SVT DINO IMAGINE 02 (11)

290 7 1
                                    

#1

Tahimik akong nakatitig sa papel na hawak ko.. It's summer it means hell for me..

Summer Classes

Archery Class = 6:00-8:00 AM
Math Class = 8:00-9:00 AM
Biology Class = 9:00-11:30 AM
Lunch = 11:30-12:00 PM
Chemistry Class = 12:00-1:00 PM
Dance Class = 1:00-3:00 PM
Break = 3:00-3:30 PM
Volleyball Practice = 3:30-5:00 PM

Home Classes

Dinner = 5:30-6:00 PM
Violin Class = 6:00-7:00 PM
Piano Class = 7:00-8:00 PM
History Class = 8:00-9:00
Entrepreneurship Class = 9:00-10:00 PM

Ang nababasa nyo sa taas ay ang schedule ng Summer class ko. I need to be perfect. A completely perfect daughter.. This is just because of my family's status.. Being in a perfect family is really difficult.. I hate this.. I hate living this kind of life.. I hate living with my mom's dream for me..

"You need to be the most perfect girl exist in this world" My mom said while brushing my hair using her fingers.

Tatlong bagay lang naman umiikot ang mundo ko. School, School and School. Hindi ko naranasan magkaroon ng kaibigan dahil ang tingin sakin ng lahat ay nakikipag compete ako sa kanila which is not. Only Mom wants that. Gusto nya na mataasan ko ang lahat. Not only 50% but a 100%. 99% is not existing to her. I need to be perfect. But I hate it. I'm tired.. I'm tired but I still need to continue this life.. I want to have a friends.. I want to experience going everywhere with them but I can't..

"Physics? Bakit may dalawa kang mali? and yung General Math mo.. Bakit 99 lang? May boyfriend ka ba? Nakikipag kaibigan ka na naman?" I didn't answer her.. I'm trying my best to be the daughter she always wanted but I can't be the best always..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

There's only one thing that I want.. I want to be free. Gusto ko ng makatakas sa ganitong buhay na lahat dapat ay perpekto. Napapagod na ako pero natatakot din akong sabihin kay Mommy ang nararamdaman ko na baka itakwil nya ako pag hindi ko nagawa ang gusto nya. I promise to my dad before he died to stay with my Mom no matter what happened. But I'm tired..

"Y/N are you okay?" Napalingon naman ako sa bago kong Tutor sa Entrepreneurship kong subject. He looks young and kind.

"Okay lang po ako Mr. Lee medyo pagod lang" I force a smile.

"Pwede ko bang makita ang sched mo?" Mabagal akong tumango bago inabot sa kanya ang papel kung saan nakalagay ang Schedule ko. "Schedule mo toh sa isang araw? Or skeletal?" I smile..

"Well everyday.. Yan po ang araw araw kong klase" His eyes got widened. I think his shock. Sino ba naman kasing taong araw araw na gigising para mag aral lang kahit summer? Non stop..

"Seriously? This is too much.. I mean.."

"Actually marami din pong hindi makapaniwala.. Pero yan po ang schedule ko and wala naman akong magawa para mabago.." Mahina akong tumawa.. Gusto kong magmukhang masaya at okay.. Pero kakayanin ko pa din bang itago ang bagay na nananakit sakin ngayon?

Dino's POV

"Woah.. Hindi ako makapaniwalang may mga estudyanteng katulad mo. You're really a hardworking student hindi malabong mag success ka sa buhay" Mangha kong sabi sa kanya. This kid is amazing.. I think that's why she's top of her class..

"Mr. Lee may gusto akong itanong sayo.."

"Yes? Ano yun?"

"Do you want freedom?" I tilt my head because of her sudden question but I still answer her

"Hmm.. Of course yes. Sino bang may ayaw magkaroon ng kalayaan? Why did you ask?"

"Me too.. I want freedom. I want to make some friends. Hang out with them, chit chat with them, Things that my mom don't want me to do. She only wants me to study.. Gusto nya akong mag aral ng mabuti para may maipagmayabang sya sa mga kaibigan nya" Yumuko sya kasabay ng pagtulo ng luha nya.. I'm now in state of shock. Hindi ko alam na ganito ang nararamdaman nya. First day ko palang sa pagtuturo sa kanya. Kanina ang uncomfortable ng feeling na kasama ko sya. Una ay nasa iisang kwarto lang kami pangalawa babae sya at lalaki ako pangatlo hindi gaanong malayo ang edad namin sa isa't isa.. Pero ngayong nag confess sya tungkol sa bagay na to ay parang biglang nagbago ang tingin ko sa kanya.. I feel bad for her.. I don't know how to comfort her..

"I'm sorry.. Kung may paraan lang na pwede kitang matulungan" Inabutan ko sya ng panyo para maipunas nya sa luha nya..

"It's okay Mr.Lee.. At least may isang tao ng napaglabasan ko na ng about dito.."

"Pero bakit mo sakin sinabi?"

"I don't know.. Nahihiya kasi akong sabihin sa iba ang tungkol dito.. I mean masyadong close sila kay Mommy.. Unlike you.. I'm observing you while my Mom talking to you a while ago and you're bit different I think that's why I'm a bit comfortable with you.. I think you can understand my situation more" She smile. Ngayon ko lang napansin na maganda sya..

"Since it's our first class, Siguro magkwentuhan muna tayo? Is it okay with you?" She slowly nodded..

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagke kwento. I really feel the pain that she have in her heart. Bawat bitaw ng mga salitang lumalabas sa bibig nya ay ramdam ko ang hinanakit na nararamdaman nya. She's tired.. But how can I help her?

"Mr.Lee... Sa tingin mo ba may pag asa pang matupad ang hiling ko? Ang hiling kong maging malaya? Ang hiling kong magkaroon ng mga kaibigan.." Napakurap ako ng ilang beses sa sinabi nya.. Hindi ko alam ang isasagot pero...

"Susubukan kong matupad ang pangarap mo.." Walang kasiguraduhan kong sagot sa kanya.. Hindi ko alam kung bakit ko nabitawan ang mga salitang yun.. At kinakabahan ako na baka hindi ko matupad ang hiling nyang to... Pero paano nga ba? Paano ko nga ba matutupad ang hiling nya?

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now