SVT JUN IMAGINE 02 (2)

275 43 0
                                    

#4

"Bakit kasi yun ang sinabi mo... Anong gagawin ko?!?" Irita kong tanong sa kanya... Nakasakay kami sa pinadalang kabayo ng kanyang ama

"Magpanggap ka na kasintahan ko.. Yun lang" May pagkamayabang nya pang sabi...

"Bakit kasi dinamay mo pa ako.. Nakakainis ka!" Hinampas ko sya.. Kaya naging malikot ang kabayo na sinasakyan namin...

"Baka mahulog tayo"

"Matagal na akong nahulog..." Pabulong kong sabi..

"Anong sabi mo?"

"Wala.. Ang sabi ko.. Umisip ka ng paraan para di ako madamay sa kalokohan mo" Nanahimik na lang ako sa buong paglalakbay papuntang palasyo...

Maya maya ay nakarating na din kami sa Palasyo... Ngayon lang ako nakapasok dito kaya naman manghang mangha ako

"Baba na po" ang sabi nya at inalalayan nya akong bumaba sa kabayo...

"Tara na" Inilahad naman nya ang kamay nya sa harap ko...

"Tara na" Hindi ko tinaggap ang kamay nya at naunang naglakad sa kanya...

"Galit ka ba?"

"Ano sa tingin mo? Idinamay mo ako sa kalokohan mo... Siguradong lagot ako sa Ama at Ina mo"

"Akong bahala sayo... May tiwala ka naman sakin di ba?" Napalingon ako sa kanya na seryosong nakatingin sakin... Ngayon ko lang nakita ang mga tingin nyang iyon... Lumapit sya sakin at hinawakan ang mga kamay ko

"Magtiwala ka sakin.. Hindi kita pababayaan..." Napatango ako sa sinabi nya... Hindi ko alam pero naramdaman kong napanatag ako... Sana lang talaga totohanin nya ang sinasabi nya sa akin...


~~~~~~~~~~~~~~~~~

"At ikaw si??"

"Y-Y/N po mahal na prinsesa" Nakayukong sagot ko

"Hmmm... At ikaw ang nakabingwit ng puso ng kapatid kong pihikan sa babae"

"P-Po?"

"Ikinagagalak kitang makilala binibining Y/N... Kaya pala laging wala ang kapatid ko marahil ay dahil sayo..."

"P-Po? H-Hindi po sa g----"

"Ayos lang yun... Nakita ko namang maayos at isa kang magandang binibini kaya't di mo na kailangan magalinlangan o magpaliwanag pa" Niyakag nya ako kung saan saan... Ang ganda ng kanilang palasyo.. Ano bang ayaw ng mahal na prinsipe dito... Kung titignan ay parang paraiso ang lugar na ito

"Paano mo pala nakilala ang aking kapatid?" Tanong ng prinsesa... Napatingin ako sa isang puno at napaisip... Hmmm.. Paano nga ba...

//Flashback//

"Binibini maaari ba akong makituloy sa iyo ngayon?" Napatitig naman ako sa lalaking nagtanong... Base sa itsura nya ay mukang mayaman ang pamilyang kinabibilangan nya...Isa pa ay makisig at gwapong lalaki sya... T-Teka!?!?! Sinabi ko bang gwapo?

"Ano naman ang kaya mong ibigay upang patuluyin kita dito?" May inilabas sya maliit na supot at ibinigay yun sakin

"Yan lang ang kaya kong ibigay.. sapat na ba yan?" Binuksan ko ang supot at laking gulat ng tumambad sakin ang apat na gintong barya...

"Sandali! Bakit ka mayroon nito? Base sa itsura mukang galing ka sa mayaman---"

"Ako si Prinsipe Junhui ang pangatlong anak ni Haring Moon" Napanganga naman ako at dali daling lumuhod upang magbigay galang

"Tumayo ka na dyan.." Pagtapik nya sa balikat ko

"Maaari na ba akong tumuloy?" Tumango naman ako at pinatuloy sya sa bahay ko..

//End of Flashback//

Yun ang unang beses na nagkakilala kami... Hanggang sa napadalas na ang kanyang pagpunta... Naging mabuti kaming magkaibigan.. Lagi nya akong kinekwentuhan sa mga nangyari sa kanya.. Kahit na napakaliit na detalye ay ipinaliliwanag nya... Kahit na nakakainis sya minsan ay hindi sya pumalyang pangitiin ako o mapatawa sa mga kwento nya

"At dun kami unang nagkakilala..."

"Hmmm.. sa tingin ko yun yung tumakas sya dahil sa alam nyang may pagsusulit na magaganap" Kwento naman ng prinsesa

"Hmm.. Ganun po ba.."

"Pero... Paano naman kayo naging sobrang malapit sa isa't isa"

"Simula nung araw na yun.. halos linggo linggo na syang pumupunta sa bahay at nagke kwento ng kung ano ano..."

"Talaga?...Gusto mong ako naman ang mag kwento sayo? Kung anong klase syang prinsipe?" Tumango naman ako bilang sagot.. Ngumiti ang prinsesa at hinawakan ang kamay ko

"Tara pumunta tayo sa aking silid at dun ko ike kwento sayo ang lahat ng alam ko tungkol sa kanya" Hinatak nya ako papunta sa kanyang silid..

Ano kayang klaseng tao si Prinsipe Jun...

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now