SVT DOKYEOM IMAGINE 02 (8)

158 7 0
                                    

#2

"Hoy Dokyeom bakit lapit ka ng lapit sa bampira na yun?" Tanong ni Julian sabay turo nya kay Y/N na busy sa pagbabasa ng libro

"Dahil magkaibigan kami" Bigla naman nyang tinagilid ang ulo ko at tinignan ang leeg ko..

"Kelan pa? Teka. Kinagat ka ba nya? Bampira ka na din ba?" Binatukan ko naman sya

"Wag ka nga ganyan. Hindi naman kasi bampira si Y/N eh"

"Hay nako Dokyeom kung gusto mong mabuhay ng matagal umiwas iwas ka sa kanya" Napailing na lang ako kasabay ng pag upo ko sa upuan. Ilang linggo na rin ang nakalilipas ng tanungin ko sya kung pwede ko ba sya maging kaibigan. Hindi nya ako sinagot kung pwede ba o hindi pero sinusubukan ko pa din syang kausapin hanggang ngayon.. Masaya na ako kapag tumatango sya at ngumingiti ng konti sakin.

"Ok Class.. So for our camp for this year" May nag flash naman na mga camp location sa screen ng TV hanggang sa huminto ang slide sa Nanji camp ground

"Uy. Camping masaya to" Excited na sabi ni Julian. Matagal na din since nung last akong nag camp. Sa dati ko kasing School walang mga ganitong Activities

"You will be partner by 2. Since may meeting ang mga faculty.. Use your free time to choose your partner. President paki submit tomorrow kung sino sino ang magkakapartner" Tumango naman si Seungcheol na president ng klase. Umalis na rin ang adviser namin kaya ang lahat ay nagkanya kanya ng lapit sa mga kaibigan nila

"Uy! Partner tayo Dokyeom" tumingin ako kay Julian at handa na sanang tumango pero naalala ko si Y/N. Siguradong wala syang magiging partner..

"Ano Julian. Sorry pero may partner na ako" Tumayo ako sa upuan at lumapit kay Y/N na busy pa din sa pagbabasa ng libro

"Hi" Itinaas nya ang tingin nya sakin. "May partner ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Ibinalik nya ang tingin sa libro

"Hindi ako sasama"

"Huh? Pero required na ang lahat ay sumama" Wala akong narinig na sagot sa kanya. "Partner tayo. Ok lang ba?" Muli nyang inangat ang tingin nya sakin na may halong pagka irita.

"Ano ba talagang kailangan mo sakin?" Halata sa tono nya ang pagkairita. Bigla syang tumayo sa upuan at lumabas

"Hala Lagot ginalit ni Dokyeom yung Bampira" Rinig kong sabi ni Irene. Isa sa mga classmate ko. Nagtawanan naman silang lahat. Napakuyom ako ng kamao.

"BAKIT BA LAHAT KAYO GANYAN SA KANYA?" Napatigil naman silang lahat sa pagtawa. "WALA NAMAN SIYANG GINAGAWA SA INYONG MASAMA. BAKIT BA PINAPARATANG NYO SA KANYA ANG ISANG BAGAY NA WALA NAMANG KASIGURADUHAN." Napahinga ako ng malalim at tumakbo palabas ng classroom.

Agad hinanap ng mata ko si Y/N. Alam kong biktima lang sya. Naniniwala akong walang katotohanan ang mga bagay na sinasabi tungkol sa kanya. Saktong daan ko sa isang hallway ay nakita ko si Y/N na kausap si Ms.Chou and teacher namin sa Mandarin Class.

"Ms.Y/N pwede kang magpasa ng medical if ever na ayaw mong sumama ulit" Huh? Hindi talaga sya sasama? Teka ulit? Ibig sabihin matagal na syang hindi sumasama?

"Hmm..Sige po salamat"

"Ayaw mo ba talagang sumama?" Nakita ko ang malungkot na ekspresyon ng muka ni Y/N.

"Gustuhin ko man pero hindi pwede. Baka kalahati ng estudyante sa campus o buong estudyante sa campus ay hindi na sumama.. Ako pa maging dahilan ng pagkalugi ng school" Mas lalo akong nakaramdam ng awa sa kanya.

"Hmm.. Kung sigurado ka talagang hindi sasama magpasa ka na lang ng medical ok? Sige na pupunta na ako sa meeting" Tumango sya at yumuko. Nang makaalis si Ms.Chou ay saka ako lumapit sa kanya.

"Y/N.." Tumingin sya sakin at agad ding iniiwas ang tingin.

"Ano pa bang kailangan mo?"

"Partner tayo sa camp"

"Hindi nga ako sasam--"

"Sumama ka" Hinawakan ko ang kamay nya. "Please?"

"Hindi ka ba talaga natatakot sakin?"

"Hindi. Sapat na ba yung sagot ko para sumama ka?" Tumingin sya sakin diretso saking mga mata.

"Bakit mo ko... Tinatrato ng ganito?" Nakita ko ang pagpatak ng mga luha nya galing sa kanyang mga mata.

"Y/N.."

"Nasanay na akong laging mag isa. Tignan ng lahat na parang isang halimaw. Pero dahil sayo.." Itinuro nya ako gamit ang kanyang hintuturo "Binibigyan mo ako ng pag asa na pwede pang maging normal ang lahat.. Please tumigil ka na. Ayokong mas umasa pa." Huminga ako ng malalim at ngumiti

"Bigyan mo ako ng chance maging kaibigan ka. Please?" Tumitig sya saking mga mata kasabay ng pagkagat nya sa kanyang pang ibabang labi.

"Pwede ba akong humiling bago ako pumayag sa gusto mo?" Tumango ako sa sinabi nya

"Kung iiwan mo din ako katulad nila pwedeng humingi ako ng isang gamit na meron ka?" Napatingin naman ako sa kanya ng may halong pagtataka

"Bakit?"

"Atleast maramdaman ko na kahit papaano may isa pa din akong naging kaibigan" Medyo naguguluhan ay tumango na lang ako sa sinabi nya

"Sige.. So.. Friends na tayo?" Dahan dahan syang ngumiti at tumango sakin.

Simpleng pakikipagkaibigan lang naman ang pakay ko sa kanya.. Pero.. Bakit parang may iba pa?

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now