sa kanya kaya mas pinili ko na lang na tumahimik.. Sobrang bilis din ng puso ko kaya hindi ko magawang makapag isip ng maayos

"Are you okay? Mukha kang kinakabahan" tanong nya na pumutol ng katahimikan sa pagitan naming dalawa

"Saan tayo pupunta?"

"Engagement party.."

"Huh? Nino?"

"My Mom.." walang emosyon nyang sabi.. Ganun ba kalaki ang galit nya sa Mommy nya? Sabagay.. Masakit naman kasi talagang maiwan.. Naramdaman ko na lang na huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.. Mukhang doble pa sa laki ng bahay ni Jeonghan.. Ipinasok nya ang sasakyan sa loob.. Ang bango ng mga bulaklak na nadadaanan namin kaya nakaka relax.. Nang maipark ang sasakyan ay nauna syang bumaba.. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla na lang nyang binuksan ito.. Hinawakan nya ang kamay ko at inalalayang bumaba ng sasakyan..

Nang maglakad kami papasok ay nalulula ako sa mga nakikita ko.. Napakadaming reporters pati na din mga tao.. Napatitig naman ako sa babaeng naglalakad palapit sa direksyon namin.. May katandaan na sya siguro pero hindi halata sa kanya..

"Jeonghan.." Nakangiti nyang bati kay Jeonghan.. Tumango lang sya.. Ni hindi man lang nya tinapunan ng tingin ang babae o kahit ngiti man lang..

"Y/N let's go.."

"Wait.. She's your girlfriend right? Can I talk to her? I just want to know her" Bigla namang huminga ng malalim si Jeonghan at tumingin sa direksyon ng babae

"Don't act like you're my Mom cause you're not.."

"Jeonghan.." Malungkot na sabi ng babaeng kausap nya.. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Jeonghan at ngumiti sa kanya

"Kakausapin nya lang naman ako.. Babalikan din kita mamaya okay?" Huminga sya ng malalim at tumango.. Dahan dahan nyang binitawan ang kamay ko at naglakad palayo.. Naiwan naman akong kasama ang babaeng kausap nya kanina

"You're Y/N right?"

"Yes po.." Bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko at hinila sa kung saan.. Huminto naman kami ng makarating kami sa garden.. Garden sya sa likod ng bahay.. Malawak at ang ganda.. Ang daming tanim na mga bulaklak..

"I'm happy that my son is not a cold hearted guy anymore.. Thank you.."

"Po? W-Wala naman po akong ginawa.." Nahihiya kong sabi.. So tama nga ang pakiramdam ko na sya ang Mommy ni Jeonghan..

"Marami akong pagkukulang sa kanya and I think you fulfill those emptiness that I gave him.. I saw his pure smile after many years" malungkot na sabi ng Mommy ni Jeonghan

"Bakit hindi nyo na lang po sya kausapin ng masinsinan?"

"I tried.. But everytime I talk to him his reaction always be the same.."

"Hindi po sa panghihimasok pero bakit mo po ba sya iniwan?" Huminga sya ng malalim at ngumiti..

"His dad.. Wala na syang ibang ginawa kundi ang saktan ako not physically but emotionally.. He cheated.. I tried not to notice it but I can't.. Naghanap ako ng pagmamahal sa iba.." Seryoso nitong kwento...

"Pero bakit di nyo na lang po sinama sya at ang kapatid nya?"

"I want too.. Pero lagi lang akong bina blackmail ng Dad nya kaya wala akong magawa.. I just want to protect them and that's the only thing I can do.. Gusto ko syang madalas na makita noon pero pinipigilan ako lagi ng Dad nya.. But his dad told them the opposite reason of everything.." Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya.. Ngayon mas lalong lumilinaw ang lahat..

"I'm sorry po.. Nakakalungkot pong marinig lahat ng mga nangyari.."

"It's okay.. Actually you're the first person who listen to my side.. Lagi kasing sa side lang ng daddy nya lahat nakikinig.. Because of his status" huminga ako ng malalim

"I will try my best po para mapagbati kayo ni Jeonghan..." Bigla naman akong niyakap ng Mama ni Jeonghan..

"Thank you..."

Teka.. Paano ko sila ipagbabati? Sigurado ka ba sa sinabi mo Y/N?

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now