SVT MINGYU IMAGINE 02 (10)

123 9 0
                                    

#9

Pagod at inaantok.. Agad kong binuksan ang pinto ng apartment ko at dumiretso sa kwarto para mahiga..

"Sa wakas makakahiga na din sa kama.." Inilapat ko ang buo kong katawan sa kama pero hindi naman ako makatulog.. Pagod ang katawan ko pero ang diwa ko gising na gising..

"Arf! Arf!" Bigla namang umakyat sa kama si Mingyu at humiga sa tabi ko.. Paano kaya pag naging tao na sya iiwan nya na kaya ako?

"Nagugutom ka ba Mingyu?" Di sya sumagot at tahimik lang na nakahiga sa kama katabi ko.. Tumayo ako sa kama at pumuntang sala..

Nangako akong tutulungan sya.. Pero bakit ganito.. Natatakot ako sa posibilidad na iwan nya ako kapag naging normal na ang lahat.. Natatakot ako kasi sa tingin ko nagugustuhan ko na sya..

"Pwede bang wag na lang syang bumalik sa dati? Ayokong iwan nya ako..."

"Sino? Iiwan nino?" Napalingon naman ako sa biglang sumulpot sa gilid ko

"M-Mama! N-Nandito ka?"

"Oo.. Pumunta lang ako para maglagay ng pagkain sa ref mo.. Ang laki laki mo na pinapabayaan mo pa ang sarili mo.. Nandito ako kahapon pero wala ka at mukhang kararating mo lang.. San ka nagpunta?"

"Ahh.. May pinuntahan lang pong kaibigan.."

"Hmm.. I see.. Oo nga pala mag stay ulit dito si Wonwoo mamaya pero saglit lang naman sya may iaabot lang ako sa kaibigan ko eh susunduin ko na din sya"

"Mama bakit ba bine baby mo pa din yun.. Ang tanda tanda na nun eh magka edad nga lang kami nun"

"Y/N anak naman.. Pinsan mo yun" Di na lang ako sumagot at nagtimpla ng gatas.. Gusto ko ng matulog..

"So payag ka na?"

"May choice pa po ba ako?"

"Salamat anak.. Kaya mahal na mahal kita eh.. Sige na.. Maya maya nandito na yung pinsan mo may binili lang saglit yun.. Aalis na ako ah" Tumango ako at nagpaalam na kay Mama... Hindi ko alam.. Apektado pa din ako sa sinabi ni Kath.. Naguguluhan ako kung totoo ba talaga ang sinabi nya.. Naguguluhan ako kung totoo bang gusto ako ng pinsan ko..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Bakit ang tahimik mo?" tahimik lang akong nanonood ng TV habang itong pinsan ko mukhang sisimulan na naman ako asarin..

"Wala ako sa mood makipag usap kaya shut up"

"Ang sungit mo na naman.. Meron ka ba ngayon?"

"Ewan ko sayo" tumayo ako sa sofa at handa ng maglakad papuntang kwarto ng biglang hawakan ni Wonwoo ang kamay ko at hilain paupo.. Agad naman akong lumingon sa kanya pero napansin kong seryoso ang itsura nya..

"Bakit pala bigla mong tinanong ang tungkol kay Kath?"

"W-Wala.."

"Pinuntahan mo ba sya?"

"B-Bakit ko naman sya pupuntahan?"

"Tsk.. Hindi ka marunong magsinungaling Y/N.."

"O edi hindi na nagsisinungaling.. Ano bang problema kung puntahan ko sya?"

"May sinabi ba sya sayo?"

"W-Wala.. Ano namang sasabihin nya sakin?"

"Na gusto kita.." Napatigil ako at hinahanap ang mga salitang dapat kong isagot.. Tumingin ako sa kanya at pinilit ang sariling tumawa

"Minsan nakakatawa ka mag joke" Bigla nyang hinawakan ang kanang kamay ko at hinila palapit sa kanya

"Hindi ako nagbibiro.." Bigla syang yumuko at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha nya sa kabilang kamay ko

"W-Wonwoo.."

"Hindi ko alam bakit kailangan pa maging ganito.. Hindi ko alam bakit kailangan sayo pa ako magka gusto... Naiinis ako sa sarili ko.." Tumingin sya diretso sa mga mata ko.. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.. Pinipilit ko ang sarili kong magsalita pero hindi ko magawang buksan man lang ang bibig ko..

Binitawan nya na ang kamay ko saka tumayo habang ako naiwan pa ding tulala at hindi pa din makapagsalita sa mga oras na to.. Pinipilit intindihin ang mga salitang sinabi nya.. Pinipilit kong i process ang sinabi nyang gusto nya ako

"Sa labas na lang ako maghihintay kay Tita.." Naglakad na sya palabas ng apartment ko.. Naiwan pa din akong tulala..

"Arf! Arf!" Bigla namang tumalon sa sofa si Mingyu at umupo sa lap ko habang nakatingin sakin..

"Ayos lang ako Mingyu.." Huminga ako ng malalim at pinilit ngumiti..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tahimik akong kumakain ng chips sa harap ng bintana ng kwarto ko.. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang sinabi nya...

"Ayos ka lang?"

"Oo"

"Alam kong hindi ka ayos.. Nakita ko kayo kanina kaya wag ka ng magsinungaling.. Alam kong nabigla ka dahil mismong sa bibig na nya nanggaling ang mga bagay na gumulo sa isip mo simula nung sinabi ni Kath yun" Huminga ako ng malalim at tumingin kay Mingyu

"Kalimutan na natin ang bagay na yun.. May naisip na akong plano para maibalik ka sa dati.." Agad kong pag iiba ng topic..

"Sigurado ka bang uunahin mo muna ang bagay na yan kesa sa sarili mo?"

"Mas mabuting libangin ko na lang sa ganitong bagay ang sarili ko kesa isipin ko ang bagay na yun.."

"Hmm.. Sige sabi mo eh.. So.. Anong plano ba yang naisip mo?"

"Ang sabi ng matanda isang tunay na halik sa taong nagmamahal sayo ng tunay.. What if Ilista natin ang mga taong alam mong nagkagusto sayo?"

"Hmmm.. Pwede din pero sa dami nila baka abutin tayo ng ilang araw"

"Ang hangin mo Kim Mingyu"

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo.. Sa gwapo kong to imposibleng konti lang magkagusto"

"Sige mamaya may tornado na dito sa sobrang hangin" bigla naman syang tumawa at ginulo ang buhok ko

"So after nating ilista anong gagawin natin next?"

"Pupuntahan natin sila isa isa.."

"Tapos? Anong gagawin natin pagpunta dun?"

"Syempre kung anong kailangan mo.. Hahalikan mo sila isa isa"

"Tap-- Ano?! Hahalikan sila?"

"Wala namang sinabi yung matanda na dapat gusto mo din sila ang mahalaga may gusto sila sayo.."

"Sigurado ka ba dyan sa plano mo?" Huminga ako ng malalim.. Sigurado nga ba talaga ako?

"O-Oo sigurado ako.." Kumuha ako ng papel at ballpen at inabot sa kanya

"Anong gagawin ko?"

"Isulat mo yung mga natatandaan mong nagkagusto sayo ng sobra noon.. Bukas na bukas sisimulan natin silang puntahan isa isa" Puno ng determinasyon kong sabi sa kanya.. Dahan dahan syang tumango sa sinabi ko at nagsimula na ngang magsulat...

Malapit na... Kapag bumalik na sya sa dati posibleng iwan na din nya ako.. Sigurado ba talaga ako sa desisyon kong to?

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now