006

14 0 0
                                    

“Sorry, pero hindi ko na yata matutupad pa 'yung pinangako ko sa'yo na hindi kita iiwan.” Nagkatinginan kami ni Wendy nang marinig ang sinabing iyon ng kaibigan namin na si Jasmine. Nasa coffee shop kami ngayon habang sabay-sabay na nag re-review para sa nalalapit naming mid term examination.

“W-What do you mean?”Kunot-noo na wika ni Troy sa sinabi ng girlfriend niya.

“I'm tired. Troy pagod na ako. Hindi naman ako napagod sa pagmamahal ko sa'yo, pero napagod ako sa pinaparamdam mo sa akin. Dahil sa tuwing magkasama tayo, hindi ko na maramdaman 'yung presensiya mo. Hawak ko nga ang kamay mo, pero hindi ang puso't isipan mo. Troy pagod na ako maging second option mo, pagod na ako maging second choice mo. I deserved to be treated right,” ani Jasmine. She's a theater actress in our school, but this time I know she's not acting. Hindi naman lingid sa kaalaman namin lahat kung paano siya i-trato ng lowkey cheater niyang boyfriend.

“Ahmm guys—”Sabat ko ngunit hindi ko 'yon naituloy nang muling magsalita si Jasmine.

“Hindi mo naman talaga ako minahal 'di ba? O siguro nga minahal mo 'ko, minahal mo 'ko kasi noong panahon iniwan ka niya, ako 'yung sumalo sa'yo. Ginamit mo lang ako, iyon ang totoo hindi ba? Pero ako, never kita ginamit. God knows how much I love you, binigay ko sa'yo lahat ng gusto mo kasi ayaw ko na magkaroon ako ng pagkukulang sa'yo. Binigay ko sa'yo lahat to the point na ako na 'yung unti unting nauubos dahil wala na akong natitirang respeto't pagmamahal para sa sarili ko,”ani Jasmine kasunod nang pagpatak ng kaniyang luha. Para kaming nanonood ng stage play sa mga oras na ito.“Akala ng ibang tao, masaya pa tayo. Akala ng ibang tao, mahal mo 'ko dahil iyon ang palagi mong sinasabi sa kanila. Pero wala silang alam kung gaano mo 'ko nasasaktan sa tuwing nahuhuli kita na nagche-cheat sa akin.”Patuloy pa ni Jasmine, gusto ko na tumayo mula sa aking pagkaka-upo upang bigyan silang dalawa ng privacy ngunit pinigilan ako ni Wendy na gawin 'yon. Gusto pa yata niya maki-chismis.

“I didn't cheated on you. Hindi kita niloko, never in my life na ginawa—”

“Oh, yes you did. Flirting with other girls while you're already in a relationship with someone, tingin mo hindi cheating 'yon?” Oh, that's my girl.

“Kaibigan ko lang sila—”

“So that's how you treated your friends? I wasn't born yesterday, I know the difference between of being friendly and flirting.”

“Jasmine..”

“Hindi ako nagsisisi na nakilala kita, pero nagsisisi ako na minahal kita at ibinigay ko sa'yo lahat tapos ganito lang ang igaganti mo sa akin? Ang saktan ako? Damn you!”

“I'm sorry..”

“Sorry?” sarkastiko at natatawang pag uulit ni Jasmine sa sinabi ni Troy. “D'yan ka magaling, sa puro sorry. Pero nagbabago ka ba? Hindi. Ilang beses ko na narinig 'yan mula sa'yo, pero patuloy mo pa rin akong sinasaktan. Nag so-sorry ka para sa peace of mind mo, hindi dahil nag-guilt ka. Nasanay ka kasi na isang sorry mo lang napapatawad kita agad, isang sorry mo lang okay na tayo agad dahil alam mong sobrang mahal kita. Pero hindi na tatalab 'yang sorry mo sa akin ngayon, set me free. Palayain mo 'ko, hayaan mo 'ko maging masaya, ayusin at buohin ulit ang sarili ko. Iyon ang kailangan ko hindi ang sorry mo.”

“Ayaw ko—”

“Hindi mo ba nakikita? Durog na durog na 'yung kaibigan namin. You have no idea how much she cried at night while cursing your name sa tuwing nahuhuli niyang may kausap kang ibang babae. Paulit-ulit ka niyang pinili noon kahit mas matimbang na 'yung sakit kaysa sa pagmamahal, kaya sana ngayon hayaan mo na 'yung kaibigan namin na piliin naman 'yung sarili niya. Dahil kung talagang mahal mo si Jasmine, hinding hindi mo siya sasaktan at hindi mo rin hahayaan na makita siyang nasasaktan.” Pagsabat ko, kanina ko pa kasi talaga gusto magsalita hindi lang ako makasingit.

“Jasmine, Love please pag usapan natin ng maayos 'to.” Naluluhang pakiusap ni Troy sa girlfriend nito na tuluyan ng naging bato ang puso sa kaniya.

Hindi kumibo si Jasmine at nauna nang tumayo mula sa kinauupan kaya naman sumundo na rin kami ni Wendy. Naiwan si Troy sa coffee shop na abot langit ang pagsisisi ngunit huli na, nagising na ang kaibigan namin. Finally, nakita na rin ni Jasmine ang kaniyang halaga.

To all girls out there, always know your worth. Don't settle for less, don't settle for bare minimum. We deserved to be loved and treated right. If nararamdaman mo ikaw na lang ang nagmamahal at kumakapit sa isang relasiyon, maybe that's the right time to let go the person who caused you so much pain. Remember, you deserved better.

✍️: pinkishrose02

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon