LET THE LOVE BEGIN

297 18 11
                                    

“LET THE LOVE, BEGIN”

—JAZZ POV—

Kasalukuyan ko iniintay si Daddy, siya kasi ang magsusundo sakin. Nang bigla may tumigil na itim na van sa harapan ko.

Tatlong naka-bonet na lalake ang bumaba at agad na lumapit sakin. Agad nila ako hinawakan sa braso.

“T-teka sino kayo? Anong kailangan niyo sakin?” taranta kong pagkakasabi.

Pero agad ako sinikmuraan ng isa pang lalake kaya agad ako nawalan ng malay.

——

Nagising na lamang ako na nasa isang hindi pamilyar na lugar ako.

“Kailangan natin sabihin kay Komander Elyas na gising na ang bihag natin.” sambit ng isang lalake.

Sa itsura nila ay nakasisiguro ako na isa silang grupo ng New People's Army (NPA). Pero anong kailangan nila sakin? Bakit nila ako dinukot.

Agad na umalis ang lalake at makalipas lang ang ilang saglit ay bumalik siya kasama pa ang isang lalake, yun na yata ang Komander Elyas na sinasabi nila.

Pero bakit parang hindi naman nalalayo ang edad niya sakin.

May katangkaran siya, kayumangi ang kulay ng balat niya, may matikas na pangangatawan at higit sa lahat gwapo siya. Kaya paano siya naging Komander ng NPA, eh mukha naman siyang artistahin.

“Mabuti naman gising kana. Ngayon, sagutin mo ng totoo ang mga tanong ko sayo. Dahil kung hindi, nakikita mo ba 'tong baril na hawak ko? Uubusin ko sayo ang bala nito.” matapang na pagkakasabi niya.

“Anong relasyon mo kay Col. Lopez?” seryosong tanong niya.

“Hindi ko siya kilala.” sagot ko.

“Sinungaling!” galit na pagkakasabi niya at agad na kinasa ang baril na hawak niya.

“Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko talaga kilala ang Col. Lopez na sinasabi mo. Maniwala ka. Kaya nakikiusap ako, pakawalan mo na 'ko. Dahil sigurado akong hinahanap na ako ng Daddy ko.” naiiyak kong pagkasabi dahil sa takot.

Agad siyang tumayo at lumabas ng bahay-kubo kung saan ako nakulong.

“Bantayan niyo ng mabuti ang babaeng yan. Siguraduhin niyong hindi siya makakatakas.” rinig kong utos niya sa mga tauhan niya.

—ELYAS POV—

“Komander mukhang nagsasabi ng totoo ang babaeng bihag natin.” agad na salubong sakin ni Oscar.

“Anong ibig mong sabihin?” pagtataka ko.

“Mga tauhan na mismo natin ang nagsabing nagkamali sila ng babaeng dinukot. Hindi siya ang nag iisang anak ni Col. Lopez.” salaysay ni Oscar.

“Tangina!” inis na pagkakasabi ko.

“Pakakawalan na ba natin ang bihag?” tanong sakin ni Oscar.

“Hindi. Dahil sigurado akong magsusumbong siya sa kinauukulan. At kapag nangyari yun, malalaman nila kung saan ang kuta natin at tiyak na susugurin tayo dito ng AFP.” sagot ko.

—JAZZ POV—

Nakakulong lang ako sa isang maliit na kwarto na may isang bintana at pintuan.

Hindi naman nakagapos ang mga kamay at paa ko. Pero hindi ako makatakas dahil sa mga nagbabantay sa paligid na armado ng M16.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan. Isang lalake ang pumasok na may dalang pagkain at tubig.

“Kumain kana.” seryosong pagkakasabi nito at saka nilapag sa harapan ko ang pagkain.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now