SVT JEONGHAN IMAGINE 02 (12)

357 7 0
                                    

#1

Your POV

"Anong gagawin ko!!" Napagulo ako sa buhok habang nagi scroll sa google tungkol sa issue ng sikat na Artista dito sa Korea..

"Sikat ka na Y/N Congrats.." Pang aasar naman ng kaibigan kong si Seungkwan habang pinapalo ang pwet ko.. Pinaningkitan ko sya ng mata at inirapan..

"Wag mo kong kakausapin namo mroblema na nga ako eh.. Lakas pa mang asar.. Ganyan ba ang tunay na kaibigan?" bigla naman nya akong tinawanan

"Bakit mo naman kasi naisipang mag picture kasama ang artista at sasabihin mo pang boyfriend mo.. Minsan talaga Y/N gusto kitang itakwil na kaibigan"

"Marami namang gumagawa nun ah?" mangiyak ngiyak kong depensa sa kanya

"Gaga.. Magkasama kayo sa iisang hotel tapos lasing pa sya.. Mukha bang normal yun?" napasimangot naman ako

"Hindi ko naman kasi alam na artista sya dito.. Alam mo namang ngayon lang ako ulit nakapunta dito sa korea.. Tsaka masyado akong busy sa trabaho kaya wala naman akong oras sa kahit na ano"

"Pero sigurado naman akong lagi kang gumagamit ng social media hindi ba sya dumadaan sa newsfeed mo? Pangit naman kabonding ng phone mo" tinitigan ko sya ng masama..

"Seungkwan naman, mas lalo mo akong pinapahirapan eh"

"Nako kung hindi ka naman kasi desperadang palaka edi sana payapa buhay mo ngayon.. Kakabalik mo palang may problema ka na agad.."

"Oo na kasalanan ko na.. Pero anong gagawin ko ngayon?"

"Hindi ko alam pero kailangan mong mag sorry kay Superstar Jeonghan.. Sinira mo ang image nya.. Kahit kailan mga desisyon mo sa buhay palpak"

"Ahhh.. Ayoko magpakita sa kanya.."

"Tanga ka ba.. Career nya ang sinira mo.. Kung hindi ka kasi tatanga tanga eh.."

"Naglabas na ba sya ng statement tungkol sa mga nangyayari ngayon??"

"Sa ngayon wala pa akong nakikita eh.. Nadelete mo na naman yung picture di ba?"

"Oo deleted na lahat.."

"Pero hanggang ngayon kumakalat pa din.. Alam mo bago pa lumaki ang issue mag sorry ka na sa kanya at gumawa ng paraan para mahinto ang issue.."

"Paano?"

"Honestly hindi ko din alam eh.. Problema mo na yun nag suggest lang ako ng kailangan mong gawin.." Huminga ako ng malalim.. Ano ba itong gulong ginawa ko..

/Flashback/

It's my first day here in Korea after many years living in Japan.. Ang dami ng bago and it made me amaze... Agad akong dumiretso sa isang Bar to celebrate alone..

"Sa wakas Korean Bar!" Masaya kong sabi saka ininom ang tequila na nasa shot glass..

Pumunta ako sa dance floor at sumayaw na akala mo wala ng bukas.. Marami rin namang nakikisayaw kasama ko at ang iba pa ay naging ka close ko.. Napako ang tingin ko sa lalaking may blonde na buhok na nasa isang tabi.. May mask sya na suot at tahimik lang syang nakaupo sa Sofa.. Tahimik lang syang tumitingin tigin sa paligid bago ibinaba ang mask na suot nya at ininom ang isang basong beer na inorder nya.. Napatitig naman ako sa kanya.. Ang gwapo nyang mukha.. Sya ang perfect boyfriend na tinutukoy ko sa Instagram ko.. Naglakad ako palapit sa direksyon ng lalaking nakita ko..

"Hello.." Bati ko sa kanya.. Agad naman nyang ibinalik ang suot nyang mask

"Hi.." Bati nya pabalik..

"Mag isa ka yata.. Hmm.. Gusto mo ba samahan kita?" Hindi naman sya sumagot kaya tinanggap ko yun bilang Oo..

Malakas man ang tugtog sa loob ng Bar ay pakiramdam ko ay tahimik pa din.. Ang lalaki kasing kasama ko eh hindi nagsasalita.. Unang beses nya ba sa Bar? O nahihiya lang sya?

"Unang beses mo lang ba sa bar na to?"

"Hmm.. Every weekend nandito ako" tipid nyang sagot

"Ako first day ko dito sa Korea.. I mean.. Ngayon lang ulit ako nakabalik after many many years" Tumango lang sya..

Ilang oras ko lang sya kinekwentuhan.. Naging komportable na naman siguro sya kasi tinatanggal na nya ang mask nya pero pag may tumitingin o dumadaan sa harap nya ay bigla nya ding binabalik.. Takot ba syang makita ang mukha nya? Gwapo naman sya ah? Never mind.. Kahit na kinekwentuhan ko sya tipid pa rin naman nya akong sinasagot.. Nakailang baso din sya ng Beer ako naman paiba ibang mga lady's drink ang inorder.. Lumingon naman ako sa katabi ko na medyo namumula na..

"Lasing ka na?" Tanong ko sa katabi ko.. Hindi naman nya sinasabi ang pangalan nya.. Nakita ko ang pagpikit pikit ng mata nya senyales na inaantok na sya.. Bigla naman syang tutumba kaya agad akong tumabi at sinalo ang ulo nya gamit ang balikat ko..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mga 11 PM ng mag decide akong lumabas ng Bar kasama ang gwapong lalaki na sinalo ko.. Saan ko naman toh dadalhin? Kinapa ko ang bulsa nya nagbabakasakaling may makuhang ID or Wallet pero card lock ng hotel ang nadampot ko.. Pamilyar ang hotel na to.. Dito ako naka check in ngayon.. Agad akong pumara ng taxi at inunang isakay ang lalaking kasama ko saka ako sumakay..

Ilang minuto lang naman ang byahe mula sa bar hanggang sa hotel kung saan ako naka check in.. Agad kong kinuha ang card na nakuha ko sa bulsa ng lalaki at hinanap ang number na nakalagay sa card.. Mabilis ko lang din naman syang nahanap.. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob saka inihiga ang kasama ko sa kama.. Tinanggal ko ang sapatos nya at ang mask na suot nya.. Doon ko lang natitigan ng mas matagal ang maamo nyang mukha.. Mukha syang anghel na bumaba sa lupa..

Agad kong kinuha ang phone ko at pinindot ang camera.. Kumuha ako ng ilang litratong mag isa sya.. Close up, Whole body, Half body, Malapit sa labi nya, Ilong nya at mga mata nya..

"Pwede na kaya toh?" Tanong ko sa sarili ko habang tinititigan isa isa ang mga litratong kinuha ko... "Hindi toh masyadong convincing kung ganito.." Agad akong lumapit at kinuha ang dalawang braso nya at iniyakap sa bewang ko saka ako muling kumuha ng litrato..

Ilang oras din akong kumuha ng litrato kasama sya bago ko napagpasyahang bumalik na sa hotel room ko..

Nang makarating ako sa kwarto ko ay saka ko muling binuksan ang phone ko at pinindot ang tambayan ko.. Instagram.. Agad kong pinost ang mga litratong kinuha ko kasama ang caption na The most awaiting revelation.. Ngumiti ako kasabay ng paghinga ng malalim..

Oo.. Sinungaling na kung sinungaling pero wala namang makakaalam kung bigla akong aamin di ba?.. At isa pa siguradong hindi ako maaalala ng lalaking yun at hanapin pa ang instagram ko.. Inilapag ko ang phone sa mini table at saka natulog..

Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng phone ko.. Nang buksan ko ito ay tawag mula sa kaibigan kong si Seungkwan ang nareceive ko hindi ko pinansin ang text messages nya at agad ko na syang tinawagan..

"Y/N! ANONG GINAWA MO!?!?" Bungad nyang tanong sakin na nakapagpakunot ng noo ko

"Anong ginawa ko? Ano nga ba? Wala pa akong ginagawa kakagising ko lang.."

"Open your instagram sikat ka ng palaka ka.. Lagot ka talaga!" Puno ng pagtataka ay agad kong binuksan ang instagram sa phone ko at nagulat sa dami ng hearts sa picture ko kasa yung lalaki last night.. Pero hindi pala ito magandang senyales.. Ang lalaki kagabi ay sikat na artista dito sa Korea..

"Seungkwan artista pala sya?!"

"Anong katangahan pinairal mo!? Lagot ka talaga.. Delete mo na yung picture at umalis ka na dyan.. Magsuot ka ng mask at makapal na damit.. Siguraduhin mong walang makakakilala sayo.. Bago pa may dumating na kung sino dyan bilisan mo!"

/End of Flashback/

Anong gagawin ko?! Ano ba itong katangahang pinasok ko!!! 😭😭

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜


SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now