END OF THE WORLD WITH YOU

152 8 2
                                    

“END OF THE WORLD, WITH YOU”

“Tulala kana naman, may problema ka ba?” nag aalalang tanong sakin ni Veronica.

“I'm ok.” tipid na sagot ko habang tinatanaw ang malawak na kalawakan.

“After ng mission natin, makakabalik na tayo sa Earth.” nakangiting pagkakasabi ni Veronica.

Anim kaming Filipina Astronaut nagwo-work sa NASA na kasalukuyang nasa isang mission.

8years na akong Astronaut. Hindi naman talaga ang pagiging Astronaut ang gusto ko. But since my daddy died, na-inspired na ako na maging katulad niya. Pero 1year nalang sana ay graduate na ako as a Doctor.

<Flashback: 8years ago>

“Bakit kasi kailangan mo pang tumigil sa pag aaral sa Med School? Louise isang taon nalang magiging ganap doctor na tayo.” bulyaw sakin ni Eric, ang boyfriend ko.

“Pero kailangan ko ipagpatuloy ang nasimulan ni Daddy noon. Hindi pwedeng ipagsawalang bahala ko na lang lahat ng ng efforts niya.” paliwanag ko.

“Pero Babe----”

“Babe, suportahan mo na lang ako please.” mahinanon na pagkakasabi ko.

“Pero paano kita susuportahan sa gusto mo kung pwede ka mapahamak. Paano kung matulad ka kay Tito. Babe, hindi ko nanaisin na mawala sakin.” sambit ni Eric.

“Wala ka bang tiwala sakin?” seryosong pagkakasabi ko.

“Meron naman Babe, pero kasi...gusto ko lang naman na makasama ka lagi. Pag natuloy ang pagiging Astronaut mo tulad ni Tito, hindi na kita lagi makakasama at makikita.” sagot ni Eric.

Noong una, akala ko suportado na sakin si Eric sa pagta-trabaho ko sa NASA. Pero habang tumatagal ay nawawala na ang communication naming dalawa, hanggang sa makipag break na siya sakin.

<End of Flashback>

“Masyado ka yatang seryoso sa ginagawa mo, ano ba yan?” pangungulit sakin ni Stephanie.

“Halos 8years narin pala ang nakakalipas mula ng magkahiwalay kami. Pero ewan ko ba, hanggang ngayon na sakin parin lahat ng 'to.” seryosong sagot ko habang pinagmamasdan ang kahon na naglalaman ng mga binigay sakin ni Eric noong panahong kami pa.

“Good News! Makakabalik na tayo sa Earth.” masayang pagbabalita ni Steeve.

“Pero hindi pa tapos ang mission natin.” sabat naman ni Rhea.

“Isang himala na nawala ang Asteroid na may posibilidad na babagsak sa Earth. Kaya makakabalik na tayo, tapos na ang mission natin dito.” nakangiting sagot ni Steeve.

Bigla nalang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya.

“Sana nga tapos na, sana nga wala na.” bulong ko sa sarili ko.

<EARTH: Philippines Aeronautics Space Administration>

“Louise, pinapatawag ka sa conference room.” saad ni Bryan.

“Ah sige sunod na ako.” sagot ko at agad din lumabas ng office ko.

Agad kong tinungo ang conference room, kung saan naabutan ko na nagme-meeting ang ilang mataas na official ng NASA at ng Philippines Space Administration.
“Have a seat, Ms. Stratford.” nakangiting pagkakasabi sakin ng ni Secretary Hill, at kaagad nga ako naupo.

“So what should we do first? Should we keep this a confidential or should we tell them the real situation.” — seryosong pagkakasabi ng President ng Philippines Space Administration.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon