PLEASE DON'T ERASE OUR LOVE

95 7 4
                                    

“PLEASE DON'T ERASE OUR LOVE”
(Inspired by Taeyeon's “I Love You”)

I've been in a relationship with Clyde for almost 3years. Masaya ang naging relationship namin, for almost 3years wala ako natatandaan na nagkaroon kami ng tampuhan. He so sweet, gentleman, kind and responsible boyfriend. Wala na talaga ako ibang mahihiling pa bukod sa makasama siya habang buhay.

“Happy Anniversary babe.” masayang bati niya sakin.

Wala siyang dalang bulaklak, chocolates or kahit teddy bear. Alam niya kasing hindi ako mahilig sa mga ganun. Basta kasama ko lang siya sobrang masaya at buo na ang araw ko.

“Happy Anniversary too babe.” nakangiting sagot ko at saka siya niyakap.

“Ayaw mo ba talaga na mag celebrate tayo sa magandang restaurant? Mas gusto mo ba na dito lang talaga sa garden?” seryosong pagkakasabi ni Clyde.

“Babe alam mo naman na ayaw ko na gumastos ka pa. Saka ok naman yung set up diba? Saka tignan mo, ang ganda ng mga bituin sa kalangitan.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Hay naku ang babe ko talaga masyadong matipid. Pero gusto ko kapag kinasal na tayo engrande, gusto ko ikaw yung magsusuot ng pinakamagandang wedding gown sa buong mundo. ” sambit ni Clyde habang naka-back hug sakin.

“I love you Babe.” nakangiting pagkakasabi ko saka humarap sakanya.

Agad naman ako tinitigan ni Clyde.

“Parang kailan lang, lagi lang kita tinatanaw mula sa bintana ng bahay niyo. Lagi ko lang ini-stalk ang mga social media accounts mo. Parang kailan lang napagkamalan mo akong magnanakaw dahil nahuli mo 'kong nakatitig sayo. Isang araw pa nga, hinampas hampas mo 'ko ng dala mong bag. Dati pangarap lang kita, ngayon 3years and still counting na kitang prinsesa ng buhay ko.” seryosong pagkakasabi ni Clyde.

“Mahal na mahal kita Elaine. Wala na akong nanaisin pa na makasama habang buhay kundi ikaw lang. Makapagtapos lang tayo sa college at magkaroon na ng stable na trabaho magpapakasal na tayo. Next year, graduate na tayo ng college.” dagdag pa ni Clyde.

“Mahal na mahal na mahal din naman kita. Saksi ang mga bituin sa kalangitan.” sambit ko.

Ngumiti sakin si Clyde at saka ako hinagkan sa labi pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.

Nahiga kami ni Clyde sa damuhan at pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Ilang saglit pa ay may dumaan na bulalakaw.

“Nakita mo yun Babe?” namamanghang pagkasabi ko.

“Oo, nag wish ka ba?” sagot ni Clyde.

“Ano pa ba ang iwi-wish ko kung katabi ko na ang pangarap ko.” nakangiting pagkakasabi ni Clyde.

“Ikaw talaga. Ang corny mo. Pinaglihi ka ba ni tita sa mais?” pang aasar ko.

“Grabe ka naman sakin.” kunwareng nagtatampong sagot ni Clyde.

“Joke lang.” natatawa kong sagot.

“Babe, bakit mo nga pala ako sinagot? Sa dami ng nanliligaw sayo noon?” seryosong tanong ni Clyde.

“Tinatanong pa ba yan? Siyempre kahit astang bad boy ka noong una kitang nakilala sa school, pero sa kabila non may mabuti kang kalooban at malinis ang intensyon mo sakin. Hindi ka lang gwapo, matalino ka rin. Isa pa, mahal kita.” sagot ko.

“Pinapangako ko, saksi ang kalawakan, mga bituin at ang buwan na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay.” nakangiting pagkakasabi sakin ni Clyde.

Sa totoo lang, 1year ako niligawan ni Clyde. Classmate ko siya noong Grade 12 ako. Pero sinagot ko siya noong mag first year college na kami. Gwapo si Clyde kaya maraming ibang babae ang nagkakagusto sakanya, kahit nga mga beks kaagaw ko rin sakanya noon.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now