I'M FINE, THANK YOU

201 14 13
                                    

"I'M FINE, THANK YOU"

----[IN A WEDDING RECEPTION]----

"Wendy?" gulat na gulat na pagkakasabi ng lalakeng nasa harapan ko. Matangkad, moreno, may matikas na pangangatawan, mapungay ang mata at higit sa lahat familiar ang mukha niya sakin, si Harold ang ex-boyfriend ko.

"Yes, ako nga." nakangiting sagot ko.
"It's been 10years." seryosong pagkakasabi niya kaya ngumiti nalang ako.

"Yah, by the way how are you?" tanong ko.

"I'm fine, actually kakauwe ko lang galing Canada. Ikaw, kamusta kana?" tanong naman ni Harold.

"I'm fine also, ah sa Canada kana pala nagwo-work ngayon?" tanong ko sakanya.

"Oo." maikiling sagot ni Harold.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Invited ka rin pala." tanong ko.

"Ah Oo, kasamahan ko kasi sa work doon sa Canada yung Groom. Eh ikaw?" sagot naman ni Harold.

"I'm bride's bestfriend and I'm also the one who organized their wedding." nakangiting sagot ko.

"Ah kaya pala parang familiar sakin yung set-up. Ikaw pala nag organized." nakangiting pagkakasabi ni Harold.

"This is the first time that I made this kind of set-up. Even sa ibang wedding organizers 'di pa ito nagagawa. Paano naging familiar?" tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba? Noong tayo pa, ganito yung sabi mong dream wedding mo." seryosong pagkakasabi ni Harold habang nakatitig sakin.

"Ah sorry, wala na kasi matatandaan. Ang tagal na kasi." pagde-deny ko.

"Are you still angry with me?" seryosong tanong niya.

"Of course not, It's been already 10years since we broke up. I'm already move on." nakangiting sagot ko.

"I'm so sorry. I shouldn't hurt you in the first place, I'm so damn and stupid. You gave all your love and loyalty to me but I still cheated on you. If only I can bring back the time, I will be faithful to you" seryosong pagkakasabi ni Harold dahilan para matawa ko.

"Why?" tanong niya.

"Masyado na kasi seryoso 'tong usapan natin." sagot ko.

"Oh pre, nandyan kalang pala. Yung fiance mo dumating na, hinahanap ka." sabat ng kaibigan ni Harold na kararating lang.

"Sige, sunod ako." sagot naman ni Harold.

"Nand'yan na pala si Anne, mauna na muna ako. See you around." pagpapaalam ni Harold, tumango lang ako at saka siya umalis kasama ang kabigan niya.

"Fiance, so may fiance na pala siya." I whispered to myself.

Naiwan ako sa garden area, saka ko napansin ang wallet na nasa upuan. Agad ko 'tong kinuha at tinigan ang laman upang maisauli ko sa may-ari. Nang kalkalin ko ang laman, isang lumang litrato ang nakita ko na nasiksik sa likod ng isa pang litrato. Picture namin yun ni Harold during college days. Noong kami pa, noong masaya pa kami at noong 'di pa nasisira ang relasyon namin. Hindi ko alam kung bakit, ngunit unti unti ng pumapatak ang luha sa mata ko ng mga sandaling yun. Hanggang sa may maramdaman ako napaparating kaya agad ko pinunasan ang luha ko at ibinalik ang litraro namin sa wallet niya. Paglingon ko, nakatingin sakin si Harold.

"Sayo pala 'to, pasensya na kung binuksan ko tinigan ko kasi kung kanino para maisauli ko sa may-ari." nakangiting pagkakasabi ko. Agad naman lumapit sakin si Harold para kunin ito.

"Salamat." seryosong pagkakasabi niya.

"Y-yung picture. I mean, yung picture natin noong college pa tayo, nasa'yo parin pala." nahihiyang pagkakasabi ko. Agad naman niya kinuha yun sa wallet niya.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now