SVT JUN IMAGINE 02 (2)

320 47 2
                                    

#5

"Mabait si Jun.. Mahiyain nga lang sya sa babae... Sa totoo nga lang mas pihikan pa sya kesa sa akin" Natawa naman ako sa sinabi ng prinsesa

"Pero.." Biglang naging malungkot ang tono ng prinsesa

"Nang tumuntong si Jun ng labing walo nais na syang ipakasal ni Ama... Pero hindi sya pumayag kaya lagi syang ikinukulong sa kwarto nya.. Yun ang isa sa dahilan kung bakit tumatakas sya"

"Hmm.. Kaya pala lagi nyang sinasabi na ayaw na nyang bumalik" Tumango naman ang prinsesa

"Pero nagtataka ako sa tuwing tumatakas sya at bumabalik ay lagi syang masaya at masigla... Marahil ay dahil sayo" Naramdaman ko naman ang pag init ng pisngi ko... G-Gusto ba ako ni Prinsipe Junhui?

"Imposible po.. Baka may kinakatagpo syang iba" Na sana ay wala

"Hmm.. Imposible.. Mahiyain si Prinsipe Junhui sa babae... Maliban sayo.. Napaka Komportable nya kapag kasama ka" Pakiramdam ko ay namumula na ako na parang mansanas

"Hmm...Tara na baka hinahanap ka na nya" Tapos hinila nya ako palabas.. Inilibot nya pa ako sa ibang parte ng Palasyo... Napakaganda talaga dito

"Kanina ko pa kayo hinahanap" Sabi ni Prinsipe Dokyeom.. Yumuko naman ako bilang paggalang

"Nasan si Prinsipe Junhui?" Tanong ng prinsesa...

"Kausap si Ina... Siguro ay pinapagalitan sya.. Pasaway naman kasi"

"Ganun talaga may minamahal eh" Sabi ng prinsesa at tumingin sa direksyon ko kaya agad naman akong napayuko

"Ano kayang nakita ni Prinsipe Jun sayo? Napakasimple lang ng itsura mo kahit ang pamumuhay mo..." At tinignan ako ni Prinsipe Dokyeom mula ulo hanggang paa...

"Prinsipe Dokyeom tumigil ka nga"

"Hindi nararapat ang isang katulad nya ang makasal sa susunod na hari" Napayuko naman ako lalo... Tama si Prinsipe Dokyeom... Tama na ang pag iilusyon Y/N hindi pwedeng ikaw ang makatuluyan ng prinsipe dahil isang hamak ka lang na mamamayan... Dapat isang prinsesa ang makatuluyan nya.. Tama.. Hindi ikaw ang nararapat Y/N.. Kinabukasan nya at ng buong lugar ang nakasalalay... Hindi ikaw Y/N ang para sa kanya...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jun's POV

"ANO!!??? NASAAN SYA?!! NASAAN SI Y/N!!!???" galit kong tanong sa isang kawal..

"Huminahon ka Prinsipe Jun..."

"Paano ako hihinahon kung nawawala sya..." Singhal ko sa isang tagapagbantay... Hindi maaaring mawala sya

"Prinsipe Jun..." Tawag ng prinsesa sakin.. Agad akong napatayo at lumapit sa direksyon nya.. Umaasang mayroon syang magandang balitang ihahayag

"Ano may balita ka na ba kung nasaan sya?" Tanong ko.. Huminga muna sya ng malalim bago may inilahad sa aking isang papel

"Wala pero.. Eto may iniwan syang sulat.. Sa tingin ko ito ay para sayo" Agad kong kinuha ang papel na nasa kamay ng Prinsesa at agad na binasa.. Umaasang baka doon ay nakalagay kung nasaan sya naroroon ngayon

Mahal na Prinsipe Jun,

Patawad kung umalis ako ng Hindi nagpapaalam. Sinabi ko na sa prinsesa ang totoo... Ayokong masira ang kinabukasan mo ng dahil sakin.. Bilang ikaw ang susunod na Hari.. Ikaw ang susunod na mamamahala sa buong kaharian... Alam kong mapapamahalaan mo ang buong lugar ng maayos.. Pakiusap kalimutan mo nalang ako... Nais kong malaman mo na Mahal kita prinsipe Jun.. Mahal na Mahal pero ayokong maging posible ang isang bagay na imposible... Hindi tayo pwede para sa isa't isa dahil isa lamang akong hamak na mamamayan na taga bayan... Masaya akong nakilala ka... Patawad Mahal na prinsipe...

Nalukot ko ang papel at naitapon sa isang tabi... Hindi! Hindi pwede! Hindi ako papayag na mawala sya

"Prinsipe Jun..."

"Bakit!? Kailangan nya akong iwan!?"

"Mahal ka nya... at kapakanan mo lang ang iniisip nya" Paliwanag ng prinsesa..

"Hahanapin ko sya!"

"Pero mahal na prinsipe..."

~~~~~~~~~~~

Ilang taon na ang lumipas at ako na ang Hari ng buong bansa..

"Mahal na hari"

"Mayroon ka bang balita kung nasaan sya ngayon naroroon?" Isang iling lamang ang natanggap ko mula sa kanya

"Ngunit mahal na hari hindi ka pa rin po ba masaya sa reyn---" Hindi ko naman mahal ang babaeng yun.. Sya ang naging tulay upang ako ang maging hari... Yun ang nais kong sabihin ngunit...

"Maaari ka ng umalis" Yumuko sya at lumabas na ng aking silid..

"Mahal na hari"

"Prinsesa bakit ka nandito?" Tanong ko..

"Hindi ka pa rin ba titigil sa paghahanap sa kanya?"

"Hangga't walang Y/N na nagpapakita sakin ay hindi ako titigil.. Kahit sa huling hininga ko pa" Huminga sya ng malalim at binigyan ako ng malungkot na titig

"Kung yan ang nais mo..." Yumuko sya saka lumabas ng aking silid

Tinitigan ko lang ang prinsesa na kakalabas lang ng aking silid... Hindi ko kayang wala sya... Tandaan mo Y/N! Hahanapin kita at hindi ako susuko hangga't di kita nakikita!

-END-

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now