MALL

161 7 2
                                    

"MALL"

Hi, I'm Sheena. 24years old, and this is my story.
Ako yung tipo ng tao na 'di masyado mahilig sa gimik. Work-bahay then bahay-work lang talaga ako. Hanggang sa mabalitaan namin ng mga kaibigan ko na may bagong mall na itatayo malapit sa subdivision kung saan ako nakatira. Halos kalahating taon lang ay natapos na nga ang nasabing mall.
"Uy bakla. Ano tara?" anyaya sakin ni Patricia.
"Saan?" tanong ko.
"Saan pa edi gagala tayo" - Patrica
"Pat, alam mo naman na-------" hindi ko naituloy pa ang sasabihin ko dahil tinakpan na niya ang bibig ko.
"Jusko naman Sheena. Hindi ka ba nabo-bored na dito sa bahay mo? Paminsan minsan lumabas ka naman, lumanghap ng sariwang hangin, mag enjoy. 'Cause you only live once ika nga. Kaya bitawan mo na yang librong hawak mo. Maligo ka, magbihis at aalis tayo." - Patricia.
Wala na akong nagawa dahil masyadong mapilit si Patricia.
"So, saan naman ang punta natin ngayon? Wag mo sabihing yayayain mo ako magpunta sa Bar, naku Patricia umayos ka, kahit kailan 'di na talaga ako sasama sayo." banta ko kay Patricia dahilan para matawa 'to.
"Don't worry gurl. Sa mall lang tayo pupunta. Yung bagong bukas na mall malapit sainyo. Balita ko kasi sale sila ngayon dahil first opening. Saka may plano rin kasi ako mag vlog." - Patricia
"Ay oo nga pala, niyaya ko rin sila Bryan. Sa entrance ng mall nalang tayo magkikita-kita." - dagdag pa ni Patricia.
Malayo palang ay natanaw ko na ang apat pa naming kaibigan na sila Bryan, Lorraine, Dianne at Jakson. Agad ko naman silang kinawayan.
"Oh! buti napapayag mo 'tong si Sheena na gumala" pagbibiro ni Bryan.
"Ako pa ba?" natatawang sagot ni Patricia.
"Pasalamat kayo at day off ko ngayon" ani ko.
"Naku Sheena wag kami, kasi kahit 'di mo day off, ayaw mo talaga sumama sa gala namin. Buti nga ngayon napilit ka ni Pat. At dahil kompleto tayo ngayon, ako na ang sagot sa panonood natin ng sine pati pagkain" - Lorraine
"Ay gusto ko yan. Ano tara na, 'di pa ba tayo papasok?" biro ni Dianne.
Pagkapasok sa mall agad kami naglibo-libot, picture dito picture doon. Hindi naman masyado malaki yung mall na ito pero hanggang 4th floor ang taas niya. Marami naring establishment sa loob. At tulad nga ng nabalitaan ni Patricia, sales nga ang halos karamihan sa mga tindahan dito. Kaya agad kaming pumunta sa bilihan ng Bag at sapatos. After non, ay umakyat kami sa 3rd floor sakay ng elevator para manood ng sine.
"Akala ko ba magba-vlog ka?" tanong ko kay Patricia.
"Oh I forgot. Hmm Dianne, pwede pakikuha phone ko sa bag? Thank you" utos ni Patricia kay Dianne, agad naman kinuha ni Dianne ang phone ni Pat at ibinigay ito sa kanya.
"Actually, hindi 'to vlog guys pero parang ganun narin. Gusto ko lang mag video tayo kasi kompleto tayo ngayon for the first time Hahaha." - Patricia
"Ang drama mo bakla." nang iinis na si Jakson.
"Manahimik ka d'yan, Bakla." sarcastic na sagot ni Lorraine.
"Yan na..Guys kaway kayo bilis. Hahaha. Hello everyone. Nandito kami ngayon sa mall at manonood kami ng sine. Oo nga pala, sila ang mga kaibigan ko. Siya si Bryan. Mag hello ka yaaaan. Siya naman si Lorraine, si Jakson, si Dianne at si Sheena. Kaway kaway" - Patricia.
"Kami na ni Sheena ang bibili ng ng popcorn at drinks, tapos kayo na mag isip ng papanoorin natin. Magkita tayo sa entrance ng sinehan." - Lorraine.
Habang naglalakad kami ni Lorraine patungo sa bilihan ng pagkain, may kung anong malamig na hangin ang dumampi sa pisngi ko at agad ako kinilabutan.
"Ayos ka lang?" tanong sakin ni Lorraine.
"Huh? Ah oo a-ayos lang ako." nauutal na sagot ko sakanya.
"Are you sure?" paninigurado niya. Ngumiti na lamang ako sakanya.
"Miss, magkano sa ganitong popcorn?" may pag galang na tanong ni Lorraine sa nagtitinda.
"120pesos po." sagot ng tindera.
"Ah sige bilhin ko, anim niyang popcorn saka drinks." - Lorraine
"Anong drinks po?" - tindera
"Sheena, ano gusto mong drinks" - tanong sakin ni Lorraine.
"Kahit ano." tipid na sagot ko.
"Ah miss, limang Coke saka isang Sprite." - Lorraine.
Nang mabili na namin ang kailangan namin ni Lorraine ay agad na kaming nagtungo sa entrance ng sinehan kung saan doon ay nag iintay sila Patricia.
"Tagal niyo" kunwareng naiinis na bungad ni Dianne.
"Ito naman, syempre ang dami kayang tao sa doon sa binilhan namin" - sagot ko.
"Joke lang" mabilis na sagot ni Dianne sabay yakap sakin.
"Let's go inside guys!" excited na pagkasabi ni Jakson.
Pagpasok namin sa sinehan, kapansin pansin na kunti lamang ang mga tao. Parang halos nasa 10-15 lang. Pero balewala lang samin yun kasi ang importante mapanood namin yung movie na matagal na namin gusto mapanood. Romantic-Comedy ang movie na yun kaya kahit kunti lang kami sa loob ng sinehan rinig na rinig parin ang hagakpakan ng mga tao sa loob ng sinehan. Tumagal din ng halos higit sa dalawang oras ang pinanood namin.
"Guys, anong oras na?" tanong ni Bryan.
"Oh! maaga pa pala. 1PM palang pala." sagot ni Patricia.
"So may oras pa pala tayo mag gala?" sabat ni Jakson
"Gala na naman?" tanong ko.
"Aba Oo naman Sheena, minsan na nga lang tayo makompleto eh. Sulitin na natin 'to." nakangiting pagkakasabi ni Patricia.
Matapos nga ang panonood namin ng sine ay agad narin kami lumabas, ngunit laking pagtataka namin ng wala ng ibang tao sa 3rd floor maliban samin. Agad kami sumakay sa escalator at pumunta sa 2nd floor, ngunit tulad sa 3rd floor ay wala ring katao-tao.
"What's happening here?" nagtatakang tanong ni Dianne.
"Closing time na ba?" tanong ko.
"Huh?" sagot ni Lorraine at agad tinignan ang oras sa Cellphone niya.
"Closing time? Eh 2:27PM palang. Saka paanong closing time eh tignan niyo nga, bukas pa halos lahat ng fast food chain dito sa mall pati ibang stores." explained ni Lorraine.
"Kung ganun, asan yung ibang tao? Ano bigla silang naglaho na parang magic ganun?" tanong ni Patricia.
"Much better siguro kung bumaba na tayo sa ground floor tapos umalis na tayo. Diba?" suggest ko, at agad naman sila sumang-ayon.
Pag dating namin sa ground floor, ganun na lamang ang takot at pagtataka namin ng mapansin namin na ang dating hanggang 4th floor na mall ay hanggang 3rd floor na lamang. Gayundin ang pagkawala ng lahat ng exit sa mall.
"Kailangan na natin humingi ng tulong. Hindi na maganda 'tong nangyayari satin" seryosong pagkakasabi ni Lorraine.
"Paano tayo makakahingi ng tulong kung pati mga cellphone natin walang signal." sagot ni Jakson.
"Ano?" nagtatakang tanong ko, at agad ko rin tinignan ang phone ko, at tama siya wala ngang signal.
"You know what Patricia, this is all your fault!" galit na galit na paninisi ni Dianne kay Patricia.
"Wait wait wait, teka bakit ako?" depensa naman ni Patricia sa sarili niya.
"Nagtataka ka kung bakit ikaw? As far as I remember, ikaw ang nagyaya samin na pumunta sa mall na 'to diba? sagot ni Dianne.
"Guys! could you please stop fighting? Wala tayo dapat sisihin ok? Kasi ginusto rin naman natin pumunta dito. What we all need to do now ay humanap ng daan palabas sa mall na 'to. What if, mag hiwa-hiwalay tayong anim? Tapos after 30mins magkita-kita ulit tayo dito para sabihin kung may nahanap na tayo" suggest ko sa kanila.
"Sige, pero pwede bang by pair?" suggest ni Patricia.
"I think that's a good idea. Ok, kami ni Sheena sa 3rd floor" sagot ni Bryan.
"Tayo?" pagtatakang tanong ko.
"Bakit ayaw mo?" seryosong sagot niya sabay hila sakin palapit sakanya. Nahuli ko naman si Dianne na sumama ang tingin sakin.
"Kami nalang ni Patricia sa 2nd floor" sagot ni Jakson.
"Ok dito kami Dianne sa ground floor" sagot ni Dianne.
"Ok, after 30mins magkita-kita tayo dito." saad ni Jakson at agad narin umalis kasama si Patricia.
--------3rd Floor-------
"Dapat kayo ni Dianne yung magkasama" seryosong pagkakasabi ko kay Bryan habang nililibot namin ang 3rd floor sa paghahanap ng daanan palabas.
"Mas ok na tayo ang magkasama, dahil mas mapo-protektahan kita." seryosong sagot naman ni Bryan.
"Wala akong oras makipagbiruan." inis na pagkakasabi ko.
"Sa tingin mo ba nakikipag biruan ako?" seryosong tanong ni Bryan.
"Doon tayo sa banda doon, baka may daanan doon" dagdag pa ni Bryan. Hindi ako nagsalita at sumunod na lamang sa paglalakad niya.
------2nd Floor-----
"Bakla tara bilis tignan mo 'to" sigaw ni Jakson sa 'di kalayuan.
"Bakit? May daan ba d'yan?" sagot naman ni Patricia.
"Hindi. Ito oh" sagot ni Jakson sabay turo ni Jakson sa pagkain na nasa lamesa ng isa sa mga restaurant sa loob ng Mall. Sa itsura ng pagkain, mukhang kakaluto pa lamang. Maayos din ang paligid ng Restaurant walang anumang kalat.
"Pasok tayo sa loob" suggest ni Patricia.
"T-teka b-bakit?" nauutal na tanong ni Jakson.
"Titignan natin kung ano meron sa loob. Baka sakali may tao pa." paliwanag ni Patricia.
-----Ground Floor-----
"Nagseselos ka kila Sheena at Bryan?" nang iinis na tanong ni Lorraine.
"Bakit naman ako magseselos sakanila?" inis naman na sagot ni Dianne.
"Nakita kita kanina, nakakatitig ka sakanila." dagdag pa ni Lorraine.
"Nang iinis ka ba Lorraine? Ok, let's make it clear. Hindi ako nagseselos. 'Cause why would I? Tulad ni Sheena, Bryan and I are just friends. Yes, I admit nagka-gusto ako sakanya noon. Pero high school pa tayo noon. So ok na?" explained ni Dianne.
"Hayst. Tara na, hanapin na natin yung daan palabas." - Lorraine.
"Lorraine nakita mo yun?" tanong ni Dianne sabay turo sa isang pasilyo papunta sa Ladies room.
"Ang alin?" takang tanong ni Lorraine.
"May tao doon oh! Tara puntahan natin." - sagot ni Dianne sabay hila kay Lorraine.
-----3rd Floor-----
"Kanina pa tayo nag iikot dito sa 3rd floor, pero wala naman tayong nakitang daanan palabas. Kahit mga emergency exit wala rin. Mas mabuti sigurong bumalik na tayo sa baba." - Bryan.
"Tama ka. Tara na." maikling sagot ko.
-----Ground Floor-----
"Oh! andyan na pala sila Sheena" - Jakson.
"May nahanap ba kayong daanan palabas?" tanong ni Patricia.
"Wala." malungot na sagot ko.
"Anong wala? Ano yun bigla nalang tayo na trap sa mall na 'to? Ganun nalang yun? Bigla nalang n-nawala yung ibang tao dito sa mall tapos t-tayo yung natira? Sige nga, explain niyo sakin kung bakit bigla nalang nawala yung kabilaan na exit/entrance nitong mall na 'to." naiiyak na pagkasabi ni Dianne.
*phone alarm ringing*
"Kaninong cellphone yung nagriring?" tanong ni Bryan.
"I think it's mine." sagot ni Patricia sabay check sa cellphone niya.
"Are you ok? Bakit parang nagulat ka." concern na tanong ko kay Patricia ng mapansin ko ang expression ng mukha niya.
"Y-yung o-oras. 12:00AM na." nauutal na sagot ni Patricia.
"Paanong 12:00AM? Kanina lang..kanina lang mag a-alas tres palang ng hapon. Paanong 12:00AM advance ba yang oras sa cellphone mo? or you just want to fool us?" halos natatawang sagot ni Jakson.
"She's not kidding. Ganun din ang oras sa cellphone namin ni Dianne" sagot ko.
Halos sumakit na ang ulo namin sa kakaisip kung ano na nga ba ang nangyayari samin. Puno na kami ng kaba at takot sa mga possible pang mangyari sa mga susunod na oras. Hanggang sa makarinig kami ng sigaw ng isang babae mula kung saan. Agad kaming nagkatinginan.
"Sino yun?" natatakot na tanong ni Patricia
"Asan nga pala si Lorraine?" nagtatakang tanong ko.
"Oo nga asan siya, diba kayong dalawa ang magkasama?" tanong ni Bryan kay Dianne.
"Oo. Oo kasama ko siya p-pero ang sabi niya mauna na akong bumaba." sagot ni Dianne.
"Hindi kaya, si Lorraine yung sumigaw?" tanong ni Patricia.
Agad namin hinanap si Lorraine, kahit ramdam na ramdam na namin ang takot. Pumasok kami sa lahat ng stores sa loob ng mall, gayun din ang mga comfort room. Hanggang sa mapapad kami sa 2nd floor. Bakas sa sahig ang patak ng dugo sinundan namin 'to hanggang sa makarating kami sa food park ng mall at doon ay nakita namin ang kaawang awang katawan ni Lorraine. May malalim itong laslas sa leeg, braso at hita. Nakadilat ang mga mata niya habang naliligo sa sarili niyang dugo. Halos masuka kami sa nakita namin, agad naman napatakbo palayo si Patricia dahil 'di niya kinaya ang nakita niya. Kaya agad ko naman siyang sinundan.

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon