SVT DOKYEOM IMAGINE 02 (8)

149 11 0
                                    

#5

Seokmin's POV

Matapos ng Camping activity ay nagplano na ako kung paano ko mababago ang tingin ng mga tao kay Y/N. Nag research ako tungkol sa sinasabi ni Y/N na Reinfield's Syndrome at nag print ng mga article tungkol dun. Naisip ko na kung mao open ang isip ng mga schoolmates ko tungkol dito ay maiiba ang tingin nila kay Y/N..

"Nak bakit ang dami mo namang pinrint. Lagot ka talaga sa Papa mo pag nalaman nyang inubos mo ang papel nya dito sa office"

"Ma importante kasi pag gagamitan ko nito" Napahinga na lang si Mama ng malalim

"Sige na sige na. Bilisan mo na lang dyan at baka mahuli ka na sa klase mo" Agad kong inayos ang mga flyers na ginawa ko sa bag saka lumabas saktong kadadaan lang din ni Y/N.

"Y/N!!!" Nakita ko naman na huminto sya at lumingon sa direksyon ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Good morning!" Bati ko sa kanya. Ngumiti naman sya at tumango

"Good morning din"

"Sabay na tayong pumasok!" yaya ko sa kanya. Tumango lang sya bilang sagot. Tahimik lang kaming naglalakad papuntang school ng bigla syang huminto kaya napahinto din ako

"Hindi na ako sasabay sayo papasok sa campus"

"Hmm? Pero bakit?" Bigla naman nyang kinagat ang pang ibabang labi nya.. Mukang alam ko na kung bakit..

"Kapag may nakakita sayo na kasama ako baka isipi--" Hinawakan ko ang kamay nya at inakbayan sya

"Edi isipin nila ang gusto nilang isipin. Hindi ko iiwan ang kaibigan ko. Okay ba yun?" Nakatitig lang sya sakin kaya bigla tuloy akong napaiwas ng tingin. "Bakit?"

"W-Wala.. Medyo.. Natuwa lang ako" Nakita ko ang tipid nyang ngiti..

"Tara na!" Tumango sya at nagsimula na kaming muling maglakad. Nang makapasok kami sa loob ng Campus ay ramdam ko ang tingin ng mga estudyante sa paligid.

"Dokyeom.." Nakayuko sya at parang hindi mapakali sa paglalakad nya. Tama mamimigay ako ng flyers!

"Ahhh.. Y/N mauna ka na pala may gagawin lang ako" Tumango sya saka tumakbo paakyat ng hagdan. Kinuha ko ang flyers na pinrint ko kanina sa loob ng bag. Okay may 20 minutes pa bago mag klase. May 15 minutes pa ako para makapag bigay ng flyers. Sinimulan kong mag ikot sa first floor ng campus at namigay ng Flyers. Kahit puno ng pagtataka ay kinuha nila ang mga binibigay kong flyers.

Mabilis lang dumaan ang 15 minutes kaya mabilis na akong tumakbo papunta sa classroom ko. Mabuti na lang at may kausap pa yung teacher namin kaya nauna ako sa kanya. Umupo agad ako sa upuan at uminom ng tubig.

"Hoy anong ginawa mo bakit pagod na pagod ka ata?" Tanong ni Julian.

"Ahh.. namigay ako ng flyers"

"Bakit tatakbo kang SC? ang aga mo naman mangampanya" Sabi nya habang tumatawa. Kumuha ako ng isang Flyer at inabot sa kanya

"Ayan kasi pinamimigay ko" Tinignan nya yung flyers na inabot ko at binasa nya

"Reinfields Syndrome? Ano toh? Teka may sakit ka?" Napailing na lang ako sa kanya.

"Basahin mo kaya" Muli nyang ibinalik ang atensyon sa flyers.

"Hmmm... This Syndrome is bla bla bla.. Clinical Vampir-- Teka.." Muli syang tumingin sa direksyon ko at pinaningkitan ako ng mata. "Ginagawa mo ba to para kay Y/N? Umamin ka nga.. May namamagitan na ba sa inyo?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya

"W-Wala noh!"

"O ginagawa mo to dahil gusto mo sya?" Napahinto ako sa sinabi nya.. Ginagawa ko to kasi kaibigan ko sya pero.. Tumingin ako sa direksyon ni Y/N at tinitigan sya. Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Ginagawa ko nga lang ba toh dahil kaibigan ko sya o dahil may nararamdaman na talaga ako sa kanya? "Hoy di ka na nakasagot dyan.. Gusto mo na si Y/N noh?" Muling napabalik ang tingin ko kay Julian na nakangisi

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now