SVT MINGYU IMAGINE 02 (10)

133 9 0
                                    

#11

Your POV

Tahimik kaming naglalakad ni Mingyu sa daan... Sobrang dilim na dahil alas dose na ng madaling araw..

"Y/N.. Hindi ka ba napapagod.. Tsaka ilang araw ng hindi normal tulog mo"

"Ayos lang ako" Pilit akong ngumiti sa kanaya.. Nakakapagod pero hindi ko alam.. Hindi ko kayang iwan sya..

"Sumuko na lang kaya tayo Y/N.." Walang ganang sabi nya.. Humarap naman ako sa kanya at pinaningkitan sya ng mata..

"Suko ka na? Paano kung si Katya na pala ang makakapagbalik sayo sa dati di ba?"

"Wala naman kasing nangyayari nakakapagod lang.. Alam kong pati ikaw pagod na din"

"Ayos nga lang ako tsaka huli na naman to eh.. Malay mo sya na pala di ba?"

"Di ko alam.. Wag na natin kayang ituloy? Baka kasi maulit lang ulit.. Maulit lang na walang mangyari.. Masasayang na naman pagod natin"

"Amo mo ko kaya ako ang sundin mo"

"Hindi naman ako Aso ngayon"

"Kahit na.." Tumingkayad ako at ginulo ang buhok nya.. "Wag kang mawalan ng pag asa gagawin natin ang lahat para makabalik ka sa dati" Ngumiti naman sya sa sinabi ko.. Ang pag ngiti nya sapat na para patibukin ang puso ko ng sobrang bilis.. Kung umamin na lang kaya ako na may gusto ako sa kanya.. Pero.. Paano kung hindi ako makatulong.. Baka hindi true love to.. Paano kung gwapo lang talaga sya kaya ako kinikilig sa kanya?

Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa matapat kami sa isang mataas na apartment building.. Eto na ang lugar..

"Samahan pa ba kita sa loob?" Tanong ko sa kanya na agad naman nya kinailing..

"Ako na.. Hintayin mo na lang ako dito.." Tumango naman ako biglang sagot sa sinabi nya.. Umupo ako sa pinakamalapit na bench na nakita ko.. Binibilang ang mga sasakyan na dumadaan sa harap ko.. Hindi ko alam kung mabagal ang oras o sadyang naiinip lang ako dahil wala sya sa tabi ko.. Para akong napaparanoid habang iniisip na may hinahalikan sya.. Bakit ganito.. Ako naman tong nag suggest..

"Y/N.." Napalingon naman ako at nakita si Mingyu na nakatayo na sa likod ko

"O-Oh.. Ang bilis mo ata.." Pero sa totoo lang kanina ko pa sya hinihintay..

"Syempre binilisan ko lang.." Napakurap ako ng ilang beses ng may makita akong dugo malapit sa labi nya

"Anong nangyari sa labi mo?"

"May boyfriend na si Katya"

"H-Ha.. Meron na? Pero hinalik--"

"Tara bili tayong Soju.." Yaya nya.. Pumayag na lang ako sa sinabi nya dahil parang ayaw nyang pag usapan yung nangyari.. Sinapak kaya sya nung boyfriend nung Katya? Sana ayos lang sya...

Katulad ng sinabi nya dumaan kami sa isang Mini store para bumili ng Soju at ilang pagkain at naisipang bumalik na sa Apartment.. Binuksan namin ang TV at nanood ng Movie habang kumakain ng Chips na binili namin at ginawa lang naming panulak ang Soju..

"Ang init na ng pisngi ko" Sabay lagay ko ng kamay ko sa magkabila kong pisngi..

"Lasing ka na ba? Matulog ka na ako na mag aayos dito"

"Ey.. Ayoko namang iwan ka na mabigat yang nararamdaman mo.. Kwentuhan mo naman ako sa nangyari ngayon.." Bigla naman syang napatahimik sa sinabi ko at huminga ng malalim..

"Wag na nating pag usapan.. Masaya na si Katya"

"Hmm.. So paano na di ka na ulit susubok? Mag isip ka pa ulit ng babaeng nagka gusto sayo noon malay mo isa pala sa kanila.."

"Nakakawala na ng pag asa... Pakiramdam ko di na ako makakabalik sa dati.."

"Try mo isa na lang.. Hmm.."

"Sino naman ba? Wala na akong ibang maisip.." Huminga ako ng malalim at uminom ng soju na nasa maliit na baso..

"Ako.. Subukan mo kong halikan.."

"Ikaw?.. Teka may gusto ka ba sakin? Ikaw Y/N ah.." Tahimik akong lumingon sa kanya

"Hindi ko din alam.." Seryoso kong sabi sa kanya at tumingin diretso sa mga mata nya na nagpahinto sa kanya sa pangangasar.. Lumapit ako sa kanya at inilapat ang mga labi ko sa labi nya.. Ilang segundong nakalapat ang labi ko sa kanya ng bigla na lang nya akong yakapin at mas pinalalim ang halik..

Dahan dahan nya akong inihiga sa sahig.. Marahan ko syang tinulak para makahinga.. Kapwa naming hinahabol ang paghinga.. Napakagat ako sa labi ko.. Ito ang una kong halik.. Muli syang lumapit at ginawaran ako ng mga halik.. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan syang halikan ako.. Pero nagulat na lang ako sa biglang pagpasok ng kamay nya sa loob ng shirt ko dahilan ng bigla kong pagtulak sa kanya.. Para akong nagising sa isang panaginip dahil sa pagkabigla..

"M-Mingyu.."

"I'm sorry.." Lumayo sya at naupo.. Naupo rin ako at tumingin sa ibang direksyon..

"M-Matutulog na ako.." Tumayo ako pero parang gumagalaw ang paligid ko.. Naramdaman ko naman ang biglang pagsapo sa likod ko..

"A-Alalayan na kita papasok sa kwarto.." Hindi na ako nagsalita at pumayag na lang sa sinabi nya..

Pagkahatid nya sakin sa loob ng kwarto ay agad din naman syang lumabas.. Napahawak ako sa labi ko.. Hinalikan ko sya.. Napagulo ako ng buhok ko.. Bakit mo ginawa yun Y/N?

Mingyu's POV

Napasandal ako sa pinto at inalala ang nangyari.. Gusto ba ako ni Y/N? Napakagat ako ng labi.. Dahil ako...

/Flashback/

Nasa tapat na ako ng apartment ni Katya.. Bakit ko ba kailangan gawin to.. Napapagod na ako.. Kung hindi lang talaga sa tiwala ni Y/N..

"Mingyu?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Katya na mukhang pauwi pa lang

"Katya"

"Bakit ka nandito?"

"Ano kasi Katya.. May kailangan kasi ako sayo.."

"Hmm? Hey.. FYI.. Wala akong kinalaman sa pagnanakaw ng brief mo noong highschool" Napakurap naman ako sa sinabi nya

"H-Hindi yun ang tinutukoy ko!"

"So.. Anong kailangan mo?"

"P-Pwede ba kitang halikan?" Bigla namang nanlaki ang mata nya.. Sino ba namang tanga ang taong magpapaalam para manghalik?

"H-Hoy! Hibang ka ba? Hindi porket na nagkagusto ako sayo eh papa--"

"Ano kasi kailangan lang kasi ano.." Huminga ako ng malalim

"U-Umalis ka na.."

"P-Pero kasi Katya an--"

"Honey!" Napalingon naman ako sa lalaking sumigaw at tumakbo palapit samin

"Henry!"

"Sino sya?" Tanong nung lalaki kay Katya

"Ahh.. Sya si Mingyu yung nakwento kon--"

"So Dude anong kailangan mo sa babaeng sinayang mo?" As if naman na may interes ako kay Katya pero teka.. Kailangan ko syang halikan para mawala na tong sumpa sakin..

"Henry pasok na tayo.."

"Katya please isa lang"

"Ano ba yung hinihingi nya Honey?"

"Kasi gusto nya daw akong halikan" Bigla naman syang humarap sakin na nakakuyom ang kamao

"Gago ka ba dude?"

"Hindi.. Pero--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang nya akong suntukin.. Agad naman syang pinigilan ni Katya at hinila na papasok ng apartment.. I know this plan is really stupid.. Alam kong hindi gagana ang bagay na to..

/End of Flashback/

Napasandal ako sa pader at napaupo sa sahig.. Siguro nga dapat ko na lang tanggapin na hindi na ako babalik sa dati...

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now