SVT JEONGHAN IMAGINE 02 (12)

130 8 0
                                    

#2

Your POV

Tahimik akong nakaupo sa isang tabi habang nakatingin sa umiikot na kamay ng relos na nakasabit sa dingding... Halos limang araw na akong nakakulong sa bahay ni Seungkwan.. Hindi lumalabas dahil sa mga reporters na nakabantay sa labas.. Kailan ba sila titigil? Di ba sila napapagod?

"Hoy kumain ka na! Walang mangyayari kakamukmok mo dyan.." Bigla naman nyang inilapag ang pagkain sa harap ko.. Napahinga ako ng malalim.. Dahil sa mga nangyayari nawawalan na rin ako ng gana kumain.. Nakaka stress pala maging sikat.. Dahil sa katangahan

"Anong oras na Seungkwan?" Tanong ko sa kanya

"12 AM na.. Mula pagkagising mo tulala ka lang dyan.. Ano ng balak mo? Habang buhay na makulong dito? Aba hindi kita kayang sustentuhan Y/N ah.."

"Anong gagawin ko? Haharap ako sa mga reporters tapos ano? Sasabihin ko ang katangahang ginawa ko?"

"Alam mo maswerte ka pa sa ngayon.. Wala pang nilalabas na statement si Jeonghan o ang entertainment nya.. Hindi pa lalabas ang katotohanang nagsisinungaling ka.. Na isang malaking katangahan ang ginawa mo.."

"Alam mo mas lalo mo lang pinapasama ang loob ko.. Hindi ka nakakatulong.. You're a fake friend"

"Sorry na ah.. Tsaka ako pa talaga fake friend ah matapos kitang patuluyin dito at ginawang hotel ang bahay ko.. May libreng foods tsaka electricity shuta.. Hay.. Ikaw kasi tatanga tanga eh.. Masyado kang ambisyosa ayan napapahamak ka tuloy at nangpapahamak ka din"

Hindi na lang ako nagsalita at kinain na ang pagkaing dinala nya.. Buong araw na akong di kumakain kaya nagugutom na din ako.. Narinig ko naman ang biglang pag doorbell sa pinto..

"Ako na baka mamaya reporter na naman yan na gusto kang interviewhin.. Kumain ka lang dyan"

Tumango na lang ako bilang pagpayag sa sinabi nya.. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.. Mabuti na lang napakabait ng kaibigan kong yun.. Pero sino kaya yung kumatok ng ganitong oras.. Madaling araw na di pa din ba sila napapagod?

"Y/N!" Napalingon ako sa biglang tawag ni Seungkwan na parang natataranta.. Mabilis naman akong napalingon at tumayo.. Nataranta kasi ako bigla dahil sa tawag nya...

"Ano? Bakit? Nilusob na ba tayo ng Reporters? Sinira ba nila pinto mo?"

"Hindi per--"

"Kailangan ko na bang mag impake at bumalik na lang sa Japan? Sabi ko na nga ba maling ideya ang pagbalik dito" Agad akong tumakbo palapit sa closet kung saan nakalagay ang mga damit ko at isa isang pinasok sa loob ng maleta ang mga ito..

"Calm down Y/N may gusto lang kumausap sayo.." Napatigil ako sa sinabi nya..

"Sino?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tulala akong nakatingin sa lalaking kaharap ko.. Oo pangalawang beses ko na syang nakita pero sa pagkakataong toh halo halo ang nararamdaman ko pero nangingibabaw ang takot ko.. Tahimik lang syang nakaupo katapat ko habang tinititigan nya ako mula ulo hanggang paa na para bang naghahanap ng pupunahin sakin na pagkukulang.. Oo hindi ako kagandahan... Hindi rin maganda hubog ng katawan ko.. Hindi ako perpekto kung ikukumpara sa mga babaeng nakakasalamuha nya..

"So.. Uhmm.. Kukuha lang ako ng iinumin" Sabi ni Seungkwan.. Mabilis kong hinawakan ang kamay nya at tinitigan sya.. Titig na nagpapahiwatig na wag nya akong iiwan.. Pero bigla lang syang dumila at tumakbo papuntang kusina.. Agad kong niyuko ang ulo ko at iniiwasan na magtama ang mata namin ng lalaking nasa harap ko.. Oo gwapo sya at mukhang anghel pero malay ko ba kung ano ang totoong kulay ng budhi nya di ba?

"Manager pwede bang iwan mo muna kami" Nakita ko naman ang katabi ng kaharap ko na umalis.. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na para bang lalabas na ito sa loob ng katawan ko.. Ma, Pa, I'm sorry po sa lahat ng kasalanan ko mahal na mahal ko po kayo~

Nararamdaman ko pa din ang mga pagtitig nya.. Tanging katahimikan lang ang bumabalot sa loob ng Sala.. Gusto ko ng matunaw sa kinauupuan ko ngayon.. Gusto kong kainin ng lupa.. Gusto ko na lang maging hotdog o patatas.. Kailan ba babalik yun si Seungkwan.. Ang tagal naman nun kumuha ng iinumin nalunod na ba sya?

"Y/N right?" Tanong ng lalaking kaharap ko na dahilan ng pagkabigla ko kaya napatingin ako sa kanya..

"Yes!" Ilang segundo nya akong tinitigan bago sya muling nagsalita

"I'm Yoon Jeonghan.." Kalmado nyang pagpapakilala..

Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko.. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko o hindi pero ayoko naman maging bastos lalo na at ako tong may kasalanan sa kanya.. Hinawakan ko ang kamay nya para tanggapin at makipag shake hands pero bigla na lang nya akong hinila.. Mas lalo kong nakita ng malapitan ang mukha nya.. Kung wala lang akong kasalanan na ginawa siguro ay kikiligin ako ngayon kasi ang gwapo nya pero nangingibabaw ang takot sakin ngayon..

"You ruined my career.. You're aware of that. Right?" Nakita ko ang pag ngisi ng labi nya na dahilan para kilabutan ako..

"Sorry.. I'm sorry.. Wag mo kong ipapakulong.. Babalik na lang ako sa Japan at di na babalik.. Please wag mo lang akong ipapakulong.. Marami pa akong pangarap sa buhay please" Bigla na lang syang natigilan sa sinabi ko at tumawa.. Binitawan nya ang kamay ko at bumalik ulit sa pag upo ng maayos..

"Calm down.. Hindi kita ipapakulong.. I'm not that kind of guy and it is just a waste of time"

"Wag mong sabihin na.. Ibebenta mo laman loob ko? Please ayokong mamatay ng may kulang na laman loob please" Mangiyak ngiyak kong sabi.. Aba gusto kong mamatay ng kumpleto pa parte ng katawan ko no..

"How you come up with those stupid Ideas? Of course not.."

"So anong gagawin mo? Ibebenta mo ko sa sindikato? Papalapa mo sa pating sa buwaya sa oso sa piranh--" huminga sya ng malalim at tumingin sa akin ng seryoso...

"Continue what you've started.." Napatigil naman ako sa sinabi nya.. Medyo nag load ang sinabi nya sakin.. Anong ibig nyang sabihin?

"H-Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Magiging pabor naman sayo ang sinabi ko.." Sinusubukan ko pading iprocess ang mga sinabi nya...

"Pwedeng pakilinaw ang sinasabi mo.. Hindi ko pa rin maintindihan.. Please elaborate" Bigla syang tumayo sa Sofa at naglakad papunta sa tabi ko at umupo. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang pisngi ko na ikinagulat ko..

"Be my Girlfriend.."

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜


SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now