ONE SIDED LOVE (PART 1)

67 1 0
                                    

“ONE SIDED LOVE”
(a two part story)

PART 1:

Sa kwentong pag-ibig ko, parang ako 'yung second female lead sa isang teleserye na nangangarap mapansin at magustuhan ng male lead kahit alam kong napaka-imposible iyon. Kung makikita ko lang talaga si kupido, gusto ko s'ya hampasin ng kaldero. Sa dinami-dami ba naman kasi ng pwede kong magustuhan, bakit s'ya pa? Pambihirang puso 'to. Minsan na nga lang magmahal sa lalakeng imposible pang maging sa'kin.

Sa araw araw na nagtatama ang paningin natin dalawa, hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nadarama. Ngunit gayon pa man, alam kong hindi ka kailan man magiging sa'kin. Yung nararamdaman kong pagmamahal sa'yo, alam kong hinding hindi mo 'yun mararamdaman para sa'kin. Pero ewan ko ba, kung bakit hanggang ngayon gusto parin kita.

——

“Dadalhin mo ba 'yan sa opisina ni Boss?” tanong ko sa kaibigan at officemate kong si Cindy ng makita ko s'yang may hawak hawak na folder.

“Ah Oo, nagmamadali nga 'ko eh. May meeting pa kasi sa 8th floor.” saad ni Cindy at akmang aalis na pero mabilis ko siyang hinawakan sa braso.

“Ako ng bahala.” nakangising pagkakasabi ko.

“Ikaw na ang a-attend ng meeting? Well, kung sabagay iisang department lang naman tayo-----”

“What I mean is, ako na ang maghahatid ng mga 'yan sa opisina ni Adrian—I mean, ni Boss Adrian.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Akala ko naman...” tila disappointed na saad ni Cindy.“Ikaw Angel, ang lakas talaga ng tama mo sa CEO ng kompanyang 'to 'no? Crush na crush mo talaga si Boss Adrian.” nakataas ang isang kilay niya habang binibigkas ang mga katagang 'yun.

“Hindi ko lang s'ya crush. Mahal ko na siya.” proud kong pagkakasabi, napailing na lamang si Jomar na officemate din namin ng marinig niya ang sinabi ko. Halos karamihan naman dito kasi sa department, alam nilang may gusto ako CEO ng kompanyang 'to. Eh sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa lalakeng gwapo na, mabait pa. Bunos nalang na mayaman at matalino s'ya. Idagdag mo pa ang matipono n'yang pangangatawan. Ngunit kahit alam nila na may pagtingin ako sa Boss namin ay tikom ang kanilang mga bibig na magsumbong o ipagkalat ito. Paano ba naman, lagi ko sila nililibre tuwing Pay Day namin. Isa pa, wala naman silang mapapala kung magsusumbong sila.

“Nilibre ka lang ng lunch last week mahal mo na agad. Ano ba pinakain sa'yo ni Boss?” may pagka-sarcastic na tanong ni Angel.

“Sabi mo nagmamadali ka pa sa meeting mo diba? Kaya akin na 'yang hawak mong folder at makakaalis kana.” sarcastic ko rin na sagot, ganun lang talaga kami mag usap minsan ni Cindy pero matalik ko siyang kaibigan. Classmate kami since High School to College hanggang sa maging magka-trabaho sa iisang kompanya. Kaya naman halos magkapatid narin ang turing namin sa isa't isa.

Napailing na lamang si Cindy at binigay sakin ang folder na hawak n'ya.

“Goodluck, sissy.” saad niya saka ako kinindatan bago umalis.

——

Ipinatong ko muna ang folder sa working table ko saka ko kinuha ang lipstick, foundation at pabango sa pouch na nasa loob ng bag ko. Siyempre, haharap ako sa aking bebehlabs kailangan magada ako. Though, consistent winner ako ng mga beauty pageant sa school namin noong High School.

After ko nga magpaganda ay nagtungo na ako sa opisina ni Adrian bebeh ko. Kumatok muna ako sa transparent na pintuan ng opisina n'ya. Nakita ko siyang sumenyas kaya naman agad ko ng binuksan ang pintuan at saka ako pumasok.

“Good Day, sir.” nakangiting pagbati ko. Inangat n'ya ang ulo niya saka tumingin sa'kin.“Hindi po kasi makakapunta dito si Cindy dahil may a-attendand s'yang meeting. Kaya naman ako nalang ang nagdala nito.” saad ko saka ako lumapit ng bahagya at nilapag sa table n'ya ang hawak kong folder. Kaagad naman n'yang chineck kung ano ang nilalaman ng mga folder na dala ko.

Habang pinagmamasdan ko s'ya ay mas lalo lamang akong nahuhulog sakanya. Tumingin s'ya sa'kin at nahuli n'ya akong nakatitig sakanya. 

“May kailangan ka pa ba, Ms. Angel?” seryosong tanong n'ya.

“W-wala po.” nauutal kong sagot.

“Kung ganun ay makakaalis kana. Salamat.” seryosong saad ni Adrian.

“Adrian----I mean, Sir Adrian...”

“Bakit?”

“Itatanong ko lang po sana kung may kasabay po kayo mag-lunch mamaya.” mahinahon kung tanong. Napatingin naman s'ya sa wrist watch niya.

“Hindi ako dito sa trabaho kakain ng lunch, uuwe ako sa bahay dahil may bisita akong darating.” seryoso n'yang sagot at muling binaling ang tingin sa mga papel na nasa harapan n'ya.

Hindi na ako nagsalita pa at nagpaalam na akong lalabas na ako ng opisina n'ya.

——

Habang naglalakad ako sa hallway ay nasalubong ko si Cindy.

“Oh, tapos na meeting n'yo? Ang bilis naman.” pagtataka ko.

“Hindi pa tapos, in-adjust lang 'yung oras. Instead of before lunch, after lunch nalang daw.” sagot ni Cindy.“Siya nga pala, musta? Napansin ba ni Adrian bebeh mo 'yang namumula mong labi?” nakangising tanong ni Cindy sakin.

“Hindi nga eh.” mahinahon kong sagot.

“Sayang naman ang effort ng sissy ko sa pagpapaganda hindi naman pala napansin ng bebeh n'ya. Sad...” simpatya ni Cindy.

“Hindi naman sayang, kasi alam kong darating ang araw na mapapansin din n'ya 'ko.” pagpapalakas ko sa loob ko.

“Kailan pa? pagputi ng uwak pag itim ng tagak? Ang hirap kaya ng ganyan, 'yung ikaw lang 'yung nagmamahal. One sided love ika-nga.” saad ni Cindy.

——

The next day, magkasabay kaming pumasok sa trabaho ni Cindy. Nasa lobby kami ng mapansin namin ang pagparada ng puting luxurious car sa harap ng main door ng gusali. Isang babae ang bumaba. May taas na 5'6, chest-nut brown ang curly hair na buhok, maputi at maganda.

“Sino s'ya?” magkasabay na tanong namin ni Cindy.

Sa hindi kalayuan, nakita ko si Adrian kasama ang ilang bodyguard n'ya na naglalakad. Malayo palang ay nakita ko na ang ngiti sa kanyang labi. Habang papalapit siya ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ngunit...

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano niya masayang nilapitan ang babaeng kabababa lang ng kotse, at saka n'ya 'to hinagkan sa pisngi.

“Sissy, ok ka lang?” may pag aalalang tanong sa'kin ni Cindy. At tila hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa'king mga mata.

Hindi ako nagsalita at mabilis na nagwalk out, habang naglalakad ay pinupunasan ko gamit ng kamay ko ang bawat luhang dumadampi sa pisngi ko.

Ang sakit...

Ang sakit sakit..

(To be continue...)

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now