I BELIEVE, I'LL BE OVER YOU

63 5 0
                                    

“I BELIEVE, I'LL BE OVER YOU”

“Sinong ka-chat mo? at parang inis na inis ka?” tanong ko sa boyfriend ko.

Agad naman niya tinorn-off ang cellphone niya saka siya tumingin sakin.

“Ah wala. Yung ka-trabaho ko lang yun, may tinatanong lang sakin.” saad niya.

“Ano naman kaya yung tinatanong niya, dahilan upang suminangot yang mukha mo.” seryosong tanong ko.

“Wala, tungkol lang naman yun sa trabaho.” paglilinaw ni Marco.

“Ok, sabi mo eh. Anniversary natin ngayon, ayaw kong nagtatalo tayo. Dapat i-enjoy natin yung araw na 'to. Kunin ko lang yung bag ko, then alis na tayo.” nakangiting pagkakasabi ko saka ako umakyat ng hagdan upang magtungo sa kwarto ko.

Almost 7 years na kaming magka-relasyon ni Marco. At sa sobrang tagal na namin magkarelasyon, sobrang komportable na kami sa isa't isa. Yung tipong, hindi na kami nahihiya sa isa't isa kapag isa samin ay umotot o bigla nalang tumulo yung sipon kakaiyak sa pinapanood na dramatic movies. At sa seven years na yun, masasabi ko na siya na nga. Siya na yung perfect guy para sakin. Siya na yung gusto ko makasama ang buhay hanggang sa tumanda ako.

——

“Love...” malambing na tawag ko sakanya habang nakaupo kami dito sa bench sa may plaza.

“Bakit?” seryosong tanong niya saka siya tumingin sakin.

“Tignan mo yung dalawang lolo at lola, ang tanda na nila pero sobrang sweet parin sila sa isa.” nakangiting pagkakasabi ko habang pinagmamasdan ang mag asawang matanda.

“Wag ka mag alala, pag tumanda na tayo. Ganyan din tayong dalawa.” nakangiting pagkakasabi ni Marco saka niya hinawakan ang kamay ko.

“Sana hindi dumating yung araw na kailangan na natin magpaalam sa isa't isa. Kasi nakahanap tayo ng iba o hindi tayo naging sapat. Ayaw ko dumating yung araw na kinakailangan kong kalimutan ka.” seryosong pagkakasabi ko.

“Alam mong hindi mangyayari yan Vanessa. Dahil pinapangako ko sayo, kahit anong mangyari. Hinding hindi kita iiwan.” paninigurado ni Marco.

——

Nandito ako sa mall upang bumili ng ire-regalo kay Marco, birthday na kasi niya sa susunod na araw.

Sa pag iikot-ikot ko nga sa mall ay nasalubong ko si Myrtle, ang ex-girlfriend ni Marco. Well actually, naging mag girlfriend lang naman sila noon dahil sa kagustuhan ng mga magulang ni Myrtle gayundin ang Daddy ni Marco. But since mamatay ang Daddy ni Marco, he decided to breaking up with her. At makalipas naman ang anim na buwan, naging kami naman ni Marco.

Since ng mag break sila, hindi ko na muling nakita pa si Myrtle na dati ko rin naging kaklase during high school days. Ang balita ko ay nagtungo daw sa London.

“Vanessa?” nakangising pagkakasabi niya.

“Ikaw pala.” saad ko.

“Long time no see, anong ginagawa mo dito sa mall? Kasama mo ba si Marco?” magkakasunod na tanong niya.

“Hindi ko kasama si Marco. Busy siya sa opisina. Nakabalik kana pala ng pilipinas? Kailan pa?” tanong ko.

“Ah, oo. Last 2weeks ago lang, pero next week babalik narin ako sa London. May kinailangan lang ako asikasuhin dito sa Pilipinas.” nakangiting pagkakasabi ni Myrtle.

“Ah ganun ba. By the way, I have to go. It's nice to see you again.” saad ko at saka ako agad na umalis.

——

ONE SHOT STORIES COMPILATION BY PINKISHROSE02Where stories live. Discover now