I'M AN AUTHOR AND HE'S MY READER, THAT'S HOW WE MET

69 4 3
                                    

I'M AN AUTHOR AND HE'S MY READER, THAT'S HOW WE MET.
📝: pinkishrose02

ANOTHER GREAT STORY, MISS AUTHOR,” komento ng ilan sa mga readers ko sa Epilogue ng kwentong halos ilang buwan din bago ko natapos.

Napangiti ako habang hawak ang cellphone ko, hindi pa ako nanananghalian pero mabasa ko pa lang ang sandamakmak na komento nila ay busog na busog na ako.

Pa-log out na ako nang may magpop-up na message sa screen. Wala siyang profile picture, hindi ko rin mabasa ng maayos ang pangalan niya dahil naka-Korean character 'yun.

Kunot-noo kong binuksan ang message galing sa kung sino man 'yun at binasa ang mensahe nito.

“Hi Miss A, salamat sa story mo. Sobrang nakakakilig, pero mas nakakakilig siguro kung story na natin ang isusulat mo. 💚” — 소녀 시대

Natawa nalang ako matapos mabasa ang mensahe na 'yun, lakas talaga ng trip ng ibang readers ngayon.

May ilang buwan palang akong nagsusulat, pero nakakatuwa na kahit papano ay may mga nakaka-appreicate na story na sinusulat ko. Random ang genre ko, pero mas gusto ko ang Tragic stories. Wala lang, gusto ko lang magpaiyak.

Lumipas pa ang mga araw, linggo,buwan hanggang sa umabot na nga ako ng isang taon, patuloy ang pag mensahe niya sa akin. Puro motivational qoutes ang sini-send niya sa'kin para hindi daw ako mawalan ng gana sa pagsusulat, at na-appreciate ko naman 'yun.

Siya 'yung reader ko na sobrang sipag sa pagbibigay ng komento sa bawat kwnetong sinusulat ko. Hanggang sa naisipan ko na siyang i-message, 'yung ako mismo ang mauuna mag message sa kaniya at hindi siya.

That day, he confessed that he likes me. I was so shocked by his confession, kaysa maniwala ay mas pinili ko nalang na natawanan siya chat.

He asked me bakit ko daw siya tinatawanan. So I answered him,“Kahit naman sino ay matatawa sa sinabi mo,”

Then he replied me,“Ikaw lang 'yun, hindi ang ibang tao,”

I replied him,“Matutulog na ako Good Night,”

He replied me,“Good Night, tanghaling tapat?”

I replied him,“Bakit, masama matulog sa tanghali?”

He replied me,“'Yan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo, magaling kang magpakilig sa story mo. Pero ayaw mo mismong ikaw ang pinapakilig.”

Napairap ako sa message niya, bakit parang kasalanan ko pang single ako?

I message him,“Kinikilig na ako sa mga fictional characters, that's enough for me,”

Then he replied,“Bakit sa'kin? Ayaw mong kiligin? Kaya kitang pakiligin araw-araw, minu-minuto at oras-oras higit pa sa pagpapakilig sa'yo ng mga fictional characters,”

I'm an author and he's my reader, that's how we met.

THE END


A/N: Please be reminded that THIS IS A WORK OF FICTION!

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now