HELLO STRANGER

46 1 0
                                    

Loading......20%

"Nananadya ka ba talaga ha?! Ang lawak na nga ng daan oh!" inis kong sambit sa estrangherong lalake na nakabangga sakin habang naglalakad ako sa isang parke."Pasensya na Miss, nagmamadali kasi ako. Hinahabol ko kasi yung forever ko. Mabuti nalang at naabutan kita." nakangising saad ng lalake na lalo kong ikinais.

Loading......35%

"Happy Birthday mahal..." saad ni Lance ng dalhin niya ako sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Puno ang parke ng makukulay na rosas sa paligid gayundin ang makukulay na ilaw, mas lalo pa nag ningning ang kalangitan dahilan sa fireworks.

Loading......48%

"I love you.." nakatitig na saad ni Lance sakin hawak ang kamay ko habang nakatayo kami sa dalampasigan."I love you more." saad ko, at saka niya ako hinagkan sa noo.

Loading.......54%

Masayang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa parke ng bigla akong yakapin ni Lance mula sa likod na ikinagulat ko."Jusko naman Lance, papatayin mo ba ako sa nerbyos?!" pagkabigla ko, bahagya naman natawa si Lance sakin."Seryoso ka naman kasi masyado. Kaya hindi mo napansin na papalapit na ako sayo. Ano ba kasing tinitignan ng mahal ko?" saad ni Lance."Yung mga bata, nakakatuwa kasi sila." nakangiting saad ko."Balang araw, bubuo rin tayo ng masayang pamilya. Ako, ikaw at ang mga magiging anak natin." saad ni Lance.

Loading.......72%

"Will you marry me?...." saad ni Lance habang nakaluhod sa harapan ko hawak ang isang singsing.Halos tumulo ang luha ko sa halo halong emosyon, Lance is my first and last love. I still remember how our path crossed in unexpected date and time. Naiinis pa nga ako sa kanya noon, ngunit hindi rin nagtagal ay nahulog narin ako kay Lance hanggang sa maging kami na nga."Yes..." nakangiting saad ko, kaagad na isinuot ni Lance ang singsing sa daliri ko. Saka siya tumayo at agad ako niyakap saka hinagkan.

Loading......93%

Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ni Lance ng mga sandaling yun. Halos manginig naman ang buong katawan ko mula sa pagkakatayo habang patuloy ang pag agos ng luha sa pisngi ko."Kathy, please let me explain!" pakiusap ni Lance sakin."Gaano niyo na ako ka-tagal na niloloko? Huh?! Lance! Gaano ka-tagal mo na akong pinagtataksilan?! Hindi ka na nahiya? Sa mismong pamamahay pa natin? Sa mismong kwarto pa natin? Ang bababoy niyo!" nanggagalaiti sa galit na pagkakasabi ko."Kathy....I'm so sor...""Let's end this Lance. Maghiwalay nalang tayo." saad ko habang patuloy sa pagpatak ang luha ko.

DELETING MEMORIES SUCCESSFULLY FINISHED!

3YEARS LATER

"Kathy?" saad ng lalake kaya bahagya ako napalingon sa gawing kanan."Yes?" sambit ko."It's been a long time. But I still love you." nakangiti niyang pagkakasabi."I'm sorry, Mr. Stranger. Pero hindi kita kilala. By the way. I have to go." seryosong pagkakasabi ko at agad ng umalis.

—THE END—

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now